Iniwan niya ako saglit pagbalik niya nagulat ako ang dami niyang dala. lahat yun pinasukat sa akin at pinakita sa Papa ko at lahat yun Pinabalot ng Papa ko at lunabas na kami sa Boutique. Nagtaka ako kasi hindi naman siya nagbayad. "Papa baka tayo hindi palabasin ng guard ng mall kasi hindi mo pa nababayaran yung mga damit na kinuha natin sa Boutique." Bulong ko sa Papa ko nasa isang kainan kami. Iniisip ko kasi baka nakalimutan niya. Nagulat ako ng tumawa ito. "Nakalimutan kong sabihin na atin ang Bratinella Boutique iha isa yan sa pagaari natin." Sabi niya. Napatango ako. "Kaya pala ang lakas ng loob niyong magsabi na kukunin ko lahat." Sabi ko at ginaya ko pa ang pagkakasabi niya. Tawa siya ng tawa. "Pero alam mo ba Papa na napagkamalan ako na babae mo nung babae. Bakit Papa ilan na

