NAPANSIN ni Riri na kanina pa tahimik sina Valeen at Stranger na nakaupo sa couch. Binisita siya ng mga ito sa kuwarto niya ng umagang 'yon pero hindi naman kumikibo ang mga ito. Nakakapanibago. No'ng una ay hindi pinapasok ang mga ito ng mga bodyguard niya sa labas. Mabuti na lang at dumating si Ryder kaya naisabay nito sa pagdalawa sa kanya ang dalawa. Sobrang higpit kasi ng security sa kuwarto niya. Sa kabutihang palad naman, pumayag ang ospital na itago ang tungkol sa nangyari sa kanya kaya hindi siya pinupuntahan ng mga reporter. Tiningan niya si Ryder at gamit ang mga mata niya, tinanong niya ito kung bakit hindi kumikibo sina Valeen at Stranger. "Nahihiya yata sila sa'tin, Auntie," parang hindi siguradong sagot ni Ryder. "Nalaman kasi silang anak ka at apo naman ako ng isang sena

