MADILIM pa lang sa labas ng kanilang tahanan ay unti-unti ng nagising si Valine. Marahan niyang kinurap-kurap ang kaniyang mga mata hanggang sa masanay ito sa bahagya pang madilim na silid. Wala sa sariling kinapa niya ang gilid ng kama. And there, she found Creon na ngayon ay tulog pa rin na parang isang bata. ‘Marahil ay ’di ko na namalayan kagabi na tumabi siya sa ’kin. Balak ko lang naman sana ang umidlip kasi. Hindi ko naman inakala na tuloy-tuloy na agad ang tulog ko.’ Hindi mapigilan ni Valine na mapangiti nang makita ang mukha ni Creon. ‘Mukhang nag-behave naman siya kagabi habang tulog ako. Takot lang niya at totohanin ko ’yong one month na walang lovemaking!’ “Bzzzzz . . . Bzzzzz . . .” Ito ang totoong dahilan king bakit naistorbo ang tulog ni Valine. Kunot noong inabot niya

