MADILIM pa ang itsura ng mukha ni Creon nang makababa siya sa sinakyang electric golf cart. Hanggang sa ngayon ay iniisip pa rin niya ang sinabi ni Agatha na baka ay iwan siya ni Valine, and worst, maghanap ito ng iba. Creon’s jaw was moving as he was grinding his teeth. “No. The hëll could I let that happen? I'm not a stupid shït. This . . .” Yumuko si Creon at pinagmasdan ang natutulog niyang alaga. “It’s all your fault. Bakit ba kasi hindi mo magawang kontrolin ’yang sarili mo?” Parang tangang nakayuko si Creon habang bumubulong. Kulang na lang ay suntukin niya ang umbok ng tulog pa niyang sandata. “Sir Creon, naghahanda na po sina Sir Orlov, kasama sina Sir Anatoly at Sir Rurik na umuwi sa mansion,” anang isa sa mga guards ng ama ni Valine na si Orlov nang makalapit ito kay Creon.

