ANGEL
Halos hindi ako nakatulog magdamag hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na buhay si Tina. Bukod pa din hindi ako makapaniwala magiging RN na ako, si Tina talaga ang savior ko sa lahat ng oras.
"Anak, san ang lakad mo ngayon?" tanong ni Nanay.
"Pupunta po muna siguro ako sa hospital, pagkatapos ay sa bahay nila TIna may pinapakuha po kasi siya sa akin." sagot ko.
"Mag-iingat ka anak madami kang lalakarin ngayon, sana maayos mo na yan. "
Pagkatapos kong magkape ay pumasok na ako sa banyo para maligo. Para akong lutang dahil hindi talaga ako nakatulog kagabi kakaisp kay Tina. Para akong nasa isang panaginip at ayaw ko nang magising, hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang buhay pa ang kaibigan ko.
Alas otso na ng umalis ako ng bahay, dala ang resignation letter ko ay nag byahe ako papuntang ospital.
"Angel, hindi ka ba nag duty ngayon?" tanong sa akin ni ate Vangie.
"Hindi po Ate, nagpunta lang po ako dito para mag submit ng resignation letter ko." nahihiya kong sabi.
"May nakita ka na bang bagong Trabaho?"
"Meron na po ate, kaso sa probinsya ako ma-aasign." nakangiti kong sabi.
"Good, atleast mapapractice muna kung ano talaga ang tinapos mo. I'm happy for you Angel. Ako din baka hanggang next month na lang dito dumating na ang working visa ko papunta ng Canada. Doon na din ako magtatrabaho." sabi sa akin ni Ate Vangie.
"Wow! Ate ang bongga ng pupuntahan mo, sana ako din makarating ng ibang bang after two years ko dito sa Pinas."
"Kaya yan, friend naman tayo sa peysbuk, kapag may opening sa pupuntahan ko ichat kita kung pasok ka sa criteria nila."
"Naku maraming salamat po ate, hulog ka ng langit sa akin. Asahan ko po yan ate." masaya kong sabi.
Naglakad na ako papunta sa HR at ipinasa ko ang resignation letter ko. Noong una ay ayaw nilang tanggapin dahil wala pa daw akong kapalit, pero napakiusapan ko naman sila kaya kalaunan ay pumayag na din.
Pagkatapos ko sa ospital ay kumain muna ako ng lunch bago dumiretso sa bahay nila Tina. Tinawagan ko muna si manang para ipaalam ang pinapasabi ng kaibigan ko.
Pagtapos kong kumain ay agad akong bumiyahe papunta sa subdivision kung saan nakatira sila Tina. Hindi naman ako nahirapan sa Guard dahil naitawag na ni manang Ester na papasukin ako, pagdating sa bahay nila ay agad kong sinabi ang pakay ko. Kagaya ko ay naiiyak din si Manang nang malaman niya na buhay si Tina.
Biglang tumunog ng telepono ko, agad ko itong dinukot sa aking bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Manang, tumatawag po si Tina." pabulong kong sabi kay Manang.
Hindi nila ako pwedeng marinig dahil baka may makaalam na buhay siya at manganib muli ang buhay niya.
Pumasok kami ni Manang sa silid niya at doon niya kinausap si TIna, matapos silang mag usap ay ibinigay na ni manang sa akin ang pakay ko. Isa itong brown envelop na naka sealed agad ko itong ipinasok sa aking bag. Nagpaalam na ako kay Manang para umuwi, madami pa akong kailangang ayusin na credentials ko bago pumunta ng Nueva Ecija.
Hapon na ng makauwi ako sa bahay namin, inabutan ko si Mama at Papa na nasa terrace at nagkakape.
"Anak, kamusta lakad mo?" tanong ni Papa.
"Okay naman po Pa, nakapag resign na po ako. Bukas aayusin ko na lang po ang pagkuha ng iba ko pang credentials para kumpleto na ako pag punta kong Nueva Ecija. Ito na yung change ko Ma, Pa, two years lang akong mag tatrabaho pagkatapos nito pwede na akong mag apply papuntang ibang bansa." masaya kong sabi sa mga magulang ko.
Ito talaga ang hinihintay kong break, kung baga ito ang stepping stone ko para matupad ang pangarap kong makapagtrabaho sa ibang bansa bilang Nurse. Maiaahon ko na din sa hirap ang pamilya ko, hindi man kami yumaman ng bonga makita ko lang makatapos ang 2 ko pang kapatid na lalaki ay magiging sobrang saya ko na.
"Masaya kami para sayo anak, alam namin ng Papa mo na ito talaga ang pangarap mo; ang makapagtrabaho sa ospital bilang isang Registered Nurse. Unti-unti mo ng matutupad ang mga pangarap mo, pero sana anak, huwag na huwag kang magbabago lalo na sa mga taong tumulong sayo nong walang wala ka paa. Balikan mo sila at pasalamatan kapag naging maayos na ang buhay mo." Pangaral sa akin ni Nanay.
Kapag kausap ko ang mga magulang ko masarami akong napupulot na aral sa kanila na lagi kong baon kahit saan man ako mag punta. Ang lagi nilang bilin sa akin ay may mabait ako sa lahat dahil kung ano ang ginagawa mo sa kapwa mo ay yun din ang ibabalik nila sayo.
"Salamat po Ma, sa lahat ng pangaral ninyo sa akin, hayaan po ninyo hinding-hindi ko po yan kakalimutan, lagi kong tatandaan ang mga sinasabi ninyo sa akin. Pasok na po ako sa kwarto ko, tatawagan ko pa po si Tina para sabihing nakuha ko na ung inuutos niya sa akin." paalam ko sa aking magulang.
Pumasok na ako sa silid ko at kinuha sa aking bulsa ang aking telepono at tinawagan si Tina. Pinindot ko ang pangalan niya sa messenger, hindi naman nagtagal ay sinagot niya ang tawag ko.
"Hello, Gel, kamusta ang lakad mo?"
"Okay na, nakapag resign na ako. Nakuha ko na din yung pinapakuha mo sa akin sa bahay nyo." sagot ko.
"Kailan ka pupunta dito?" muli niyang tanong.
"Baka sa isang araw na, kailangan ko pang ayusin lhat ng credentials ko bago ako pumunta diyan. Excited na akong makita at makasama ka." masaya kong sabi kay Tina.
"Sige, kapag handa ka nang pumunta dito sabihan mo lang ako. Siya nga pala, dyan sa envelop na dala mo meron akong ATM jan mag withdraw ka nang pera para meron kang iwan kila Tita pag punta mo dito. Diyan kana din kumuha nang pera kung kailangan mo ng panlakad para sa mga kukunin mong requirements mo." muling sabi ni tina.
"Thank you, Tina, ikaw talaga ang hulog ng langit sa akin. Ang laki na ng naitutulong mo sa pag aaral ko, hanggang ngayon tinutulungan mo pa din ako." sabi ko sa kanya.
"Stop na Gel, di mo bagay mag drama. Asikasuhin muna lahat ng kailangan mo para makapunta kana dito. Meron din ako sayong ipapakilala na dalawang kaibigan ko dito. Promise maaaliw ka sa kanila lalo kay Anew." masayang sabi ni Tina.
Nagpaalam na kami sa isa't isa at inayos ko na ang mga gamit na dadalahin ko papunta sa Nueva Ecija.
Kinuha ko ang maleta ko sa ipapaw ng cabinet ko at nagsimula na akong mag empake. Hindi ko alam kung ilng taon akong titira doon, isa lang ang alam ko mamimiss ko itong kwarto ko lalo na ang pamilya ko. Pero para sa pangarap lahat gagawin ko para maabot ko ito at mag sasakripisyo ako para sa pamilya ko.