Pagdating ko sa malaking bahay Nagulat ako ng makita na nagkakagulo sila.
" Manang ano pong nangyayari?" Tanong ko sa isang katulong nila.
"Wala na si Don Juaquin. Hindi na kinaya ng puso niya." Sabi nito. Nagulat ako sa sinabi niya. Agad na tumulo ang luha ko.
"Naku itong batang ito. Bakit ka naman biglang umiyak diyan." Sabi ni manang sa akin. Saka inutusan ang isang katulong na ikuha ako ng tubig.
Iyak ako ng iyak ng umuwi ako ng bahay.
Pinatahan ako ni tatay.
"Naku itong bata na ito. Napaka tapang kung makipagaway. Pero napaka iyakin naman pala." Sabi ni tatay sa akin. Hindi ko siya pinapansin. Pakiramdam ko na walan ako ng lolo na tunay.
Kinabukasan nasa malaking bahay kami pagdating ng gabi. Tumulong ako magasikaso ng mga bisita. Naghatid ako ng mga pagkain sa mga tao na nakikipaglamay. Tumulong ako sa kusina.
"Zane, ikaw na lang ang magbigay ng mga ito sa mga bisita sa labas." Sabi ni manang sa akin.
"Sige po ako na lang dito." Sabi ko kay manang. Saka kinuha ang tray na may laman na mga juice.
Paglabas ko namigay na ako ng juice sa mga bisita. Nakita ko na halos lahat ng Villa real nandito sa malaking bahay. Namigay ako ng juice sa mga ito.
"O Zane bakit ikaw ang namimigay nito?" Tanong ng Mommy ni Xian. Ngumiti ako sa kanila.
"Ayos lang po. Nagprisinta po kami na tumulong sa kusina. Tapos na naman po ang trabaho namin." Sabi ko sa kanila.
" Kaya tuwang tuwa sayo si papa nung nabubuhay pa ito kasi napaka sipag mo kasi." Sabi naman ng Papa ni Zuriel. Ngumiti na lang ako sa kanila saka nagpaalam na ako sa kanila. Nakita ko na nagkakatipon sila Primo wala si Xian. Alam ko kung bakit wala ito. Nandito ang lahat ng elder. Ayaw niya na mapansin na naman siya ng mga ito. Paglingon ko nakita ko ang grupo nila
Crystal Pero wala ang dalaga dito kasama ito ng magulang niya. Bumalik na ako sa kusina para kumuha ng bagong tray. Papasok na ako sa loob ng bahay ng may tumisod sa akin na out balance ako. Nadapa ako nabitawan ko ang tray nabasag ang mga baso na laman nito. Lumikha ng ingay Kasabay ng isang sigaw. Nagulat ako kaya nadiinan ko ang isang basag na baso. Agad nagdugo ang kamay ko. Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Primo. nakita ko na hawak nito ang binti ni Crystal.
"Anong nangyari?" Nagaalalang tanong nito. Hindi umimik si Crystal umiiyak lang ito. Galit na tumingin sa akin si Primo.
"Bakit kasi hindi ka nagiingat. Saka bakit ikaw ang nagdala niyan. Nagprisinta ka na naman para magpapansin. Napaka kulang mo talaga sa pansin no." Inis na sabi ni Primo. Namula ako. Yumuko na lang ako at aktong dadamputin ko ang mga basag na baso ng may humawak sa kamay ko. Paglingon ko nakita ko si Xian. Inalalayan ako nitong tumayo.
"Primo!" Sigaw ni lola Amor. Napalingon kami dito. Nakita ko na palapit sa amin ang mga elder at ang magulang ni Crystal.
"Walang may kasalanan sa nangyari. Aksidente lang ang lahat. Hindi ka dapat nagsalita ng ganyan kay Zane." Sita ni lola Amor dito. Natigilan naman si Primo.
"Sorry lola." Sabi ni Primo.
"Hindi ka dapat sa akin manghingi ng sorry kay Zane" Sabi no lola Amor. Inis na tumingin sa akin si Crystal.
" Pero lola. " Sabi ni Primo.
"Tama si Mama Primo. Kay Zane ka nagsalita ng hindi maganda hindi kay Mama." Sabi naman ng Papa ni Zuriel.
"Naku, Ayos lang po yun. Ako naman po talaga ang may kasalanan." Sabi ko sa kanila.
"Hindi totoo yan. Tinisod ka kaya ka nadapa. Kung tutuusin kasalanan ni Crystal ang lahat. Alam niya na dadaan si Zane na may dalang tray na puno ng baso. Bakit kailangan iharang mo ang paa mo sa daanan." Sabi ni Xian. Napatingin ang lahat kay Zane.
"H... Hindi ko naman alam na dadaan siya sa tabi ko." Sabi ni Crystal na namumutla.
"Bakit ka naman kasi nakatayo dito sa pintuan alam mong daanan dito." Sabi uli ni Xian. Naumid ang dila ni Crystal.
"Tama na Xian. Wag mo ng palabasin na mali si Crystal. Pwede naman tumayo dito wala naman masama dun. Ako ang may kasalanan kasi pabigla bigla ako
sorry sa sinabi ko." Sabi ni Primo saka Nagpaalam ito sa mga elder at inaya na si Crystal papasok sa loob.
"Salamat sa lahat." Sabi ko kay Xian ng umalis na ang mga elder.
"Wala yun sana sa susunod wag mong hayaan na tapakan ka nila. Tandaan mo parepareho lang kayong tao na nakatapak sa lupa. Kaya wala silang karapatan na laitin ka nila isa pa hindi ka nila pinapakain. Kaya hindi ka dapat nahihiya sa kanila." Sabi niya sa akin. Natawa ako dito. Niyaya niya ako na gamutin sa loob ang kamay ko. Pero umayaw ako. Ayoko na makita sila.
Hindi pa sana ito papayag. Pero nagpaalam na ako sa kanya.
"Paki sabi na lang kay lola Amor na Unalis na ako." Sabi ko sa kanya at nagmamadali na umalis .
Pagdating ko sa bahay nilinis ko ang kamay ko saka nilagyan ng benda.
Ilang araw din na binurol si Don Juaquin
Marami ang nakipaglibing.
***PRIMO POV#***
Kakalibing lang ni lolo kaya lahat kami Pagod na. Hinatid ko Crystal sa bahay nila. Pagkagaling namin sa sementeryo.
Kinabukasan pinatawag kaming lahat ng abugado ni lolo. Binasa niya ang last will and testament ni lolo. Nagulat ako ng basahin ni Atorny ang sa akin. Dahil ang gusto ni lolo pakasalan ko muna si Zane bago ko makuha ang mana ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Anong kalokohan yan Atorny?" Tanong ko sa kanya. Galit na tiningan ako ng mga elder.
" Primo!" Sita ni lola sa akin
"Yan ang gusto ng lolo mo kaya yan ang masusunod. " Sabi ni lola Amor. Natulala ako hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nagpaalam na lang ako sa kanila.
Nagkulong ako ng silid ko. Hindi mun ako
lumabas ng ilang araw. Masama ang loob ko sa kanila. Pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako.