ANGEL "Godd afternoon po, Ma'am, pinapatawag n'yo raw po ako?" magalang kong sabi sa Nurse Supervisor namin. "Pasok ka Nurse Angel," sabi niya sa akin. Pagpasok ko ay itinuro niya sa akin ang silya na nasa harap ng table niya at pinaupo niya ako. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Miss Esteves. May nakarating kasi na report sa akin na nalagi kang over break at madalas mong kasama si Dr. Smith. Aware ka ba na ipinagbabawal na magkaroon ng relasyon ang Nurse at Doctor sa loob ng ospital na ito dahil maaaring makaapekto 'yan sa inyong trabaho?" sabi sa akin ng kaharap ko. "With all due respect, Ma'am, at respeto na rin po kay Dr. Smith, wala po kaming relasyon; ni hindi nga po nanliligaw 'yung tao sa akin, kaya paano po nila nasabi na may relasyon kami? Kung nakikita naman po nila na s

