ANGEL
Ngayon ang araw ng alis ko, mamayang hapon ay ihahatid ako ni Papa sa terminal ng Bus sa Cubao. Doon ako sasakay papuntang Nueva Ecija.
"Anak, mag-iingat ka doon ha, wag mo pababayaan ang sarili mo." naluluhang sabi ni Mama.
"Ma, nasa Pilipinas pa din naman, madali lang akong puntahan kapag gusto niyo akong makita."
"Pero malalayo ka pa din sa amin anak, alam mo naman ikaw ang panganay ko at nag iisang babae." halos maiyak na si Mama sa pagsasalita kaya natatawa ako sa kanya.
"Ma, tama na po! Gusto mo ba di na ako umalis? Paano na ang pangarap kong makapag abroad? Paano ko na kayo mabibilihan ng makapal na alahas ?" natatawa kong sabi kay mama.
Mga bandang alas dos ay umalis na kami ni Papa dito sa bahay. Isang maletang malaki lang ang dala ko, mga damit at personal na gamit lang ang laman at isang bagpack.
Nagpaalam na ako kay Mama, nakikita ko siya na nangingilid na ang luha kaya lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.
"Ma, tigil ka na gusto mo ba dito na lang ako." naaawa kong sabi kay mama.
"Anak, nalulungkot lang naman ito pero mamaya okay na ako, sige na alis na kayo ng papa mo baka gabihin ka pa sa biyahe." taboy sa akin ni Mama.
Habang nasa biyahe kami ni Papa ay nag chat na ako kay Tina na papunta na akong Terminal. Sinabi naman niya na kapag nasa terminal na ako sa San Isidro ay ichat ko siya at susunduin niya ako.
Pagakahatid sa akin ni Papa sa cubao ay naghintay pa ako ng isang oras bago makaalis ang bus na sinasakyan ko. Sari-dsring emosyon ang nararamdaman ko, masaya dahil makikita ko na ang best friend ko na si Tina, malungkot kasi namimiss ko na agad ang pamilya ko.
Limang oras din ang biyahe ko mula sa terminal hanggang sa Nueva Ecija. Mag aalas otso na ng gabi ng dumating ako sa terminal, agad kong tinawagan si Tina at sinabi niyang on the way na daw sila. Hindi naman ako nag hintay ng ganung katagal. Nakita ko ang isang babae na kumakaway sa akin nang makikila ko si Tina ay agad akong tumakbo at niyakap ko siya.
Ipinakilala niya sa akin ang lalaking kasama niya, siya daw si Mayor Rayven. Gwapo ito at matipuno din ang pangangatawan, halatang galing din sa mayamang pamilya.
"Gel, kanina ka pa ba?" tanong sa akin ni Tina.
"Sakto lang naman ang pagdating ninyo." masaya kong sabi.
Hinila ko na ang maleta ko at tinulungan naman ako ni Mayor na isakay ito sa saksakyan. Dahil gabi ay hindi ko na makita ang kalsadang dinadaanan namin, hindi ko tuloy makita ang ganda ng paligid.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa isang bungalow house, maluwag ang bakuran at may hindi masyadong kalakihan na bahay. Pumasok na kami at sinamahan ako ni Tina sa magiging silid ko.
"Pag naka ayos ka na labas kana na lang para kumain," sabi niya sa akin.
"Sige, salamat Tin," sagot ko.
Inayos ko ang mga gamit ko at naligo na rin ako, hindi naman ako nagtagal at lumabas na rin ako para puntahan sila. Nakita ko sila ni Mayor na nasa living.
"Andyan kana pala, halika na kain na tayo baka nagugutom kana." aya niya sa akin at tumayo na sila ni Mayor papunta sa kusina.
"Angel, kumpleto ka na ba sa credentials mo, kung may time ka bukas pwede kana pumunta sa pagamutang bayan para mag pasa ng rsume at requirements mo. Naka usap ko na ang HR doon at sinabing tanggap kana daw." sabi sa akin ni Mayor.
"Maraming salamat po, Mayor. Kumpleto na naman po ako, pati ng resume ipapasa ko na lang po." nahihiya kong sabi sa kanya.
"Sige papasamahan kita bukas sa driver ko, tatawagan ko na din ang kaibigan kong doctor na naka duty sa ospital para maassist ka niya. Huwag kang mag alala mabait naman yun si Doctor Smith hindi naman siya nangangain ng tao." natatawang biro ni Mayor.
Matapos namin maghapunan ay nag kwentuhan lang kami saglit, agad din naman akong nagpaalam dahil inaantok na ako at tatawagan ko pa sila Mama.
"Sige na Gel, pahinga kana. Bukas na lang tayo magkwentuhan ." pagtataboy sa akin ni Tina.
Tumayo na ako at pumasok sa aking silid, kinuha ko ang phone ko at tinawagn ko si Mama.
"Ma, nandito na po ako sa San Isidro, bukas po ay mag aapply na ako sa hospital. Sabi po ni Mayor ay tanggap na daw po ako kailangan ko na lang magpasa ng requirements" Masayang kwento ko kay Mama.
"Mabuti naman anak, mukang mabait din yang si Mayor. Pakisabi anak na maraming salmat sa tulong nila sayo."
Hindi na din kami nagtagal ni mama na mag usap. Antok na antok na ako kaya nahiga na ako at pumikit hanggang sa agawin na ako ng antok.
Kinaumagahan ay maaga akong gumising, balak ko sana na ako ang magluto ng almusal para hindi naman nakakahiya pero pag labas ko ay nakita ko na si Mayor na nagluluto. Dito pala natulog si mayor, sakto naman na nakasalubong ko si Tina.
"Gel, gising kana pala? Halika na sa dining para makapag almusal na tayo. Ang driver na lang ni Mayor ang sasama sayo sa hospital may pasok din kasi kami." sabi sa akin ni Tina.
"Dito pala siya natulog?" kinikilig kong tanong.
"Oo, bahay niya kasi to." natatawa naman na sagot ni Tina. "Bahay niya to, kaya di natin sya pwede paalisin." muli niyang ani.
Sabay na kaming nagpunta sa dining at napanganga ako dahil handa na lahat ng almusal at take note paborito lahat yun ni Tina. "Ibang klase din itong si Mayor effort kung effort." Sabi ko sa isip ko.
"Good morning, beautiful ladies! Kamusta ang tulog mo angel?" tanong sa akin ni Mayor.
"Mabuti naman po mayor, salamat po sa pagpayag na dito ako tumuloy sa bahay mo at sa pagtulong po sa akin na makapasok ngtrabaho."
"Wala yon, basta para sa mga kaibigan ni Tina, I'm happy to help. Mga 1oam ka nga pala daw pumunta ng ospital, sasalubungin ka daw sa entrance ni Dr. Smith at sya ang sasama sayo sa HR." bilin pa sa akin ni Mayor.
Pagkatapos namin mag almusal ay ako na ang nagprisintang maghugas ng pingang pinagkainan namin. May pasok pa kasi silang dala wa munisipyo kaya nagmamadali na din sila. Naglinis din ako konti at nagwalis sa labas ng bahay. Bandang alas nueve ay naggayak na ako para pumunta sa ospital.
Matapos kong maligo ay nag suot lang ako ng simpleng dress at sandals pinuyod ko na din ang mahaba kong buhok at naglagay lang ako nang light make-up. Sinipat sipat ko pa ang aking sarili sa harap ng salamin at ng makita kong okay na ako ay kinuha ko ang aking envelop na naglalaman ng lahat ng aking credentials saka ako lumabas ng bahay. Sinalubong ako ng driver ni mayor at pinagbuksan ako ng pinto nang kotse.
Binabagtas na namin ngayon ang daan papunta sa pagamutang bayan. Hindi naman daw ito malayo sa lugar kaya wala pang 30 minutes ay nakarating na kami. Agad akong bumaba ng kotse at pumunta sa entrance,
"Good morning Miss, ano pong kailangan nila." magalang na tanong sa akin ng Guard.
"Manong mag aapply po sana ako sa loob, ako po yung pinapunta ni mayor." sabi ko.
"Ay, ikaw pala yon, sige po pasok kana at hinihintay na po kayo ni Dr. Smith." sagot sa akin ng guard.
Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang pangalan ni Dr. Smith.
Mabilis akong pumasok sa loob ng ospital at magdating ko sa lobby ay may isang gwapong lalaki na biglang humarap sa akin ng parang pa slowmo......Para akong yung nasa pelikula at biglang tumigil ang mundo ko ng makita ko ang isang gwapong-gwapong lalaki na naglalakad palapit sa akin.