4th Lie

1643 Words
NAKATULALA si Riri sa tinapay sa plato niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya sigurado kung tama ba ang desisyon niyang pagkatiwalaan si Stranger. Lalo na't hindi naman gumagana rito ang special ability niya. But then again, nararamdaman naman niya sa sarili niya na may emptiness na dahil paulit-ulit siyang nadidismaya sa mga tao sa paligid niya. Kaya parang breath of fresh air ang pagdating ni Stranger sa buhay niya. Kailangan din naman niya ng pahinga. Kung sa paanong paraan, hindi pa niya sigurado. "Riri?" Nalingunan ni Riri ang Ate Rita niya na may dalang pahabang kaheta. "Yes, Ate?" Inabot ng kapatid niya sa kanya ang maliit na kahon na hawak nito. "Galing sa mansiyon. Ipinadala 'yan dito sa bahay kahapon. Nakalimutan ko agad ibigay sa'yo," sagot nito, saka pumihit patalikod sa kanya para buksan ang ref at kumuha ng isang pitsel ng juice. "Matagal mo nang hinihintay 'yan, 'di ba?" Nagpasalamat si Riri sa Ate Rita niya dahil sa pagkuha ng package niya. Napangiti naman siya nang buksan niya ang kaheta at sumalubong sa kanya ang kuwintas niya. Four-leaf clover ang pendant niyon. Kahit gawa lang 'yon sa mababang klase ng gold, mahalaga pa rin 'yon sa kanya dahil 'yon daw ang regalo sa kanya ni Ate Ria nang ipanganak niya. Parati niya 'yong suot. Pero nitong nakaraan lang, nasira ang lock niyon kaya pinagawa niya muna. Mabuti na lang at naayos agad. Hindi kasi siya mapakali kapag hindi niya suot ang "lucky charm" na 'yon. Mabilis na sinuot agad niya ang kuwintas. "Pasensiya ka na kung masyado akong busy at hindi na tayo halos nagkikita rito sa bahay," parang guilty na sabi ni Ate Rita nang umupo ito sa tapat niya. "Ang dami kasing customer, eh. Sumisikat na ang shop ko." Napangiti si Riri. Walang interes sa pagpapatakbo ng kompanya nila si Ate Rita dahil hilig nito ang pag-de-design ng mga damit. Kaya nagtayo ito ng boutique kung saan nagbebenta ito ng mga damit na ito mismo ang nagdisenyo. Four years ago lang nang muling tanggapin ng Daddy nila ang Ate Rita nila sa pamilya pagkatapos maglayas ng panganay nila no'ng panahong hindi pa siya ipinapanganak. No'ng lang din niya nakilala ng husto ang tungkol sa isa pa niyang ate sa mga anak nito. Pero simula nang makilala naman niya si Ate Rita, pati sina Rara at Ryder, naging malapit agad siya sa pamilya. "Ano nga pala 'yong gusto mong ikonsulta sa'kin?" tanong ni Ate Rita habang nagsasalin ito ng juice sa baso. "Nabanggit din sa'kin ni Ryder na may gusto kang sabihin sa'kin." Naalala ni Riri na gusto niyang ikonsulta kay Ate Rita ang tungkol kay Stranger na hindi tinatablan ng special ability niya. Pero ngayong nakikita niya kung ga'no ka-stress ang kapatid niya, nagbago ang isip niya. Isa pa, sa tingin niya ay nasa edad na siya kung saan kaya na niyang sarilinin ang mga problema niya. "Ah. Tungkol lang 'yon sa pagkuha ko ng bagong driver, Ate." "Puwede ko naman kayong ihatid-sundo ni Ryder hangga't wala ka pang nahahanap na kapalit," alok ni Ate Rita. Tatanggi sana si Riri dahil ayaw na niyang maabala ang ate niya, nang naunahan siya ni Ryder na kapapasok lang ng kusina. "Mama, hindi na kailangan," sabi ni Ryder, saka kumuha ng mansanas sa fruit basket. "Nand'yan na 'yong nakuhang bagong driver ni Tito M." Kumunot ang noo ni Riri. Alam niyang si Kuya M ang aasikaso ng pansamantalang papalit sa posisyon nito, pero hindi niya akalain na makakahanap agad ito ng bago. "Nand'yan na si Kuya M? Ang sabi ko sa kanya, magpahinga muna siya." "Makulit 'yong aplikante, eh." "Sinong aplikante?" Nagkibit-balikat lang si Ryder. "Tingnan mo na lang sa labas, Auntie." Tumaas ang kilay ni Riri. Nakakaduda ang sagot ni Ryder. Pero himbis na magtanong, nag-excuse na siya sa mag-ina at lumabas ng bahay para alamin ang nangyayari. Nakita agad niya si Kuya M na naka-uniform pa rin, pero naka-cast ang braso. "Kuya M, sabi ko naman sa'yo magpahinga ka..." Unti-unting natigilan sa pagsasalita at paglalakad si Riri nang makita si Stranger sa tabi ni Kuya M. "What are you doing here?" At bakit ang guwapo-guwapo ni Stranger ngayong naka-puting T-shirt lang ito at slacks at sneakers? Dapat nga magmukha itong sanggano dahil nakasabit lang ang puting polo nito sa balikat nito, pero ng mga sandaling 'yon, nagmukha itong cool. Sumaludo sa kanya si Stranger. "Good morning, amo." Kumunot kang ang noo ni Riri, saka binalingan si Kuya M. "What's happening here?" "Eh 'di ba nga nag-offer ang ugok na 'to na ihatid ako sa bahay kahapon? Ayun, nagkuwentuhan kami," parang guilty na sagot ni Kuya M. "Nabanggit ko na may balak akong bumalik sa agency namin para ako mismo ang pumili ng pansamantalang magiging driver at bodyguard mo. Kaso, nagpumilit mag-apply ang kumag na 'to." "May pangalan ako, puwede ba?" iritadong singit naman ni Stranger. "Anyway, makulit ang batang 'to," pagpapatuloy ni Kuya M na parang hindi naririnig si Stranger. "Ang sabi niya, "alipin" mo raw siya kaya dapat lang na siya muna ang pumalit sa puwesto ko. Eh naisip ko na ikaw na lang ang pagdesisyunin, tutal naman ay may kasunduan naman pala kayo." Humalukipkip si Riri, saka binigyan ng nagtatakang tingin si Kuya M. Simula nang naging bodyguard niya ito, naging priority na nito ang safety at security niya. Alam niyang hindi siya nito ipagkakatiwala sa kung sinu-sino lang, kaya nakapagtataka na para yatang pumapayag itong si Stranger ang pumalit sa puwesto nito. Nag-excuse siya kay Stranger na tumango lang, saka sinenyasan si Kuya M na sundan siya. Lumayo sila ng kaunti kay Stranger para makapag-usap sila ng bodyguard niya. "Are you recommending Stranger as your temporary replacement, Kuya M?" tanong agad ni Riri dito no'ng alam niyang hindi na sila naririnig ni Stranger."Alam mo namang estudyante lang din siya na tulad ko, 'di ba? And we just met him." Napakamot ng batok si Kuya M. "Alam kong nagiging unprofessional ako ngayon. Puwede rin akong sibakin ng daddy mo dahil sa mga sinabi ko. Pero kilala mo naman ako, 'di ba? Hindi kita ipagkakatiwala sa kung sinu-sino lang." "'Yon nga ang ipinagtataka ko, eh. Do you trust Stranger?" Naging seryoso si Kuya M habang nakatingin sa kanya. "No'ng una, hindi. Pero no'ng kumakain tayo sa karenderia ng lola niya kahapon, may napansin ako sa'yo." "At ano naman 'yon?" "Pinagkakatiwalaan mo ang batang 'yon." Nagulat si Riri. "What..." "Pinagkakatiwalaan mo si Stranger," mariing pag-uulit ni Kuya M. "Kaya sa pagkakataong ito, magtitiwala naman ako sa desisyon mo. Huwag kang mag-alala, Riri. Hindi naman kita pababayaan. Si Stranger ang magmamaneho para sa'yo, pero kasama niyo pa rin ako." "Bakit mo 'to ginagawa, Kuya M?" Bumuntong-hininga si Kuya M, pero ngumiti rin ito. "Gusto lang kita suportahan sa desisyon mo, Riri. Malaki ka na. Alam mo na kung ano ang makakabuti sa'yo. Kaya ikaw ang gusto kong magdesisyon tungkol sa bagay na 'to." Dumako ang tingin ni Riri kay Stranger. No'ng unang beses niya itong makita, gusto niya itong sakalin. Pero ngayon, komportable na ang pakiramdam niya rito."Alright. Tutal naman may atraso siya sa'kin, papayagan ko siyang magtrabaho for me para makabawi naman siya." Tumango si Kuya M. "I-te-train kong mabuti ang batang 'yon." Ipinaikot lang ni Riri ang mga mata, saka siya lumapit kay Stranger na tinaasan siya ng kilay habang nakaangat ang sulok ng mga labi. Hmp! Nagawa pa talagang ngumisi ng lalaking ito. Mula sa pagiging siga ay para na itong naging playful. "You're hired, alipin." Natawa ng mahina si Stranger habang iiling-iling. "Salamat, amo. Gusto ko lang makabawi sa'yo habang pinag-iipunan namin ang pambayad namin sa pagpapa-repaint ng kotse mo." Tumango si Riri. "Alam ko naman 'yon. Pero ihanda mo ang sarili mo kay Kuya M." Nagkibit-balikat lang si Stranger, saka siya pinakatitigan. "Bakit ganyan ka na naman makatingin?" naiilang na tanong ni Riri. "Wala lang. Na-realize ko lang na mabait ka talaga kahit na..." Umiling-iling ito. "Never mind." "Kahit na mukha akong masungit," pagtatapos ni Riri sa hindi masabi ni Stranger. "I know I have a resting b***h face that makes me look unfriendly." Kumunot ang noo ni Stranger, pero halata ring nagpipigil lang itong tumawa. "Resting b***h face?" Tumango si Riri. "Girls like me are less popular because the stupid society thinks that women should just smile and act dumb all the time." "What?" natatawa at parang hindi makapaniwalang tanong ni Stranger. Humalukipkip si Riri. "Totoo naman, ha? Kapag lalaki ang seryoso, hindi naman sinasabihan ng "resting asshole face." A man is even perceived as intellectual and deep thinker when he's serious, while a quiet woman is seen as unfriendly. Double standards much." Itinaas ni Stranger ang mga kamay. "Alam kong hindi naging maganda ang trato ko sa'yo noon, pero hindi naman ibig sabihin niyon ay maliit na ang tingin ko sa mga babae. Hindi ako makikipagtalo sa'yo." "Dapat lang." Natawa naman si Kuya M na lumapit pa kay Stranger at tinapik sa balikat ang binata. "Bata, unang lesson: huwag na huwag kang makikipagtalo sa isang feminista." Ipinaikot lang ni Riri ang mga mata. "Kuya M, pakitawag na si Ryder. Baka ma-late na kami kung hindi pa tayo aalis." Sumaludo sa kanya si Kuya M gamit ang magaling nitong braso. "Yes, Ma'am," anito, saka pumasok sa bahay. "Sa kotse na lang ako maghihintay," sabi ni Riri kay Stranger, saka nagpatiuna sa paglalakad.Natuwa naman siya nang mabilis na sumunod sa kanya si Stranger, pagkatapos ay binuksan nito ang pinto ng backseat para sa kanya. Papasok na sana siya, pero pinigilan siya ng binata kaya nilingon niya ito. "Ano 'yon?" "Hindi ba may request ka pa sa'kin? Hindi mo na nasabi 'yon kahapon." Nag-init ang mga pisngi ni Riri nang maalala ang request niya. Narinig niyang naglalakad na palapit sa kanila sina Kuya M at Ryder, kaya naisip niyang hindi pa 'yon ang tamang oras para sabihin kay Stranger ang kakaiba niyang request. "Next time na lang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD