Sa pagbaba ni Valine ng sasakyan ay hindi niya mapigilang pagpawisan, kahit na alam niyang buo naman ang kaniyang loob na harapin ang dati niyang itinuturing na pamilya. ‘Nariyan silang tatlo sa terrace . . .’ Bigla na lang kumalabog nang malakas ang dibdib ni Valine. ‘I can do this. Sa pagkakataong ito ay alam ko ng ako ang nasa tama. Whatever happens, no, I will never let things happen kung hindi papabor sa ’kin. Tapos na akong magtiis.’ Kinuyom ni Valine ang kaniyang kamao. “Relax, baby. I'm with you. Walang gagawin na kahit ano sa ’yo si David. Nangako siya sa ’kin.” Ngumiti naman si Valine nang marinig niya ang sinabi ni Creon. ‘Of course. Kasal na kami ni ninong. Alam kong hindi niya ako pababayaan.’ “Thank you, ninong . . .” Dumukwang naman ito at hinawi ang kaniyang buhok sa no

