CHAPTER 1
ANGEL
"Angel, anak bumangon kana 'dyan, diba aalis kayo ngayon ng kaibigan mo para mag apply ng trabaho sa ospital?" narinig kong sabi ni nanay habang inuuga-uga niya ang aking balikat.
"Ma, ang aga pa po, sarado pa po ang HR ng mga ospital." rekalmo ko dahil inaantok pa talaga ako. Late na akong nakatulog kagabi dahil nag usap kami ng kaibigan ko na mag aapply nga sa Pagamutang Bayan ng Taguig.
Oo isa akong nurse, naigapang nang mga magulang ko ang aking pag aaral sa kabila ng hirap ng aming buhay. Umaasa kami na kapag nakatapos na ako, ay makakapasok ako sa isang ospital para makapag trabaho at malaki ang sweldo. Pero para kaming nabudol, hindi pala ganun kadaling maging nurse dito sa Pilipinas para kang lumulusot sa butas nang karayom kapag nag aapply kapag wala kang pera at wala kang backer sa hospital ay malabo kang matanggap.
Kailangan ko lang naman magkaroon nang experienced, isa akong registered nurse, kapapasa ko lang din sa board exam. Gusto kong magtrabaho sa ibang bansa, mas malaki daw ang sahod kapag nakapag abroad ka. Pero paano ako matatanggap sa abroad kung kailangan ko muna nang dalawang taong experience dito sa mga ospital sa atin.
Hindi na din ako nagtagal sa aking higaan, bumangon na ako at dumiretso na sa banyo para maligo. Alas nueve ang usapan ni ni Alice na mag aapply sa mga ospital, alas syete pa lang kaya mahaba pa ang oras ko. Matapos siyang maligo at mag ayaos nang kanyang sarili ay bumaba na sya sa kusina para mag almusal.
"Anak, hindi ka pa ba tinatawagan nang mga ospital na inaapplyan mo?" malungkot na tanong ni Mama sa akin.
"Negative pa po, Ma, hayaan nyo po, pasasaan ba at makakahanap din po ako nang trabaho." sagot ko kay mama.
"Alam mo naman, anak. Na ikaw lang ang inaasahan naming makakatulong sa amin nang Papa mo. Malapit na ding mag college ang kapatid mo, malaking bagay sa amin kung magkakaraoon kana nang trabaho. Para kahit allowance lang nang kapatid mo ay may magbigay sa kanya kapag nagigipit kami nang Papa mo." muling sabi ni Mama.
"Huwag po kayong mag alala Ma, sisikapin ko pong makapasok nang trabaho para po kay Paul. Kapag po may trabaho na ako, kahit ako na po ang mag paaral sa kanya." sagot ko kay Mama.
Nakita ko naman na ngumiti si Mama, alam ko din naman kasi kung gaano kahirap mag aral sa kolehiyo lalo na kung kapos sa pera. Mapalad lang ako noon dahil may kaibigan ako na laging tumutulong sa akin kapag nawawalan kami ng pera. Bigla ko tuloy naalala ang kaibigan kong si Tina. Ilang buwan na din siyang namayapa, yun ang sabi nang boyfriend niyang si Harold, noong tanungin ko siya ng minsang magkasalubong kami sa daan. Si Tina ang best friend kong sobrang bait, sayang nga lang at maaga siyang kinuha sa amin.
Pagtapos kong mag almusal ay kinuha ko na ang bag ko pati ang isang portfolio na naglalaman nang mga credentials ko.
"Alis na po ako, wish me luck, Ma." Natatawa kong sabi kay Mama.
"Aja! anak, yakang-yaka mo yan," pagpapalakas ng loob sa akin ni Mama.
Humalik na ako kay Mama, saka lumabas na nang bahay. Usapan namin nang kaibigan ko na sa ospital na kami nagkitang dalawa, nag chat na siya sa akin; at ang sabi ay on the way na siya.
Saktong alas nuebe ng umaga nang bumaba ako sa tapat nang ospital, kinakabahan ako na may halong takot. Pang ilang ospital na itong inaaplayan ko pero ang laging sinasabi ay tatawagan na lang ako.
"Alice!" malakas kong tawag sa kaibigan ko, nasa gilid siya nang ospital at hinihintay ako. "Kanina ka pa?"
"Naku hindi, kadarating ko lang din. Halos magkapanabay lang tayo." Sabi sa akin ni Alice, si Alice ang kaklase sa review center at sabay din kaming nakapasa sa board exam. Kaso pareho din kaming hindi pa nakakahanap nang trabaho.
Naglakad kami papunta sa entrance ng hospital para magtanong sa guard.
"Kuya guard, hiring po ba sila dto ng Nurse staff?" magalang kong tanong sa guard na sa tingin ko ay nasa edad kwarenta.
"Alam ko, Miss, may bakante, pero doon na lang kayo sa HR magtanong para sigurado." nakangiting sabi sa amin ni Kuya guard. "Pumasok kayo dyan tapos kumaliwakayo sa bandang dulo doon ang HR Department." Pagbibigay ni kuya guard ng direksyon sa amin.
Pumasok na kami sa loob at sinunod ang direksyon na ibinigay sa amin. Nang makarating kami sa HR ay agad kaming nag tanong and luckily may bakante nga sila. Nagpasa kami nang aming resume at xerox copy nang aming credentials. Pinaghintay kami sa lobby at ipapatawag na lang daw for interview.
Lumabas na kami nang HR ni Alice at nag punta sa lobby nang hospital, habang naghihintay ay nag kukwentuha naman kami para hindi kami mainip.
"Sana matanggap na tayo? Pang ilang hospital na natin itong inaapplyan?" sabi ni Alice sa akin.
"Oo nga eh, sana kahit isa lang sa atin matanggap para naman may napala tayo." Nakangiti kong sabi sa kaibigan ko.
Maya-maya pa'y may lumapit sa amin na isang staff ng hospital.
"Miss Alice Enriques, pinapatawag na po kayo for your interview." sabi ng magandang babae.
"Goodluck friend, galingan mo, kayang kaya mo yan." sabi ko sa kanya.
Habang ako na lang mag isang nakaupo dito sa lobby ay abot-abot na din ang kaba ko. Dasal ako ng dasal na sana makapasa ako at matanggap na bilang nurse. Gustong gusto ko nang makatulong sa aking pamilya, ramdam ko din naman kasi ang hirap nang mga magulang ko. Kahit isang goverment employee si Papa, ay hirap pa din kami. Hindi rin naman kasi kalakihan ang kanyang sweldo si Mama naman ay wala ding trabaho, dahil siya ang nag aasikaso sa amin. Tatlo kaming magkakapatid at si Paul nga ay College sa susunod na pasukan at ang isa ko namang kapatid ay highschool na din.
Nakangiting papalapit sa akin si Alice, at ang hula ko ay natanggap na siya sa trabaho.
"Kamusta, pasado ba?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Angel....!" impit na sigaw na halos wala nang lumabas na boses sa kanyang bibig. "Tanggap ako!" muli niyang sigaw na pabulong.
Niyakap ko siya at masayang binati.
"Congrats, Al! Sa wakas may trabaho kana." masaya kong sabi sa kanya.
"MIss Angel Esteves..." tawag naman sa pangalan ko nang babaeng taga HR. "Follow me po for your interview," nakangiting sabi niya sa akin.
Kahit kinakabahan ay sumunod ako sa kanya at iniwan si Alice sa lobby. Pag dating ko sa loob nang opisina ng Nurse manager ay pinaupo ako nito sa kaharap niyang silya. At inumpisahan niya na akong tanungin. Tinanong niya ako about General Question and Experienced ang Background in nursing. Sinagot ko naman siya nang maayos at alam kong tama. Tumagal ang interview namin nang halos kalahating oras.
"Miss Esteves, we only need one registered nurse and one NICU nurse in this hospital. And based on your interview, you are also a registered nurse. That slot is given to the first applicant that I interviewed. I'm so sorry, Miss Esteves, but you are not qualified to be a NICU nurse. Tatawagan ka na lang ulit namin kapag nangailangan pa kami ng isa pang Registered Nurse," sabi sa akin ng Manager Nurse.
Bigla akong nalungkot sa sinabi niya, aaminin ko na nanghinayang ako. Kung ako sana ang unang tinawag para sa interview, baka ako ang nakuha sa trabaho.
Magalang akong nagpaalam sa Manager Nurse at lumabas nang kanyang office. Malungkot akong naglakad papunta kay Alice na naghihintay sa akin.
"Kamusta Gel, natanggap ka ba?" tanong niya sa akin.
Ngumiti naman ako at sinabai kong hindi. Nakita ko na nalungkot ang kaibigan ko.
"Ano ka ba, huwag ka nang malungkot. Ganun talaga, atleast may isang natanggap sa atin. Kaya dapat maging happy ka, madami pa namang hospital na pwede kong pag applyan. Kaya wag kang mag-alala, okay lang ako." nakangiti kong sabi sa kaibigan ko.