Sa paglipas ng halos ten minutes . . . “We better get going, girl. Kung kanina ay gusto kong patulan ’yang mga bruhildang friends ni Ate Farrah, ngayon ay ayaw ko na. Baka ma-stress ka pa at mapahamak. Habang nasa tamang katinuan pa ako ay tayo na lang ang alis dito,” Jian fiercely said habang tinutusok ang tunaw na niyang ice cream. “Kung ako lang ay ayaw ko talaga ng gulo. Pero I'm sure persistent ’yang mga ’yan. Tiyak akong ’di tayo makalalabas sa mall na ’to hangga't hindi nila tayo nagugulo. Iniisip ko pa lang ay sumasakit na ang ulo ko,” problemadong turan ni Valine. Nag-lean siya sa gilid ng table at minasahe ang kaniyang noo. “It’s okay, girl. Please ’wag ka na masyadong mag-isip pa.” Kita ni Valine na tatayo na sana si Jian nang bigla na lang itong umiling sabay titig sa kaniya

