"Zane, Ano na naman ba ang nabalitaan ko na nangyari sa may hangganan?" Tanong ni tatay sa akin. Saktong nasa may terrace ako.
"Wala yun tay. Hindi naman ako natatakot sa mga yun. Kaya ko naman labanan ang mga yun tay." Sabi ko kay Tatay. Huminga ito ng malalim.
" Ano ba ang dapat kong sabihin sayo Zane. Para maintindihan mo na hindi ka lalake. Babae ka. Ang mga ginagawa mo hindi gawaing babae. Hindi kita pinapunta dun para makipagaway. Kababaing tao mo makikipag away ka sa mga lalake hindi lang mga lalake mga armado pa. Ni hindi ka man lang natakot." Sabi ni tatay sa akin. Na tawa ako kay tatay.
" Si tatay talaga. Hindi naman ako ang nauna. Gusto nila akong halikan buti nga ganun lang ang ginawa ko nagsabi lang ako ng totoo sa kanila. Kaso nagalit sila hindi yata nila natangap na ganun ang itsura nila. Siguro hindi sila humaharap sa salamin. Tapos ang lakas pa ng loob nila na halikan ako sila nga hindi nga nila matangap ang sarili nila. " Sabi ko kay tatay.
" Haay, Zane. Puro ka kalokohan. Sa susunod na makipag away ka pa ipapasundo na talaga kita sa ama mo. " Galit na sabi ni tatay sa akin.
" Tay naman. Pag ginawa mo yun mawawalan ka na ng anak na maganda na masipag pa." Sabi ko sa kanya. Saka yumakap sa kanya.
" Saka papayag ka ba na halikan nila ang maganda niyong anak ng mga swangit na yun. "Sabi ko sa kanya. Natahimik ito.
"Pumunta ka sa malaking bahay pinapupunta ka ni Seniora." Sabi niya sa akin. Nagliwanag ang mukha ko.
" Bakit ngayon niyo lang sinabi tay." Sabi ko sa kanya. Napailing na lang ito sa akin. Bumaba na ako agad saka sumakay sa tricycle.
Pagdating ko sa bahay na malaki medyo madilim na. Napakunot ang noo ko ng makita na may bisita sila.
" O, Iha. Buti naman dumating ka. Halika iha sa loob. " Sabi ni Lola Amor sa akin.
" Mukhang may bisita kayo lola. " Sabi ko kay lola.
" Haay, sa kaklase yan ni Primo. Kanina pa yan baka pauwi na yan. " Sabi ni lola Amor. Tumango ako. Dinala niya ako sa tabi ng pool. Napalingon ako ng marinig ang matinis na tawa. Parang may kung ano na tumusok sa puso ko ng makita na sinusubuan ng cake ni Primo si Crystal. Umiwas ako agad ng tingin ng makita ma lilingon ito sa lugar namin. Huminga ako ng malalim.
"Iha, Nabalitaan namin ang nangyari sa may hangganan at nagaalala kami ng lolo mo sayo. Kinausap na ng lolo mo ang mga Samañego tungkol sa nangyari.
Ano ba ang totoong nangyari Iha? " Tanong ni lola sa akin. Nagkwento ako sa kanya. Tawa ito ng tawa.
" Biruin mo lola ang lakas ng loob ng mga loko na halikan ako e sila nga hindi nga nila tangap ang itsura nila." Sabi ko. Tawa ng tawa si lola.
" Tama ka iha. Bastos ang mga yun ah. Lumampas na nga sila may gana pa silang manghalik.Buti na lang hindi mo nginusuan. " Sabi ni lola. Na natatawa.
" Naku hindi na lola puro na nga siya nguso. Kawawa naman siya pag ginawa ko pa yun." Sabi ko. Mas lalong tumawa ito.
" Mukhang nagkakatuwaan kayo ah." Sabi ni lolo Jhony
" Magandang gabi Lolo Jhony." Bati ko dito.
" Naku balita ko ang tapang mo daw kanina. Pinagtanggol mo daw yung mga trabahador sa may hangganan." Sabi ni Lolo Jhony.
" Wala po yun lolo. Wala naman pong laban sa akin yung mga swangit na yun." Sabi ko kay lolo Jhony. Natawa siya sa akin.
" Yan ang gusto ko sayo iha. Buo lagi ang loob mo. Hindi ka madaling sindakin ninoman." Sabi ni Lolo jhony saka tumawa ito. Nagkwentuhan pa kami
Tawa lang sila ng tawa. Hinatid nila ako sa tricycle ko. Paalis na ako ng makita ko na hinatid ni Primo si Crystal humalik si Crystal kay Primo. Umiwas na lang ako ng Tingin saka nagpaalam na ako kay lolo at lola Amor.
Hindi ako agad nakatulog hindi maalis alis sa isipan ko ang nakita ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako at nakakaramdam ako ng inis. Anong oras na tuloy ako nakatulog.
Kinabukasan maaga pa nakahanda na ako para pumunta sa Taniman.
"Dito na ako Tay." Paalam ko kay tatay.
"Sige, wag ka ng makikipagaway." Sabi nito sa akin.
"Oo tay." Sabi ko saka pinatakbo na ang kabayo ko.
"Zane, nabalitaan namin ang ginawa mo sa may hangganan.Kahapon, kakaiba ka talaga wala ka talagang inuurungan. " Sabi ni Dario. Natawa na lang ako sa kanila.
" Ano ba ang nangyari dun? " Tanong naman ni Isabel sa akin. Kwenento ko ang nangyari. Tawa sila ng tawa.
" Loka loka ka takaga buti na lang hindi ka binaril nun. " Sabi ni Jekjek.
" Hindi naman ako natatakot sa kanila. "
Sabi ko. Nang bigla akong kalabitin ni Mona. Napatingin ako sa kanya nginuso niya ang parating. Nakita ko si Primo nakasakay sa kabayao habang nasa harap niya si Ctystal. Ang sweet ng dalawa. May kung ano na kumirot sa puso ko.
"Sila na ba?" Tanong ni Isabel.
"Ang alam ko sabi pinopormahan daw ni Seniorito yan." Sabi ni Jekjek.
"Talaga?" Sabi uli ni Isabel
"Oo naririnig ko na usap usapan sa School namin. Kasi kilalang kilala si Crystal. Siya kasi ang Lakambini ng bayan natin." Sabi uli ni Jekjek. Siniko sila ni Dario. Napatingin sila sa akin.
"Pano ba yan Zane mukhang may nang agaw na sa prinsepe mo. " Sabi ni Jekjek na nangaasar pa. Nakita ko na inalalayan na bumaba ni Primo si Crystal. Binitawan ko ang abono na hawak ko saka nagpunas ng kamay.
"Hoy, anong gagawin mo na naman?" Tanong ni Dario sa akin.
"E di titingnan kung naagaw na ba talaga ang prinsepe ko." Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila. Naglakad ako palapit kay Primo
"Patay tayo diyan." Sabi ni Jekjek.
"Ginatungan mo pa kasi." Sabi naman ni Mona.
"Tingnan na lang natin kung anong gagawin ni seniorito sa kalokohan na naman ni Zane." Sabi naman ni Dario.
Lihim akong umakyat sa puno na siguradong tatalian ng kabayo nila. Nakita ko na kinausap sila ni mang Isko.
Maya maya lumakad na si Primo papunta sa puno nasa likod niya si Crystal. Ng makita ko na itatali na niya ang kabayo. Nagpakalaglag ako sa puno.
Agad naman akong sinalo ni Primo. Kalong niya ako ng pabridal. Kumapit ako agad sa batok niya. Napakunot ang noo niya ng makita niya ako.
" Good morning my Hero. Hindi mo talaga ako pinababayaan. " Malambing na sabi ko. Inis na nilapag ako nito.
" Bakit ba ang hilig hilig mo sa taas ng puno? " Galit na tanong nito sa akin. Habang nagpapagpag ng damit niya.
"Pasensiya na pinagalala kita."
Malambing parin na sabi ko. Inis na tumingin ito sa akin.
"Sinong nagsasabi na nagaalala ako sayo. Alam mo ba na kapag may nangyari sayo sagutin ka namin. Kaya pwede ba umayos ka kung hindi gulo ang pinapasok mo kung ano ano ang ginagawa mo. Para kang hindi babae kung umasta" Galit parin na sabi nito sa akin.
"Si seniorito talaga ayaw pang aminin na nagaalala siya sa akin." Sabi ko sa kanya.
" Ewan ko sayo." Sabi nito saka umiling at inis na iniwan na lang ako nilapitan si Crystal na hindi maipinta ang mukha. Ngiting ngiti ako. Tawa ng tawa sila Dario sa akin. Napapailing na lang sila mang Isko na nakatingin sa amin sa malayo.