Relentlessly I “Seatiel! Ito! Bagay sa ‘yo ‘to,” natatawang sabi ko at nilagay ang isang headband sa kaniyang buhok. Hindi naman siya nakapalag sa mga pinaggagawa ko kaya kinuha ko ang cellphone at kumuha ng selfies naming dalawa. “Smile!” Ngumiti ako nang malapad sa camera. He bought me a phone, too, para din may pang-contact kami sa isa’t isa. Sabi ko nga ay parang hindi ko naman kailangan pero iyon ang gusto niya. Well, excited din naman akong maging textmate siya! “Kukunin ko po ito,” sabi ko sa ale at pumili pa ng ilan sa mga tinda. “Ang ganda at gwapong mag-asawa ninyo naman, hija. Naku, siguradong maganda at gwapo rin ang magiging anak n’yo,” sabi ng ale. Napangiti ako. “Hindi pa po kami mag-asawa, pero malapit na po...” Ngumiti ang mga aleng naroon, pinupuri si Seatiel.

