ANGEL
Nakaramdam ako ng konting inggit kay Alice, sya may trabaho na , ako patuloy pa ding makikipag sapalaran sa pag aapply bukas at magbabakasakali na mataggap na din ako.
"Anak, kamusta ang pag aapply mo? May maganda na bang resulta?" tanong ni Mama.
"Ma, muka bang maganda ang resulta ang hitsura nang mukhang ito." sagot ko kay Mama.
"Ayos lang yan, anak. Kung hindi ka nakuha ngayon, hindi naman ibig sabihin nun titigil na ang mundo. Bukas panibagong araw na naman ang ating haharapin. Dahil ang bagong umaga ay bagong pag-asa para sa ating mga sawi ngayon. Kaya laban lang ng laban, walang susuko." nakangiting sabi sa akin ni mama..
Ito lang lang talaga ang maganda kay Mama: she is full of positivity. Hindi niya hinahayaang panghinaan kami ng loob, laging one hundred percent ang suporta niya sa amin.
Pumasok na ako sa silid ko para mag pahinga, kinuha ko ang towel ko at pumasok sa maliit kong banyo para maghilamos. Paglabas ko nang banyo ay nakita kong umiilaw ang cellphone ko mabilis ko itong dinampot at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Hello, Alice, napatawag ka?"
"Angel, okay ka lang ba?" malungkot na sabi ni ALice s kabilang linya.
"Oo naman, dont worry about me." pilit kong pinasigla ang boses ko, para hindi niya mahalata na nalulungkot ako.
Matapos naming mag usap na dalawa ay lumabas na ako nang silid ko para tulungan si Mama sa paghahanda nang hapunan.
"Ma, ako na po ang magluluto nang hapunan natin." sabi ko kay Mama.
"Mabuti pa nga anak, masama din kasi ang pakiramdam ko." sabi sa akin ni Mama.
Hinanda ko na ang lahat nang lulutuin ko para sa hapunan, tinolang manok at pritong isda ang ulam namin ngayong gabi.
Habang nagluluto ako ay dumating si Papa galing trabaho, lumapit ako sa kanya at nagmano.
"Kamusta ang pag aapply mo anak?" tanong ni Papa.
"Negative pa din po eh," malungkot kong sabi.
"Ayos lang yan pasasaan ba at makakahanap ka din nang trabaho. Hindi naman talaga madaling makahanp ngayon nang trabaho lalo na at madami ring nag aapply." sabi sa akin ni Papa.
Muli na naman akong nakaramdam nang hiya sa sarili ko. Sobrang bait ng magulang ko, hindi nila ako inoobliga na dapat may trabaho na ako kahit alam ko na nahihirapan sila; pilit pa din nila akong iniintindi. Minsan ako na lang din talaga ang nahiya sa kanila.
Matapos kong makapag luto ay nagpaalam na ako na papasok na sa akin silid. Hindi naman ako gutom kaya sabi ko hindi na ako mag hahapunan. Hinayaan naman ako ni Mama at hindi na nagtanong kung bakit.
Pag pasok ko sa kwarto ay nakita ko na umiilaw ang cellphone ko, dinampot ko ito at nakita ko ang mga chat nang mga kkaibigan kong nursing grad. din.
"Gel apply tayo, sama ka ba?" basa ko sa chat ni ALma.
"hindi muna, pahinga lang muna ako." sabi ko sa kanya.
Pero ang totoo, ayaw ko na nang may kasamang mag apply, kasi masakit pala kapag kaibigan mo natanggap tapos ikaw hindi. Masaya ako pata kay Alice na natanggap siya sa trabaho, nasaktan lang ako para sa sarili ko. Kya mas gusto ko na lang muna mag isa, hindi man ako matanggap mag isa lang ako, mas madaling tanggapin.
Kinabukasan maaga na naman akong gumising para mag hanap nang trabaho, dumaan muna ako sa Quiapo Church para magdasal. Bago ako dumiretso sa ospital na aapplyan ko.
Habang nag hihintay ako nang interview ay may nakatabi akong isang nurse.
"Nag aapply ka Miss?" tanong niya sa akin.
"Opo eh, sana nga po matangganggap na para magkatrabaho na din ako." nakangiti kong sabi.
"Ilang buwan ka nang nag aapply?" muli niyang tanong.
"Talong buwan na nga eh, minsan nakakapanghina na din nang loob kapag hindi ka natatanggap." sabi ko sa kanya.
"Huwag kang panghinaan ng loob, ako nga mahigit isang taon bago natanggap sa unang ospital na pinagtrabahuhan ko. Per hindi ako sumuko, ikaw tatlong buwan pa lang parang susuko ka na. Apply lang apply pasasaan ba't matatanggap ka din. Ako nga nagsimula bilang assistant nurse, ngayon kahit paano na promote na ako. Huwag kang panghinaan ng loob, huwag mong isipin na malas ka kasi walang ganun. Lagi mong iisipin na ang swerte mo or ang blessing s mo ay hindi pwedeng mapunta sa iba, hindi pa lang talaga iyon time para sayo. Baka kaya na dedelay dahil mas may magandang nakalaan para sayo." nakangiti pa niyang sabi sa akin. "Huwag mong madaliin, mas masarap ang tagumpag kapag pinaghihirapan." muli niyang sabi. "Oh siya, maiwan na muna kita mag rounds lang ako nang mga patients ko." paalam niya sa akin.
Pag alis niya ay napa isip ako, tama naman siya, hindi ako dapat maiinggit sa iba, may kanya-kanya tayong swerteng nakalaan. Dahil sa sinabi ng Nurse na nakausap ko ay gumaan ang pakiramdam ko.
"Miss Angel Esteves, tawag sa akin ng taga HR department.
Tumayo ako at sumunod ako sa kanya.
"Good morning, Ma'am." magalang kong sabi sa Nurse manager na mag iinterview sa akin.
"Ayon dito sa resume mo ay isa kang registered nurse, tatapatin na kita wala kaming open job ngayon para sa RN ang meron lang kami ay Assitant nurse. Pero kung willing na pansamantalang maging assistant nurse muna hanggang sa may mag open na job for nurse ay pwede ka naming ihire ngayon." sabi sa akin ng Nurse Manager.
Saglit akong nag isip, pwede ko naman muna sigurong iconsider yon, experience din yun at may matututunan pa din naman ako.
"Sige po maam, tatanggapin ko po ang trabaho. Wala naman pong masama kung mag simula ako sa mababa." Nakangiti kong sagot.
"Good, that is one quality of being a good nurse." nakangiting sabi sa akin nang kausap ko.
"Since, kumpleto ka naman nang requirements pwede kana mag start bukas." sabi sa akin.
Masaya akong lumabas nang office ng Manager Nurse at pumunta sa supply area para kunin ang uniform na gagamitin ko bukas.
Hapon na nang makauwi ako sa bahay, may uniform na ako at may schedule nang duty okay na ito kesa naka tangga ako. Nangako naman sa akin si Ma'am na once mag open ang RN ay ako ang ipapasok niya.
"Kamusta anak, mukang masaya ka?"
"Opo Ma, may trabaho na po kasi ako. Kaso baka po magalit kayo sa akin." malungkot kong sabi.
"Bakit ano ba ang trabahong nakuha mo?"
"Nursing assistant po, Mama." nahihiya kong sagot.
"Anak walang naakahiya sa trabaho mo, nurse pa din yon. Hindi naman porket nursing assistant ka eh habang buhay kana lang sa ganyang trabaho." sabi sa akin ni Mama.
Naiyak ako sa sinabi ni Mama sa akin, akala ko pagagalitan niya ako. Ang laki nang nagastos nila sa pag aaral ko pero sa pagiging nurse assistant lang ang bagsak ko. Pero hindi pa din naman ako titigil sa pag aapply, sa day off ko mag hahanap pa din ako ng trabaho. Hindi naman dito natatapos ang pangarap ko, ito pa lang ang umpisa at alam ko na malayo pa ang mararating ko. Dalawang taong experience lang ang kailangan ko para makapag apply ako sa ibang bansa, at doon ko lahat tutuparin ang pangarap ko para sa aking pamilya.