bc

PRIMO (Villa real series 2)

book_age18+
359
FOLLOW
4.4K
READ
HE
escape while being pregnant
heir/heiress
sweet
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Magkababata sila Primo at Zane. Pareho silang lumaki sa Hacienda Villa real. Anak anakan ng katiwala ng Hacienda si Zane samantalang Apo naman ng may ari ng Hacienda si Primo. Lumaki silang umiibig ang dalaga kay Primo. Pero iba ang nais ni Primo si Crystal Hedalgo ang campus queen nila. Kapareho niya ring nangunguna sa klase at may sinasabi sa buhay. Ayaw niya kay Zane dahil para itong lalake at walang hilig magaral at higit sa lahat anak lamang ito ng katiwala nila. Pero ng mamatay ang lolo niya hiniling nito na pakasalan niya si Zane. Sa galit niya sa dalaga naglasing siya at pinagsamantalahan ang dalaga pinamukha niya dito kung gaano ito kababa sa tingin niya. Nasaktan ang dalaga sa ginawa ni Primo. Umurong ito sa kasal nila ni Primo at umalis ng Hacienda. Ngunit kung kailan wala na ang dalaga saka hinahanap ng puso ni Primo ito. Ano ang gagawin ni Primo para bumalik ang dalaga sa buhay niya? Paano niya ito muling paamuhin kung meron ng nagmamayaring iba sa puso nito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Zane! Nandiyan si mang Kanor hinahanap ka hindi ka na naman kasi pumasok sa school." Sabi ni Isabel ang isa sa mga kaibigan ko. Napalingon ako dito. "Lagot ka na naman imbis nasa school kasi mas gusto mo pang magtanim.Kakaiba ka talaga." Sabi naman ni Jekjek. Nginitian ko lang ito. " Alam mo ba na marami sa amin nangangarap na makapasok sa school na pinapasukan mo. " Sabi naman ni Mona ang matabang kababata namim. " Akala niyo lang masaya sa ganung skwelahan. Pero pag nandun na kayo hindi masaya dun lalo na kung kagaya natin ang papasok dun." Sabi ko sa kanila. " Bakit hindi ka na lang magpalipat kay mang Kanor sa skwelahan namin sa Bayan kung ayaw mo diyan sa pinapasukan mo. " Sabi naman ni Dario. Hindi ako umimik. " Ano ba kayo, papano magpapalipat yan e di hindi na niya makikita si Seniorito Primo pag ginawa niya yan. Alam niyo naman na si Seniorito lang ang sinisilip niyan dun pagkatapos pupuslit na yan palabas ng school para bumalik dito. " Sabi ni Jekjek. Natawa sila. Napakamot ako sa ulo ko kasi totoo yun. Ayoko sa school na yun kasi lagi na lang nila akong minamata. Dahil alam nila na isa lang katiwala ng Hacienda ang tatay ko. Pero minsan tinitiis ko kasi nandun si Primo. Siya lang ang nagpapaganda ng araw ko. Pagnakita ko siya kontento na ako. " Zane! Ikaw lintik ka talagang bata ka. Tumakas ka na naman sa school niyo. Kaya ka walang natutunan dahil sa ginagawa mo. " Sabi ni tatay sa akin sabay pingot sa tenga ko. " Aray! Aray, tay naman. " Maktol ko habang hawak ko ang tenga ko. " Hala uwi, sa bahay tayo maguusap na bata ka. " Sabi ni tatay na galit na galit. Nagmamadali akong nagpaalam sa kanila saka sumakay sa kabayo. Napapailing na lang sila. "Nakagalitan na naman si Zane. Pano tumakas na naman sa klase nila at bumalik dito." Sabi ng isang matanda. "Ewan ko ba naman sa bata na yan mas gusto ang magtanim at magani kesa ang magaral. Aba kung nagseseryoso lang yan baka kasing talino din yan ni Seniorito Primo. Kasi tingnan mo lagi iyan lumiliban sa klase ni hindi nga daw yan humahawak ng kwaderno niya sabi ni Kanor pero hindi bumabagsak. Samantalang itong Jekjek ko sige pasok sa skwela lagi pa yan gumagawa ng assignment niya pero bumabagsak parin pano bagsak lagi ang exam." Sabi naman ng isang matanda. Nagtawanan naman ang kasama niya na nagtatanim. Nangangamot naman sa ulo niya si Jekjek. "Si nanay naman. Pinipilit ko naman intindihin ang teacher ko kaso nahihirapan talaga akong intindihin ang sinasabi niya. Mas madali pang intindihin ang mga kabayo kesa sa mga pinapaliwanag niya" Sabi ni Jekjek. Lalong nagtawanan sila. Wala akong imik ng pumasok ako sa bahay. Kinakabahan ako siguradong pagagalitan na naman ako ni tatay. Nakita ko na nakaupo na ito sa mahabang upuan hinihintay ako. Naupo ako sa katapat nito. " Maupo ka dito sa tabi ko. " Sabi niya. " Ayaw. " Sagot ko sa kanya. " Zane! " Sigaw niya sa akin. " E kasi pipingutin niyo na naman ang tenga ko. Ang sakit sakit na nga." Sabi ko sa kanya. " Kung makipag away ka sa labas hindi ka natatakot na mabogbog at kung akyatin mo ang matataas na puno hindi ka nga natakot na maari kang mamatay oras na malaglag ka. Tapos sa pingot ko lang natatakot ka na hindi mo naman ikakamatay. "Galit na galit na sabi nito sa akin. " E kasi naman tatay unti unti namang matatangal ang tenga ko sa inyo." Maktol ko sa kanya. " Aba bakit pag na bogbog ka ng kalaban mo hindi lang ang tenga mo ang matatangal baka pati yang mga ngipin mo matanggal at kapag nalaglag ka sa puno hindi lang tenga mo ang malalaglag baka buong ulo mo ang humiwalay sa katawan mo. " Galit na sabi ni tatay. " Iba naman po kasi yun. Ang mga kalaban ko kapag natanggalan nila ako kahit gahibla lang ng buhok ko hindi lang buhok nila ang tatangagalin ko sa kanila. E sa inyo lugi ako. Ako lang ang matatangalan ng tengga kayo wala. Saka sa puno naman bago ako matangagalan ng ulo wala na akong malay nun kaya hindi ko na mararamdaman ang sakit. Samantalang sa pingot niyo ramdam na ramdam ko ang unti unting pagkatanggal ng tenga ko. " Katuwiran ko kay tatay. Kaya lalo lang nagalit sa akin. " Talagang hindi ka nauubusan ng katuwira. Halikat at tuluyan ko na lang na tatanggalin ang tenga mo. " Sabi nito saka tumayo at aktong lalapitan ako mabilis na pumunta ako sa likod ng upuan. "Akala mo naman hindi kita maabot diyan." Sabi nito. Nang may nagtao po sa labas. "Tao po! Mang Kanor?" Sabi ng tao sa labas ng bahay. Biglang nagliwanag ang mukha ko. Bumilis agad ang t***k ng puso ko at kahit hindi ko silipin alam ko kung sino ang nasa labas. "Wag kang aalis diyan hindi pa tayo tapos." Galit parin na sabi ng tatay ko. Saka lumabas ito. Nagmamadali akong pumunta sa bintana sinilip ko si Primo. Nakita ko na may inabot ito kay tatay. "Pinapabigay po ito ni lola sa inyo." Sabi ni Primo kay tatay. "Naku, nakakahiya naman seniorito kayo pa ang napagutusan na magdala nito dito. Pwede namang ipakuha ko na lang kay Zane ito." Sabi ni tatay dito. "Ah, ayos lang po yun tutal dadaan din naman po ako dito kaya sinabay ko na. " Sabi uli ni Primo. " Bakit saan ka pupunta seniorito? " Tanong ko dito. Pero hindi ito umimik. " Pupunta ka ba ng taniman?" Tanong ko uli dito. Pero hindi parin ito umimik ni hindi nga ako tiningnan. " Ay sus, nahiya ka lang kay tatay kaya hindi mo ako pinapansin e. " Bulong ko sa isip ko saka napangiti. "Mauna na po ako mang Kanor." Sabi nito. Naka uniform pa ito halata na galing pa ito sa school. "Ingat ka sa daan seniorito!" Sigaw ko uli. Ng umalis na ito nagmamadali na akong pumunta sa pintuan. "Hep, hep. Saan ka na naman pupunta hindi pa tayo tapos magusap." Sabi ni tatay sa akin ng makasalubong ko sa paintuan. "Mamay na tayo magusap tay kailangan ko na pong bumalik ng taniman." Sabi ko dito. "Zane!" Sigaw nito na naguumpisa na naman magalit sa akin. "Mamaya na tayo magusap tay. Payag na ako kahit tanggalin mo pa ang isang paa ko mamaya tay." Sigaw ko dito saka mabilis na sumakay sa kabayo at pinatakbo ko ito ng mabilis. Napailing na lang ang tatay ko. Hinanap ko ang sasakyan ni Primo. Ng makita ko ang likuran ng sasakyan nito napangiti ako. Pero mas bumilis pa ito kaya pinabilis ko din ang takbo ng kabayo ko. Nakita ko na huminto ito sa taniman. Maya maya bumaba na ito. Itinali ko sa isang puno ang kabayo ko. Saka ako pumunta sa mga kaibigan ko. Nagulat ang mga ito ng makita ako. "Ang bilis mo ah, pinakawalan ka agad ni mang Kanor?" Tanong ni Jekjek sa akin. Hindi ako umimik lihim kong pinagmamasdan si Primo habang kausap ng mga matatanda. " Ano kaba siguradong pinuslitan na naman niyan si mang Kanor dahil kay seniorito. " Sabi ni Mona. Napatingin sila kay Primo. " Pano mo nalaman na nandito siya Zane? " Tanong ni Isabel sa akin. " Dumaan siya sa bahay." Sabi ko sa kanila. " Dumaan siya sa bahay niyo? " Tanong ni Dario sa akin tumango ako sa kanila. " Baka inutusan ng lola niya. " Sabi ni Jekjek. "Sabi ko naman sa inyo may gusto din sa akin yan si seniorito nagpapakipot lang. Sinadya niyang dumaan sa bahay para ipaalam sa akin na pupunta siya dito. Alam niya kasi na susundan ko siya. " Sabi ko na kinikilig pa. " Haay, naku nangarap ka nanaman. " Sabi ni Mona. " Totoo yun tingnan mo kapag nilalapitan ko siya namumula siya diba. " Sabi ko sa kanila. " Namumula siya sa Inis sayo. Aba naman kapag nasa malapit ka sa kanya kung ano ano ang pinaggagawa mo. " Sabi ni Jekjek inis na tiningnan ko ito. Agad na nagsigne ng peace ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook