ANGEL Naging maayos naman ang buhay ko dito sa Canada, sa tulong ni Ate Rita madali akong naka pag adjust. Lalo na pagdating sa aking trabaho, palagi niya akong inaalalayan. Ganun din si Raf, dahil malayo sya sa akin minsan hindi niya ako nasusundo ng umaga dito sa aking tinitirahan. Nakikisabay ako kay ate Rita kapag sabay kami ng shift at kapag hindi naman ay nag cocommute ako papunta sa ospital. Masaya naman ako dito, minsan nga lang ay sumasagi sa isip ko si Richard, lalo na kapag may natatanggap akong bulaklak na hindi ko alam kung kanino galing. Minsan may mga Pilipino food din akong nakikita sa tapat ng pinto ko, minsan naman ay may nagdedeliver. Sa isang parte ng isip ko, umaasa ako na si Richard ang nagbibigay sa akin, pero alam ko namang malabo. Hindi rin daw si Raf, dahil tina

