ANGEL Maaga ang duty ko ngayon, nagmamadali na akong lumabas ng condo namin at sumakay ng elevatr pagdating ko sa baba ay tumawag agad ako ng taxi. Dito na ako sa tapat ng SMC nagpababa. Nagmamadali akong pumasok dahil 10 minutes na lang ay time na. Umabot naman ako sa oras kaya nagmamadali na akong sumakay sa elevator papunta sa send floor. "Ano na naman ginawa mo bakit muntikan ka na naman malate?" sita sa akin ni Jhoan. "Girl, later na ako mag explain magbibihis muna ako." sabi ko sa kanya. Mabilis ang kilos na ginawa at tinalian ko lang muna ang buhok ko saka ako dumiretso sa nurse station. Nagsimula na akong tingan ang mga record ng pasyente ko at icheck ang mga gamot na kailangan kong ibigay sa kanila. "Nurse Angel, sumamaka sa akin na mag roving sa mga patient natin." utos

