UMILING na si Riri nang alukin siya ni Thunder na ipagbalat ng orange. "Kumain na ko kanina. Wala ako sa mood kumain ng fruits." "Are you sure?" nag-aalalang tanong naman ni Thunder na nakaupo rin sa kama, sa tabi niya. "You still look pale. Kailangan mong magpalakas, Riri." Tumango si Riri. "I'm fine. May iniisip lang ako." Hanggang ngayon kasi, hindi makapaniwala si Riri na si Tita Sarah ang mommy ni Stranger. Kung gano'n... masaklap pala ang pinagdaanan ng ginang. Hindi niya inasahan niya ang magiging koneksyon nila. Simula kindergarten, kaklase na niya si Thunder. Gaya niya, loner din ito. Nabalitaan niya no'ng nasa grade school sila na nagpakasal na uli ang daddy nito sa ibang babae, pero hanggang do'n lang ang narinig niya. Naging close lang sila no'ng nasa high school na sila. N

