CHAPTER 3

1451 Words
ANGEL Ngayon ang unang araw ko sa trabahao, maaga akong gumisng para mag asikaso ng mga gamit ko. Sa sobrang pagod ko kahapon ay hindi ko na naayos, nakatulog na kasi ako kaagad kagabi. "Good morning Ma!" bati ko sa aking Ina na nag luluto ng aming almusal. "Good morning, anak. Anong oras ba ang pasok mo?" "Eight to five po ako Nay, depende po kung kailangang mag overtime." "O siya, mauna ka ng mag almusal at malayo pa ang byahe mo mahirap na baka unang araw pa lang ay late ka na agad dahil sa trapik." utos sa akin ni nanay Umupo na ako sa harap nang lamesa at nag simulang kumain. Binilisan ko na ang pag kain ko dahil maliligo pa ako. Bandang alas sais y medya nang matapos akong mag ayos nang sarili ko. Hindi ko alam kung gaano katrapik a umaga kaya gusto kong magbigay nang allowance para sa pag biyahe ko. "Nay, Tay, mauna na po ako sa inyo." paalam ko sa aking magulang "Ingat ka anak, goodluck sa first day mo." Naglakad na ako palabas ng bahay para pumunta sa sakayan. Malayo layo din kasi ang trabaho ko. Mga isang oras din ang byahe kung di masyadong trapik. Dumating ako sa hospital 15 minutes before 8 may oras pa akong mag ayos nang sarili ko. Dumiretso na ako sa locker area bago pumunta sa nurse station. "Good morning," bati ko sa mga RN na nandito sa nurse station. "Ikaw ba yung bagong assistant nurse?" tanong nang isa. "Ah opo! Angel po, pag may kailangan kayo pwede po kayong mag sabi sa akin." nakangiti kong sabi. Tinalikuran lang nila ako at hindi man lang pinansin. Nagsimula na akong magtrabaho, sinama ako ni Nurse Rita para mag tingin nang pasyente. Taga bp ako ako at taga ayos ng gamot na ipapa inom sa pasyente kaya sinisiguraado kong tamang gamot ang naibibigay ko. Nakakapagod din pala maging nurse assistant dahil lahat sayo ipapagawa. Konting tiis lang naman kapag nakahanap ako ng magandang trabaho ay hindi rin naman ako dito magtatagal. Sa dmi nang pasyenteng kailangan intindihin ay hindi ko namalyan na ala una na pala. "Angel, hindi ka pa ba mag bi-break? Halika na sabay na tayo, iwan muna yan sa kanila." aya sa akin ni Ate Rita. "Sige po te, sunod po ako tapusin ko lang po itong ginagawa ko." Inaayos ko pa kasi ang mga surgical materials na stock para mamaya pag balik ko ay mag roving na kami. Tatlo lang kaming nursing assistant na naka assign dito sa pwesto ko ko kaya nagagahol kami pag madaming pasyente ang tumatawag sa amin. "Jane, kain muna ako, iwan ko muna yan sayo." paalam ko sa isa ding nurse assistant na kasama ko. "Sige, ako na bahala dito. Late na hindi ka pa nakakapag lunch?" sabi niya sa akin. Naglakad ako papuntang canteen, nakita ako ni Ate Rita at kinawayan niya ako. Lumapit naman ako at tumabi ako sa kanila. "Angel, diba RN ka?" tanong sa akin ng lalaking Nurse na kasama namin dito sa table. "Opo," nahihiya kong sagot. "Bakit Nurse Assistant ang trabaho mo?" "Ito lang daw po kasi ang availble na job offer kahapon." malungkot kong sabi. "Pero mag aapply pa rin naman po ako, okay na din po ito para may experience na din po ako." muli kong sabi. "Sabagay, ako din naman naging nurse assistant muna bago naging RN. Mahirap lang kasi ang trabaho nang nurse assistant sayo lahat ipapagawa." sabi nila sa akin. "Mga kuya, huwag niyo naman ako idiscourage." natatawa kong sabi. "Oo nga naman kayo talagang dalawa, suportahan niyo na lang kaya si Angel kesa sabihan niyo ng mga negative things." sagot naman ni ate Rita. Mabait nmn si Kuya Theo at kuya David, matatagal na daw silang nurse sa ospital na ito kaya alam na lahat nila ang pasikot sikot. Nakikinig lang naman ako sa mga kwento at advice nila, marami rin silang tinuturo sa akin na mga tips para mas maging madali ang trabaho ko. Natapos ang break namin ay bumalik na agad ako, sa pwesto ko. "Angel, pinapatawag ka ni Dok, mag ro-roving daw kayo sa ward." tawag sa akin ni Kitty. Agad kong kinuha ang gamit ko at dumiretso ako sa room ni Dok, sa pediatric ward ako ngayon naka assign kaya puro bata ang pasyente namin. Nakakatuwa ang mga bata dito, kahit na may mga sakit sila patuloy pa din silang lumalaban. Nakikita pa rin ang mga ngiti sa kanilang mukha at patuloy silang umaasa na gumaling sila. Karamihan sa pasyente ni dok ay may mga malubhang karamdaman, ang sakit lang minsang isipin na ang babata pa nila pero kailangan na nilang pagdaanan ang ganitong klase ng pagsubok. Alas sais na ng matapos ang duty ko, parang bibigay na ang katawan ko sa pagod, meron pa akong pinalitan nang diaper kanina na isang babae na sobrang bigat, hindi ko alam kung paano ko ba siya kinaya, pero thanks God at nairaos ko din. "Out muna Angel," sabi sa akin ni Kuya Theo nang makasalubong ko siya papunta sa locker. "Opo kuya, ot lang ako ng isang oras, na late kasi yung kapalitan ko." "Mukang pagod na pagod ka, kaya mo pa ba?" pabirong sabi sa akin ni kuya Theo. "Kaya kuya para sa pamilya." nakangiti ko ding sabi. Dahil sa sobrang trapik mag aalas otso na ako nakauwi nang bahay, yung pakiramdam na 1st day pa lang ung pagod ko pang resignation na. "Anak, andyan kana pala. Halika na dito at kumain kana bago ka magpahinga." sabi sa akin ni Mama. "Mamaya na lang po Ma, natatamad pa po ako gusto ko po muna magpahinga." sagot ko kay mama. Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga, hanggang sa hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako na hindi man lang nagpapalit nang damit. Nagising ako nang alas singko na nang umaga, sa sobrang pagod ko kagabi pag higa ko plakda agad ako. Hindi pa sanay ang katawan ko sa mabigat na trabaho. Wala namang trabaho na madali, lahat kailangan paghirapan. Basta para sa pamilya lahat kakayanin ko. Gusto ko talagang makatulong kay mama at papa kaya gagawin ko ang lahat para makakuha ako ng 2years experienced para makapag trabaho ako sa ibang bansa. "Anak, meron daw opening sa munisipyo nang RN, bakit hindika doon mag apply?" sabi sa akin ni Mama. "Sige po ma, subukan ko po sa lunes mag apply, sa lunes pa po kasi ang day off ko." sagot ko kay mama. Nagmadali na akong mag asikaso ng sarili ko kailangan six thirty ay nakaalis na ako nang bahay para hindi ako malate. Panibagong araw, panibagong pakikipagsapalaran na naman. Sana lang mas okay ngayon ang araw ko, para hindi masyadong nakakadrain. Pagkakain ko nang almusal ay nagpaalam na ako kay Mama at lumabas ng bahay nagmamadali na ako kasi baka malate na ako. Habang lakad takbo na ang ginagawa ko ay may niglang bumusina sa akin na sasakyan. Nagulat ako kaya sa inis ko ay kinalampag ko ang kotse. Ibinaba ng driver ang bintana ng sasakyan niya at nagulat ako na ang dti kong manliligaw ang driver nito. "Angel, san ka papasok? Halika na hatid na kita." Alok niya sa akin. "Talaga ba ihahatid mo ako? Baka naman scam yan?" paninigurado ko. "Hindi no, hahatid talaga kita. Para hindi kana mahirap mag byahe." sabi niya sa akin. Natuwa naman ako, aarte paba ako eh may nag aalok na nga sa akin nang libreng sakay. Makakatipid na ako hindi pa ako mauusukan at mahuhuli sa trabaho ko. "Buti kapa Alfred mukang bigtime na, de kotse kana ngayon. Saan ka ba nagtatrabaho?" "Company car lang to, sa Makati ako nag tatrabaho medyo maganda ang sahod kaya mas nakakaluwagluwag na ngayon." sabi ni alfred. "Sana all nakakaluwag luwag, ako kasi masikip pa hahhaha..." sagot ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at parang inaarok kung ano ang sinabi ko. "Ibig kong sabihin mababa pa ang sahod at posisyon ko sa trabaho, assistant nurse pa lang ako at kaka start ko lang kahapon. Hindi ko naman alam na sobrang hirap pala maging nurse dito sa atin. Bago ka nman makapag trabaho abroad kailangan na may experienced ka muna dito sa atin bago ka makapasa sa ibang bansa." paliwanag ko kay Alfred. Napatango tango lang siya at bago mag alas otso ay nasa tapat na kami nang ospital na pinapasukan ko. "Anong oras out mo mamaya? Daanan na kita malapit lang dito ang opisina ko." sabi niya sa akin. Hindi na ako nag dalawang isip na tumangi dahil pabor na iyon sa akin. Ibinigay ko ang cpellphone number ko, para matawagan niya ako mamaya. Bago ako tuluyan nang nagpaalam sa kanya at pumasok na sa loob nang ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD