ANGEL Kakatapos ko lang mag log in at papasok na ako sa loob ng elevator, pagbukas pa lang ng pinto ng elevator ay dinig ko na ang hiyawan ng mga kasamahan ko. Hindi ko alam kung ano ba ang pinagkakaguluhan nila. Naglakad ako papalapit sa kanila at ng makita nila ako ay biglang sabay-sabay silang lumapit sa akin. "Angel, bilisan mo dali," hila sa akin ni jhoan. "Ano ba kasi yon?" naguguluhan kong tanong. "Basta bilisan mo," sagot pa niya habang hila hila niya ako at hindi binibitawan ang kamay ko. Pagdating namin sa counter ay nakita ko ang dalawang bouquet ng bulaklak na magkaiba ang laki na nakapatong sa counter. "Angel ang haba ng buhok mo, jusko pati kami kinikilig sayo." sabi ni Liezel. "Hulaan ko kung kanino galing yan?" sabi naman ng mimosang si Tess. "Kanino naman, aber." s

