ANGEL Hindi ko napaghandaan ang ginawa sa akin ni Richard, alam kong normal lang na gawin 'yun ng magkasintahan; pero kasi siya ang unang boyfriend ko. Kapag pinayagan ko siya baka higit pa doon ang pwedeng mangyari sa aming dalawa. Natapos na akong magligpit ng gamit namin, hinihintay ko siyang bumalik dito sa silid. Mag iisang oras na ang nakalipas hindi pa rin siya pumapasok. Nag iisip tuloy ako kung lalabas ba ako at titignan kung anong ginagawa niya o maghihintay na lang akong pumasok siya dito. Sa huli nag pasya akong tignan kung anong ginagawa niya. "Doc, hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa tayo aalis bukas at mag di-drive ka pa." basag ko sa katahimikan. "Just sleep, i can take care of my self," malamig niyang sabi. "Galit ka ba?" muli kong tanong. Nakayuko lang siya at nakat

