THIRD PERSON Nahihiya si Angel kay Raf, dahil sa ginawa ni Richard sa binata. Bigla na lamang niyang sinuntok ng walang dahilan. Sabi nga ni Raf normal lang yun dahil nagselos daw si Richard sa kanya. Pero para kay Angel, wala ng karapatang magselos si Richard dahil tinapos niya na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. "Raf, I'm sorry, hindi ko alam na pupunta dito si Richard." nahihiya niyang sabi. "Ano ka ba, wala lang ito? Malayo pa ito sa bituka," nakangiti namang sagot ni Raf sa kanya. "Kahit na nakakahiya pa rin, sa dami ng tinulong mo sa akin napagbintangan ka pa tuloy. Maaga pa naman uuwi na lang ako." mahinang sabi ni Angel. "Hindi naman kita pinapaalis, saka hayaan mo yun si Richard; mahihimasmasan din yun." muling sabi ni Raf. "Raf, pwede mo ba akong pahiramin ang laptop m

