‘Ang baby ko!’ Hinaplos agad ni Valine ang kaniyang tiyan at pinakiramdaman ang sarili. Mabigat pa rin ang katawan ngunit nawala na ang matinding sakit. ’Yan ang nararamdaman ngayon ni Valine nang siya ay nagkamalay, ngunit ’di pa rin minumulat ang kaniyang mga mata. Nakiramdam muna siya sa paligid. At kahit ’di pa man makita ay alam na niyang nasa Ospital na siya dahil sa amoy medisinang hangin. ‘Uhm . . . I feel like someone is holding my hand.’ Salubong ang mga kilay ni Valine nang nagpasya siyang magmulat ng mata. “Ni-ninong Creon . . .” Kahit ’di sinasadya ay pumatak ang mga luha ni Valine. Iginalaw niya ang kaniyang kamay na hawak nitong may kahigpitan. Na tipong ayaw siya nitong pakawalan. Valine bit her lower lip upang pigilin ang kaniyang mga luha. “Uhm . . .” Creon slightly m

