PAGKATAPOS ng dalawang taon, ngayon lang uli nakita ni Stranger ang mommy niya. 'Yon siguro ang "blessing in disguise" sa nangyari kay Riri.Talaga palang maliit ang mundo. Dahil hindi niya inasahan ang muling pagkikita nila ng ina, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Ang alam niya, dapat ay magalit siya sa mommy niya na inabandona siya. Pero ngayong nasa harap na niya ito, nawala yata lahat ng sama ng loob niya. Nakakahiya mang aminin, pero parang gusto niyang tumakbo at yakapin ang ina niya. Ikinuyom niya lang ang mga kamay niya para pigilan ang sarili niya dahil base pa lang sa masamang tinging ibinibigay ng mommy niya sa kanya, halatang hindi na 'to masayang makita siya. "Ito na nga ba ang ikinakatakot ko kaya ayoko na sanang bumalik sa probinsiya na 'to," frustrated na sabi

