ANGEL Halos hindi ako makatulog sa sobrang saya ko, sa wakas umamin na sa akin si Doc. Na takot yata kay Doc Raf kaya napilitang umamin sa akin. Sobrang saya ng puso ko dahil sa hinabahaba man din ng prusisyon sa puso ko din ang tuloy. Akala ko talaga wala ng pag asa na magkagusto siya sa akin buti na lang talaga epektib din to si Doc Raf. Kahit puyat ay maaga akong gumising, naabutan ko dito sa kusina ang mga kaibigan ko. "Uy! Mukang masaya ang kaibigan namin? Sumakses ka na ba sa pang aakit mo kay Dr. Smith?" pang aasar sa akin ni ANew. "Mga bhie, nagtapat na siya sa akin kagabi!" kinikilig kong sabi na may kasamang pagtili sa mga kaibigan ko. "Sa tagal niyo ng magkakilala kagabi lang nagtapat? Ano ba yang si Doc Richard napakahina pala." sabi ni Lorelai. "Wag na kayo umepal, ang

