" Ako din baka sumabay ako sa kanya dun ko na lang din tatapusin ang pagaaral ko." Sabi naman ni Neal. " Para namang pagaaral ang pinunta mo dun. Ang sabihin mo tatakasan mo lang si Olga kasi hindi kana pinakakawalan. " Sabi ni Zuriel dito. Kakamot kamot sa ulo na lang ito. Napailing na lang ako. " Gusto mo Bro hanapin ko siya para sayo?" Tanong sa akin ni Reeve. Napatingin ako sa kanya. " Kaya mo ba siyang hanapin? " Tanong ko sa kanya. " Oo naman anong akala mo sa akin. Hintayin mo lang pag natayo ko na ang grupo ko una siyang magiging assignment namin. " Sabi nito hindi na lang ako umimik. Pero umaasa ako na mahahanap niya siya. Hinawakan niya ako sa balikat ko. " Siya ba ang dahilan kaya hindi mona binalikan si Crystal? " Tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim. " Ewan

