Chapter Two

1916 Words
"E-excuse me, Sirs." Nag-aalalangan niyang pukaw sa pansin ng manager niya at mga kausap nito. "Yes, Lauren?" narinig niyang tanong manager niya nang lingunin siya nito. Maging ang mga kasama nito ay sabay-sabay na lumingon sa kanya. Pero mas higit na napukaw ang kanyang pansin sa matiim na titig ni Luke sa kanya. Naroon din pala ang ibang mga heads ng franchise nila. Lalo tuloy ay nailang si Lauren. Ngunit mas matindi ang pagkailang na nararamdaman niya dahil sa titig ng binata sa kanya. And she has been wondering why that is? Sa tinagal na nakikita niya si Luke ay kailanman ay hindi siya nito sinulyapan sa ganoong paraan. Na tila ba nagsisimulang mag-apoy ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Kung tama ang profile na nahanap ng dalaga tungkol sa binata ay matanda lamang ito ng dalawang taon sa kanya. Lauren is already thirty, kaunti na lang ay wala na siya sa kalendaryo, habang si Luke naman ay thirty-five na. He should have been married at this age. Pero mukhang enjoy pa ang binata sa pambababae nito. Something flickered in Luke's eyes that Lauren could not give name. Tila lalo lamang nag-aapoy ang mga iyon habang nakatingin sa kanya. It was like he was angry at her and yet there was also desire. Desire? Nahihibang na yata siya para isipin iyon. Mas pinaniniwalaan ng isip niya na galit si Luke sa kanya dahil naistorbo niya ang kuwentuhan ng mga ito. Pero hindi nga ba at pangarap niyang matitigan nito ng buong init? "Lauren." Tawag muli sa kanya ng manager niya. He even snapped his fingers in front of her face para lamang makuha ang atensiyon siyang lumipad patungo kay Luke. “What is it?” Doon lamang tila natauhan ang dalaga at naalala ang pakay kung bakit siya naroon. She spaced out because of Luke's fiery eyes. "Sir, I have to go home already. Good luck po sa inyo. Mag-iingat kayo sa pupuntahan niyo." Dire-diretsong paalam niya rito. Lauren wanted to congratulate herself nang hindi siya nabulol sapagsasalita sa kabila ng pagka-conscious sa mga taong nakatingin sa kanya. Bahagya na niyang nakita ang pagkunot ng noo ni Luke sa tabi ng manager niya. Hanggang kaya niyang iwasan ang titig nito ay gagawin niya. Pero tila lalo lamang natuon ang pansin nito sa kanya. He even stepped closer to her right side. Lauren could feel the heat emitting from his body, na tila naman ginagaya ng katawan niya. Nararamdaman din niya ang biglang tila pag-init ng paligid niya. "Maaga pa para umuwi, Lauren. Alam ko namang kaya mo gustong maagang umalis is that because you to drown yourself in your bed to read your books." Sa loob ng tatlong taong naging manager niya ito ay nakita nito kung gaano siya kahumaling sa mga libro. Tuwing break time ay madalas nitong nakikita siyang nakaupo sa ilalim ng puno sa likod ng opisina nila at nagbabasa. Kaya naman halos kilalang-kilala na siya nito. "Paano ka naman magkaka-boyfriend niyan? You're thirty, and you should already be preparing for marriage." "Mas matanda pa po kayo sa akin, Sir. Kaya dapat ikaw ang maunang mag-asawa." Biro niya dito. "Stay, Lauren. Mingle around. Hindi lang tayo ang tao dito sa bar na ito, kung ayaw mong maki-jam sa mga kaopisina natin ay may iba ka pang puwedeng makilala." He said suggestively. Pero napansin ni Lauren ang paglipat ng tingin ni Reid sa gawi ng kaibigan nitong si Luke. "Hindi naman solo ng grupo natin ang buong bar. Anong malay mo, you could have you best night tonight after what happened to you." Hindi naman kasi kaila sa opisina ang nangyaring break-up nila ng dating nobyo. “Baka dito mo makilala ang lalaking muling magpapatibok ng puso mo.” "Pasensiya na po talaga, Sir. Hindi ko talaga hilig ang ganitong atmosphere. I only attended this party para makapagpaalam sa inyo. Isa pa, baka po wala na akong masakyan pauwi kapag nagpa-late pa ako." Iyon ang isa pang problema ni Lauren. Masyadong malayo ang bahay niya. Madalas ay wala nang tricycle na bumibyahe papunta roon sa kanila. Palaging special trip ang byahe mula sa bayan hanggang sa bahay niya. Wala naman siyang masasabayan kahit hanggang sa mismong bayan lang dahil puro out of the way ang tungo ng mga kasamahan niya. Lauren didn't bother to buy a car kahit alam niyang kaya na niyang bumili niyon. Dahil kahit mag-aral siyang mag-drive, alam niyang wala naman din siyang malalapitan kapag nagkasira iyon. Baka maloko lamang siya kung iiwan niya sa talyer iyon. "Sige po." Paalam pa rin niya kahit alam niyang tutol pa ang manager niya na umalis siya ng maaga. Isa-isang tiningnan ng dalaga ang mga kasama nito upang tumango bilang pagpapaalam. Nang si Luke na ang kanyang tatanguan ay bigla siyang nahinto. Hindi niya maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ang binata sa kanya. Kung bakit ganoon ito makatingin sa kanya. Lalong nakakapag-init ng katawan. Nakakapaso. Parang inaakit siya. Nang muling magsalubong ang kanilang mga mata ay hindi maiwasan ni Lauren na hindi mapalunok. She was suddenly thirsty. Matagal na niyang hinahangaan ang binata ngunit hindi niya inaasahan na tatapunan siya nito ng ganitong klase ng tingin. Ang klase ng tingin na higit pa sa pinangarap niyang igawad ni Luke sa kanya. Bigla ay gustong ipaypay ng dalaga ang kamay sa kanyang mukha. She suddenly needed air to breathe. Then she saw his eyes roamed around her face and stopped on her lips. The burning feeling suddenly went to her lips, at tila ba mawawala lamang ang pakiramdam na iyon kapag naglapat na ang kanilang mga labi. Or just maybe it would still heighten the feeling. Subconsciously, she licked her lips as if it could parch the thirst she was feeling at the moment. Luke's eyes followed the movements of her lips, and as her tongue went out his eyes burned even more. Na para bang ang iniisip ni Lauren nang mga sandaling iyon ay gusto rin nitong gawin. But he didn't say a word or even moved an inch. Gustong tawanan ng dalaga ang sarili dahil sa naisip. It was impossible for Luke to desire a simple girl like her. Hindi siya makakasabay sa bilis ng takbo ng buhay nito. And if even so, malamang na panandalian lang siya para sa binata tulad ng ibang mga babaeng nagdaan sa buhay nito. Pero sa kaibuturan niya, gusto niyang abutin ang binata at gawaran ito ng isang mainit na halik kahit pa sa harap ng maraming tao. This is the first time for her to feel this kind of urge for any man. At hindi alam ni Lauren kung saan nanggagaling iyon. At bago pa magawan ng dalaga ng kahihiyan ang sarili ay umalis na siya sa harap ng mga ito. After all, hindi siya kilala ni Luke ng personal, malamang kung natatandaan man siya nito ay bilang isang staff nito at maliban doon ay wala na. It would be such a laughing matter for other people kung bigla na lang niyang hilahin ang boss niya para halikan ito dahil lang nagpadala siya sa pagnanasang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. But she could never erase in her mind that look on Luke's eyes as they met her eyes. Ipinilig niya ang ulo, dala lamang iyon ng alcoholic drinks na nainom niya kanina kaya lalong tumataas ang pagnanasa niya sa binata. "SIGURADO ka na ba na aalis ka talaga sa kumpanya, Reid?" tanong ni Luke sa kaibigan. Kahit hectic ang schedule niya ay pinilit niyang makapunta sa despedida party nito na inihanda ng mga staff nila. Reid was going abroad to continue his Masterals kaya kinailangan nitong mag-resign. Sa lahat ng managers sa area na hawak niya ay ito ang pinaka-kasundo niya. Hindi ito katulad ng ibang mga managers na walang ginawa kung hindi ang magpalapad ng papel sa kanya. Reid was simply all work and no hanky panky. Pagkatapos ng masteral nito, alam niyang maaaring bumalik ito sa kumpanya, pero mas kailangan ito ng family business nito. Kaya masasabi niyang matatagalan na bago sila muling magkita na magkaibigan. They had always been so busy because of work. "Paano na ang mga babaeng maiiwan mo rito? Iiyak ang mga iyon." Biro pa niya. "I'm not like you na habulin ng babae. Alam kong hindi ako pangit pero kumpara sa iyo, ikaw ang mas gusto ng mga babae, Luke. Kaya malamang na walang umiyak kahit umalis ako ngayon na." Natatawang sagot ni Reid sa kanya. Luke laughed at his comment. Pero sa loob-loob niya ay nakakasawa rin naman ang ganoong buhay. Lately, he was thinking of settling down already, and yet may be not. Ang mga babaeng nasa paligid niya ay status lang niya sa lipunan ang tinitingnan. He may be just an employee of the company pero isa siya sa mga highest paid roon. At kung magkakaroon na siya ng pamilya ng mga sandaling iyon ay maalwang buhay na ang maibibigay niya. Kung tutuusin ay maaari na rin siyang mag-resign at magtayo ng sariling negosyo, hindi na niya kailangan pang mangamuhan. But then again, he was feeling that all the women surrounding him were just for s*x, status and money. Maliban doon ay wala na. Parang walang plano ang mga ito na magkaroon ng mga anak dahil mas importante pa ang sukat ng baywang ng mga ito kaysa magbuntis. Being a young healthy man, Luke was really enjoying his escapades for s*x. His urges were bringing him to different highs at nakakatanggal din ng stress at pressure na nararamdaman niya sa madalas pagkatapos niyang magtrabaho. At madali lang sa kanya ang makakuha ng babaeng puwedeng pagpalipasan ng oras. Isang tingin lang niya ay nakukuha niya ang kahit na sinong babaeng naisin niya. Pero ganoon nga siguro, sadyang dumadating ang panahong hindi na makuntento ang isang tao sa ganoong set-up. And right now, parang biglang gusto na niyang itigil ang lifestyle na ganoon. "Magaganda pala ang mga staff na naka-assign dito sa area ninyo ni Reid, Luke?" puna ni Andrew. Kaibigan din nila ito at kasalukuyang area head ng north franchises nila. "Oo naman." Dagdag ni Reid. "At karamihan sa kanila ay single pa." "Wala ka man lang ba natipuhan sa kanila kapag napunta ka dito?" Tila nagtataka pa si Andrew na tumingin kay Luke dahil sa sinabi ni Reid. "Ikaw naman, Reid. Ang tagal mo rin na-destino dito pero wala man lang na-link sa iyo?" "Wala diyan ang focus ko." Sagot naman ni Reid. "Masyadong mabait ang mga staff ko, hindi nila deserve na maloko lang ng mga tulad natin. Lalo na kung itong si Luke ang makakaisip makipaglandian, naku, nakakaawa naman ang babae. And definitely, these girls were not looking for men that are like us. They all wanted long term relationships." "Delikado ang office romances." Sabay kibit-balikat ni Luke. "Kapag nag-away or naghiwalay kayo, apektado ang trabaho." Luke drank his vodka and asked for another refill. "Isa pa, look at them, they all look like that they wanted something serious. Hindi tayo puwede diyan... One night only o kaya naman ay one week relationship na ang pinakamahaba." pero hindi nga ba at nakakaramdam na siya ng pagseseryoso? Ayaw man niyang aminin, pero may munting takot pa rin siyang nararamdaman kapag nakakarinig siya ng salitang 'kasal' although nagsisimula na rin siyang magdalawang isip sa estado ng buhay niya ngayon. ‘Hahayaan ko na lang ba ang sarili ko na mag-isang tumanda? Paano na kamag iniwan na ako ng mga magulang ko? Sinong makakasama ko?’ Tanong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD