ANGEL Wala akong pasok ngayon sa ospital, araw ng sabado at may usapan kami ni Richard na mag di-date mamaya. Kinuha ko ang mga marumi kong damit, uunahin ko na muna itong labahan bago ako sumaglit sa mall mamaya para bumili ng ireregalo ko sa kanya. Isang taon na kami ngayon na magkasintahan, kaya niya siguro ako ilalabas mamayang gabi. Nagkunwari ako na parang hindi ko alam na anniversary namin ngayon para kunwari wala akong idea sa gagawin niya. Naging abala ako sa paglalaba ng mga damit namin. Habang nagkukusot ako ay iniisp ko din kung ano ba ang pwede kong ibigay na regalo kay Richard. Nasa kanya na halos ang lahat, wala na akong ibang maisip kung ano pa ang pwede kong maibigay sa kanya. Hindi naman pwede na katawan ko ang iregalo ko sa kanya. Sagrado para sa akin ang virginity ko,

