Chapter One
LAUREN was staring blankly at the crowd surrounding her at the moment. Kasalukuyan siyang nasa isang restaurant-bar nang mga sandaling iyon kasama ang mga ka-opisina niya para sa despedida party ng manager nila na maninirahan na sa ibang bansa.
Lahat ay nagkakasiyahan maliban sa kanya, hindi dahil nalulungkot siya sa napipintong pag-alis ng boss kung hindi dahil sa ibang bagay. Ang mga ka-opisina niya ay busy sa pakikipagsayaw at pakikipagkilala sa ibang mga parokyano ng bar na iyon na nakasabay nila sa pagpa-party.
Lauren was really bored to death at the moment. Wala talaga siyang hilig sa ganitong klase ng kasiyahan at pagtitipon. Excited lamang siya kapag nasa planning stage pa lamang ang isang party, pero kapag naroon na siya ay hindi niya mapigilang hindi humikab. Ang kanyang mga paa ay tila gustong tumakbo lagi pauwi ng bahay. Hindi siya introvert at hindi rin siya extrovert. Ayon sa isang article na nabasa siya ay ambivert daw ang tawag sa mga tulad niyang alanganing introvert at alanganing extrovert.
Pero kahit bored siya ng mga sandaling iyon ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng kakaiba. Na para bang may sumusunod ng tingin sa bawat kilos at galaw niya. Not that she was in danger at that moment, pero bihira niyang maramdaman ang ganoon, at sa mga pagkakataong ganoon ay tama nga siya para isiping may nagmamasid sa kanya. But she wasn't sure who it was at the moment.
She shrugged off the feeling. Tama, oras na siguro para umuwi na nga siya. Siguro naman ay sapat na ang oras na itinigil niya roon ng mga sandaling iyon. She had mingled and listened to everyone enough. And right now, Lauren just wanted to go home already, hop in her pajamas and drown herself in her bed and her books until she fell asleep. At least sa mga libro niya ay may excitement at thrill siyang mararamdaman. She could explore a lot of things in her imagination. Marami siyang nararating at nararamdamang mga emosyon kapag kaharap niya ang kanyang mga libro.
Lauren picked-up her bag and searched the vicinity looking for her manager, Reid, upang magpaalam nang umuwi. May valid reason na rin naman siya ng pag-uwi ng maaga dahil malayo pa ang kanyang bahay sa venue ng party kung sakali mang hindi siya payagan nito na umalis agad.
Nakita naman niya agad ang taong hinahanap niya. Naroon ito sa bandang unahan ng venue. He was happily talking to a group of men na alam ng dalaga na kasamahan din nila. But then there was this particular man na kasama nito sa umupukan, hindi niya ito madalas nakikita sa araw-araw na pagpasok niya sa opisina pero kilala niya ito.
In fact, kahit nakatalikod ito ay alam niya kung sino ang lalaking ito. For most of the times that he was visiting their office ay nakukuha nitong malimit ang atensyon niya. Her eyes were always on his every move. At hindi niya akalaing makikita niya ang binata sa gabing ito. Maybe her manager and him must be really close para magpunta pa ito sa despedida party nila.
He was Luke Rivera, ang kanilang area head.
Ang kumpanyang pinagta-trabahuhan nila ay nahahati sa tatlong dibisyon, at ang binata ang isa sa mga namumuno sa mga pagkakahating iyon. His office was housed in the corporate main building sa Bonifacio Global City at madalas ay dumadalaw lamang ito kapag may problema sa isa sa mga branches na nasa ilalim ng pamumuno ito. At para na rin sermunan sila kapag may lapses silang nagagawa.
Luke was one of the untouchable people sa kumpanya nila. Ang manager lamang nila ang madalas kausap nito at silang mga staff ay masuwerte nang madaanan nito ng tingin. Oh well, he was also known for being so strict and kind of a snob kapag nasa loob ng opisina. He was also the master of blank stares. Ilang beses na nga bang nagkasalubong ang tingin nila kapag nagagawi ito sa opisina nila? Hindi nga ba at parang wala itong nakikita?
Pero may isang reputasyon din ang binata na alam ng lahat. Luke is also a womanizer. Kalat na kalat sa corporate world ang madalas na paglabas nito sa gabi kasama ang kung sino-sinong babae. He had dated a lot of women and broke their hearts too. Pero kahit ganoon ay pantasya pa rin ito ng maraming kababaihan. They often wonder how it would feel to have s*x with him, lalo at kabalitaan na ang pagiging magaling nito sa kama. Para itong trophy sa paningin ng ibang mga babae.
Yes. Kahit mga professionals ang mga tao sa kumpanya nila ay hindi pa rin naitago ang social life and sexcapades ni Luke sa kanila. Karamihan din naman kasi ng mga babaeng na-link o naikama nito ay mga kiss and tell. Bihirang mangyaring walang hindi naging proud na na-link sa binata kahit panandalian lamang o kahit pa nasaktan ang mga ito. At lahat ng iyon ay nakakarating sa kanilang opisina. Totoo man ang mga iyon o hindi, hindi maiwasang hindi talaga pag pantasyahan si Luke na sa unang tingin pa lamang ay nakakatakam na.
Minsan napapaisip si Lauren kung paanong nakakakuha pa ito ng babaeng puwedeng i-date sa kabila ng hindi magandang repustasyon nito sa madla. Hindi naman kaila sa kanya na maraming nagpapapansin dito sa main office nila. Saksi siya kung paanong nagiging trying hard ang mga babae doon kahit para lamang sa isang malamig na titig nito.
Pero kahit kailan ay wala ring nabalitaan ang dalaga na nai-date ni Luke na babae sa loob ng kumpanya nila. Madalas ay mga sikat na personalidad sa business world ang napapabalitang kasa-kasama nito. But never from their office.
Bagay na ipinagtataka niya.
But then again, Luke had always been an eye magnet. At hindi immune si Lauren sa puwersang iyon. Bagay na ikinaiirita niya sa sarili. Madalas na nawawala siya sa sarili kapag nararamdaman niya ang presensiya nito sa opisina nila. Ang mga mata niya ay hindi niya mapigilan sa pagtingin dito, bawat kilos at galaw nito ay talaga namang pinagmamasdan niya. Bihira kay Lauren ang masabing magka-crush siya sa isang tao. Kaya naman alam niyang medyo matindi ang atraksyong nararamdaman niya para sa binata para madalas na pagmasdan ito kapag nasa paligid.
Luke was so handsome in the most delicious way. Hindi na nakakapagtakang maraming-marami talaga ang nahuhumaling dito. Kahit mismo si Lauren ay madalas matulala sa binata, kulang na lang maging totoo ang kasabihang: makalaglag panty. Magaling din itong magdala ng corporate attire na lalong nagpapaguwapo rito. And damn! Talaga namang kulang na lang ay tumulo ang laway ng dalaga kapag nakatalikod ito. His butt looked so yummy na tila kay sarap tampalin.
Kung hindi ito pumasok sa corporate world ay malamang isa ito sa mga artistang pinipilahan ng maraming fans. At malamang isa si Lauren sa mga pipilang iyon.
Brain, looks, money and power. Iyan ang unang maiisip ng kahit sino unang kita pa lamang kay Luke.
Kay sarap nitong tingnan at hindi miminsang nadalangin ng dalaga na kahit isang beses man lang ay maranasan niyang hindi malamig ang tingin na igawad nito sa kanya. Na pagmamasdan din siya nito ng buong init. Pero asa naman siya, hanggang pantasya na lamang niya iyon. Isa lamang siyang ordinaryong staff nito na dinadaan-daanan lamang ng binata.
Hanggang sa imahinasyon na lamang niya malalapitan ang magandang tikas ng katawan ng binata na parang bang kay lakas-lakas. Luke had the type of body that women and 'other' men would drool over. Hindi na nakapagtataka kung totoo ang lahat ng bedtime stories na narinig niya tungkol dito.
Ang mga mata ni Luke ay sadyang mapang-akit na tila ba nag-uutos na tumalon na lang ang babae sa kama nito. His lips also looked so sinful that one would crave to be kissed by him. Maging ang papatubong balbas sa panga nito ay nagdadagdag sa karisma nito, tila ba kapag hinalikan ka ng binata ay kikiligin ka sa kiliti na hatid ng mga iyon. But what attracts Lauren most to him ay kapag tila galit ito, sa mga mata ng dalaga ay tila lalo siyang humahanga dito kapag madilim ang anyo nito. She just love how he look when he doesn't smile.
Lauren could already imagine how she would giggle with the feel of his lips on her skin. She just knew that his soft lips would burn her alive. And she wanna lick his skin too, give him soft bites and suck every inch of him.
She whisked away the thoughts. Nakaka-frustrate lang dahil alam naman niyang hindi siya mapapansin ni Luke kahit kailan. Hindi nga ba at ilang beses na rin niyang nakasalubong ito kapag nasa corporate main office siya? At minsan na rin siyang nag-report sa harapan nito. Pero nananatiling ang mata nito ay nakatingin sa wide screen o kaya naman ay sa hard copy ng kanyang presentation.
Masyado itong seryoso. At kung ano man ang dahilan nito kung bakit hindi nito pinipiling makipagrelasyon sa isang taga-opisina rin nila ay hindi niya alam. O marahil ay mataas talaga ang standards nito sa mga babae at ayaw nito sa mga mas mababa pa sa posisyon nito?
After all, sino naman ba ang papansin sa isang boring na babaeng tulad niya? Lauren was so simple at tila may sariling mundo. And physically, hindi rin siya ganoon kapansinin ng mga lalaki. She was not that stand-out type of girl.
Hindi nga ba at iniwan siya ng ex-boyfriend upang magpakasal sa isang babaeng maganda, mayaman at isang doctor? Maging ang bestfriend niya ay nakalimutan na siya ng tuluyan simula nang magka-girl friend ito ng isang abogado. Sino nga naman kasi si Lauren? Isang ordinaryong office staff, walang PRC license o kahit driver's license man lang. It was like all the men around her was looking for a somebody and not a nobody, yung talagang mataas ang antas sa lipunan.
Nagkaroon tuloy siya ng trust issues pagdating sa pakikipag-relasyon. Matapos siyang iwan ng ex-boyfriend niya ay hindi na siya sumubok na makipag-relasyong muli. From time to time ay may mga hinahangaan siyang mga kalalakihan pero hindi naman umaabot sa point umabot sa isang relasyon. Bukod sa ayaw na niyang sumubok muli ay wala namang katugong atraksiyon mula sa mga ito patungo sa kanya.
Her simplicity had always been the issue. Mas gusto daw kasi niyang magkulong na lamang sa bahay kaysa sa lumabas. Her routine had always been consisted of only home and work. If she was this boring daw, paano kapag nasa kama na sila? Malamang maging boring din ang married life nila.
One time, her bestfriend told her to look for another work, dahil parang na-stuck na lang daw siya sa trabaho niya sa utility company. But she enjoyed working there. Komportable na siya sa mga kasamahan niya at hindi naman totoong walang growth. Lauren never imagined to be in any other work at the moment. At napulaan siya ng kaibigan dahil doon, she was so contented with her life that she became so boring.
Oftentimes, Lauren feels like she was never good enough for anybody. Malamang na iyon ang dahilan kung bakit siya iniwan, bakit hindi siya ang pinili. Why she was never good enough. Her simplicity seems to be the culprit of why she was left alone. Kaya naman sino nga ba siya para mapansin ni Luke. She was basically nobody compared to all the girls he had dated and will be dating in the future. She would always just only be his subordinate.
Kahit kailan ay hindi siya mapapansin ng binata. He would always be just a character in her dreams. Her lover in her wild imagination.
With a deep sigh ay napilitang lumapit si Lauren sa umpukan ng mga boss niya kahit pa sabihing kinakabahan siya dahil sa presensiya ni Luke. Kailangan pa rin niyang magpaalam sa mga ito bago umalis at natitiyak niyang hahanapin siya ng lahat. But suddenly, she felt her hands turned cold. Ganoon ang pakiramdam niya sa tuwinang nasa close proximity ang binata.