CHAPTER 4

1412 Words
ANGEL Halos isang buwan na din akong nagtatrabaho bilang assistant nurse at nakuha ko na rin ang aking unang sahod. Hindi siya ganun kalaki pero ang pagod ko sobrang dami. Kung iisipin hindi worth it ang sinasahod ng mga nasa medical field kumpara sa binibigay nilang serbisyo. Pero ganun yata talaga, kaya ngayon alam na kung bakit maramin ang gusto na lang mangibang bansa dahil di hamak na mas malaki ang kita ng mga nurse. "Konting tiis lang Angel, 2 taon lang ang hihintayin mo at makakapag abroad ka din. Matutupad mo din ang pangarap mo para sa pamilya mo. Laban lang muna tayo ngayon sa hirap ng buhay, pasasaan ba at makakaahon ka din." sabi ko sa aking sarili. Day off ko ngayon, kaya dito lang ako sa bahay at naglaba ng mga damit namin. Tinulungan ko din si Mama kanina na mag luto ng tanghalian namin. "Angel, wala ka bang pupuntahan ngayon anak?" tanong ni Mama. "Wala naman po Ma, gusto ko lang po magpahinga." tipid kong sagot. "Wala ba kayong lakad ni Alfred? Ang sabi niya kasi sa akin ay nanliligaw daw siya sayo?" sabi ni Mama. Napa mulagat ang mata ko dahil sa sinabi ni Mama, hindi ko alam na nag sabi pal sa kanya si Alfred. Simula kasi noong magkita kami ay araw-araw niya na akong sinusundo dito sa bahay. Mabait naman siya at hindi bastos, dangan nga lamang ay wala akong espesyal na maramdaman para sa kanya. Hindi siya galing sa mayamang pamilya pero alam kong mabait siya at pati ang pamilya niya. Minsan ko na din silang nakilala noong inaya kami ni Alfred na pumunta sa birthday niya noong nag aaral pa kami. "Ma, mabuti pa po ikaw alam mong manliligaw siya sa akin? Ako ho ay walang kaalam alam sa mga plano niya." "Paano mo nga anak malalaman eh, napakamanhid mo naman. Mabuti pa nga kami ng ama mo ay alam na may gusto sayo ang Alfred na yon kesa sayo." natatawa naman na sabi ni mama sa akin. "Wala pa po kasi akong balak na magkaroon ng boy friend Ma, siguro po kapag mayaman na ako at nakatapos na ang mga kapatid. Baka doon maiconsider ko na po ang magka boyfriend." seryoso kong sagot. "Aba anak twenty two kana kailan mo balak magkaroon ng boyfriend. Wala naman masama kung mag kaka boyfriend ka. Hindi naman ibig sabihin nun na mag aasawa kana." sabi sa akin ni mama. "Ma, darating din po tayo sa bagay na yan sa ngayon po kasi gusto ko po munang mag focus sa mga kapatid ko. Siguro pag napatapos no na si Paul baka doon ko pa lang maisipan mag ka jowa." natatawa kong sabi. "Ay sya, bahala ka na, katawan mo naman yan at puso mo yan. Ang sa amin lang naman nang Papa mo ay gusto ka lang naman naming maging masaya. Mabuti naman ang intensyon mong tulungan kami ng Papa mo, pero sana huwag mo din kalilimutan ang kaligayahan mo. Mas importante sa amin na masaya kayong mga anak namin, kesa sa maibibigay ninyong materyan na bagay." sabi sa akin ni Mama. Diyan naman talaga ako bilib sa mga magulang ko, never nila kaming inobliga na tumulong sa kanila. "Thank you Ma, pero choice ko po na unahin muna kayo. Bata pa naman po ako at marami pang time para jan. Pero once na tumibok na ang puso ko, huwag po kayong mag alala at ipapaalam ko po sa inyo agad." nakangiti kong sabi kay mama. "Magpapahinga po muna ako sa kwarto Ma, gusto kong matulog para bukas may lakas na naman po akong mag buhat nang pasyente>" natatawa kong biro kay Mama. Pumasok na ako sa silid ko at nahiga, habang nag iiscrol ako ng peysbuk ko ay biglang may nag add friend sa akin. Hindi ko muna in-accept dahil hindi ko naman siya kilala, kagagawa lang din ng account niya. Maya-maya lang ay may natanggap ako na message request, kaya nacurious ako at tinignan ko. "Angel, si Tina ito, accept mo friend request ko." nakalagay sa message niya. Bigla akong kinabahan, ang alam ko ay patay na si Tina dahil yun ang sabi ni Harold. Ilang buwan na itong namamatay, ang daming luha na din ang iniyak ko noong nalaman ko na wala na ang kaibifan ko. Kaya hindi ako naniniwala sa message na natanggap ko, baka hacker lang siya o kaya ay scammer. Hindi ako mapakali kakaisip kung sino ba talaga ang nag chat sa akin kaya kinuha ko ulit ang cellphone ko at nag reply ako sa chat niya. "Kung ikaw talaga si Tina mag videocall tayo" reply ko sa kanya. Maniniwala lang ako na siya ang kaibigan ko kapag nakita ko na siya sa videocall. Biglang nag ring ang cell phone ko at tumatawag nga siya thru videocall. Kinakabahan ako dahil baka minumulto niya na ako, nagdalasal muna ako bago ko sagutin ang tawag niya. "Tina, kung multo ka man, magpapamisa sa lang ako sa lingo para matahimik ang kaluluwa mo." takot na takot kong dasal. Pumikit muna ako bago ko sinagot ang tawag niya. "Angel, kamusta kana, namiss na kita ng sobra." bungad sa aking nang boses ni Tina. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nagulat ako nang makita ko siyang nakangiti at buhay na buhay. "Tina, totoo ba na iakw yan? Hindi ba ito prank?" paninigurado ko sa kanyan. "Hindi, ako talaga ko Gel, kamusta kana miss na kita . Pasensya kana kung ngayon lang kita na kontak. Nakasara ba yang pinto nang kwarto mo, wala muna dapat makakaalam na nag uusap tayo." sabi niya sa akin. "Ano bang nangayri sayo? Ang sabi sa akin ni Harold patay ka na daw, ilang buwan din kitang iniyakan yunpala buhay na buhay kapa. Bakit hindi alam ni Harold?" "Saka ko na ikukwento ang lahat. Diba graduate kana ng nursing? Naka pasa ka na ba sa board? May trabaho ka na ba?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Tina. "Oo graduate na ako at may lisensya na din, sayang nga lang at wala ka dito noong grumaduate ako. Isa ka pa naman sa mga taong gusto kong pasalamatan. Dahil sayo nakatapos ako, dahil sa mga tulong mo sa akin noong nag aaral ako." naiiyak kong sabi sa kaibigan ko. "Gusto mo bang magtrabaho dito, kinausap ko na yung Mayor dito na pinag tatrabahuhan ko kung pwede kag matulungan na makapasok sa ospital dito at sabi niya kaya ka daw niyang irekomenda." sabi sa akin ni Tina. Para akong maiiyak na ewan dahil sa narinig ko, si Tina na naman ang tutulong sa akin tuwing nahihirapan ako. Siya talaga ang savior ko, ito na ang pagkakataon ko para makapag trabaho bilang isang Registered Nurse. "Mag papaalam muna ako kila Mama, alam kong matutuwa sila lalo pag nalaman nilang buhay ka. Grabe din ang lungkot nila noong nalaman nila na patay ka. Anak na rin ang turing nila sayo kaya iyak din ng iyak si Mama." sabi ko sa kaibigan ko "Kapag nakapag desisiyon kana na pupunta dito, makikisuyo sana ako sayo na pumunta ka kay Manang sabihin mo sa kanya na pinapkuha ko ang isang envelop sa kwarto ko na nasa cabinet ko. Atm at passbook ang laman nun pati ng mga documents ko. Kapag nakuha muna ay ibibigay ko sayo ang passcode para makapag withdraw ka nang pera na iiwan mo para kila Tita. Ako ng bahala sayo pag dating dito, dalahin mo na lang lahat ng credentials mo at tutulungan kitang makapasok ng trabaho dito." sabi sa akin ng kaibigan ko. Pagkatapos namin mag usap ay agad kong kinausap ang mga magulang ko, si Mama at Papa ay tuwang tuwa ng malaman na buhay pa si Tita, "Napakabait na bata talaga nang kaibigan mong yan Angel, parang kapatid na ang turing sayo. Kaya iingatan mo siya at huwag na huwag kang gagawa ng isang bagay na pagkakasira ninyong dalawa. Nakita mo naman kahit nasa malayong lugar siya ikaw pa rin ang nasa isip niya at gusto niyang tulungan." pangaral sa akin ni Mama. Hindi ko alam kung paano ako matutulog ngayong gabi, bukas ay aasikasuhin ko na ang pag reresign ko sa ospital at pupuntahan si manang para makuha ko ang inuutos sa akin ni Tina. Pag okay na ang lahat saka ako pupunta ng Nueva Ecija para puntahan ang kaibigan ko. Excited na akong makita siya at muli kaming magkakasamang dalawa. Excited na din ako sa magiging bago kong trabaho bilang isang Registered Nurse at hindi na Assistant Nurse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD