THIRD PERSON Naging maugong ang usap-usap na mayroon na ngang relasyon si Angel at Doc Richard sa loob ng ospital. Sila na rin ang usapan ng mga doctor at mga nurse "Doc Darwin, totoo ba na girlfriend na ni Doc Richard, yung isang nurse sa surgical." tanong ni Dra. Bautista, siya ang best friend ni Dra. Sarah ang ex ni Doc Richard. "Hindi ko alam, pero totoo man o hindi, wag na natin pakialaman si Richard. Suportahan na lang natin siya kung saan siya masaya." sagot naman ni Dr. Vergara, "Alam na ba ito ni Tita Esmie?" muling tanong ni Dra. Bautista. "Wag na natin pakialaman ang buhay pag ibig ni Richard, kung inaalala mo ang best friend mong si Sarah, matagal na silang wala ni Richard. At alam naman natin ang dahilan kung bakit sila nag hiwalay." muling sabi ni Dr. Vergara. "Maiwan na

