Chapter 3: You are mine!

1190 Words
Hindi ako makasagot sa gwapo nilalang na ito. Nakatingala ako sa kanya at nakakaakit ang kanyang mga mata. Ito ay parang nanghihiptonismo at ang kanyang mapupulang labi ay nakakaakit. Napalunok ako biglang naramdaman ang pagbilis ng aking puso. Ano ito? Natatakot ba ako sa kanya. Umatras ako at huminga ng malalim. Tumalikod ako at umubo. "Ano po bang ginagawa ko dito? Ano ang mga dapat kong gawin?" Tanong ko habang hindi nakatingin sa kanya. Umatras pa ako ng kaunti dahil ramdam ko pa din ang bilis ng t***k ng aking puso. Ito ang unang beses na maramdaman ko ito. "Isa lang naman ang dapat mong gawin. Sundin ang lahat ng aking sasabihin, Cia," ang matigas at malalim na boses niya ay kaysarap pakinggan. "Kaya kapag sinabi kong tumalon ka. Kailangan gawin mo iyon." Nangilabot ako sa mabilis na pagbulong niya sa akin tenga. Napangsihap ako at napaharap sa kanya. Sinigurado ko ang layo ng distansiya namin kanina pero sa isang segundo lang nakalapit na siya sa akin. Hinawakan niya bigla ang aking mga kamay, "natatakot ka ba sa akin?" Tumango ako at hinila ang aking kamay. "Hindi kita kilala! At kung ano klase kang tao," sagot ko sa kanya. Hinintay ko ang hagupin niyang galit ngunit napanganga lamang ako ng bigla siyng tumawa. Ang napaka seryoso niyang mukha ay napalitan ng ngiti. Napakamot ako sa aking ulo at kunot noong nakatingin sa kanya. Ano bang klaseng lalaki ito. Nilipit ko ang aking tingin kay Minerva at nagulat na siya din pala ay parang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Kinalabit ko ito at nagtanong, "May sakit ba sa pagiisip ang master niyo?" "Naririnig kita Nancy Wayne!" Sigaw ni Master Will. "Wala kang karapatan husgahan ang pagkatao ko! Isa akong makapangyarihang taong hindi mo gugustuhing makabangga!" Tumango ako at biglang may tumunog na napakalakas sa paligid. "Minerva idala mo si Cia sa kanyang silid." Saad ni Master Will. "Opo master," sagot ni Minerva. Hinila ako ni Minerva at walang lingon niya akong dinala sa itaas. Makaraan ang ilang saglit binuksan niya ang aking silid at kinandado ito. "Cia matuto kang sumunod sa lahat ng nandito sa librong ito," ibinigay niya sa akin ang napakapal na libro. Ibinaba ko ito sa maliit na mesa sa gilid ng kama at humarap sa kanya. "Hindi ako nagbabasa ng ganyang kapal na libro. Pwede bang sabihin mo na lang sa akin ang nilalaman niya," pakiusap ko. Bumuntong hininga siya at nakatitig lamang sa akin. Naramdaman ko ang bigat sa aking katawan hanggang napapikit ako. Kumirot ang aking ulo ngunit hindi ko maimulat ang aking mga mata. Anong nangyayari sa akin? Nababangungot ba ako? Mabilis kong inisip na gumawala ang aking hinlalaki sa paa ngunit wala pa rin hindi ako makagalaw. Nanalangin ako ng taimtim hanggang nakagalaw ako at hinabol ang aking hininga. Sumandal ako sa pader ng silid at pagmulat ko gulat ang expresyon ng mulha ni Lucas at Minerva. "Paano mo nagawa iyon?" Tanong ni Lucas. "Ang alin?" Sagot ko at nagimbal na mapansin ko ang pagliwanag ng kanyang mga mata. Ang kulay na itim naging dilaw na nagliliwanag. "Ang mga m-mata m-mo," nauutal kong sabi. "Nagsuot lamang ako ng contact lens." sagot niya. Hindi ako kumbinsido at lumapit sa kanya. Akmang hahawakan ko siya ng may biglang humila sa aking kamay. "Walang pwede humawak sayo! Ako lang! You are mine Cia!" sigaw ni master Will sa akin. May sa maligno ba ang lalaking ito baka lagi na lamang siyang sumusulpot. "Kapatid masyado ka na mang possesive sa kanya," sabi ng nakaitim na lalaki at may perpektong magandang mukha. Mas gwapo ito kay Will. "Tama, dahil ako ang pinakagwapo sa buong mundo. Ako nga pala si Jeon ang kuya ni Will. Narito kami upang dumaloy sa inyong kasal," sagot niya. Anong ibig sabihin niyang tama? Wala naman akong sinabi sa kanya. At anong kasal? Nailagay ko ang aking kamay sa aking bibig. Kasal? Si Master Will ang sinasabi ng mga magulang kong lalaking papakasalan ako! "Hindi mo ba alam ang bagay na iyon?" Takng tanong ni Jeon. "Sino ho ang kinakausap mo? Wala naman akong sinasabi sa iyo." Tanong ko sa kanya. "Bata pa ako para gamitin mo ang ganyang salita, maging pormal ka lang sa akin at kung ayaw mo kay Will. Pwede ako na lang," sagot ni Jeon. Akmang magsasalita ako ng hilahin ako ni Will palayo sa kanya. "Wala siyang alam makakaalis ka na," walang ganang sabi ni Will. Nagkatitig ang dalawa at nagpalipat lipat ako ng tingin sa kanila. Naguguluhan ako sa kanila at hindi ko alam ang kanilang pinaguusapan. Mabilis akong pumagitna sa kanila. "Dapat ang magkapatid ay naguusap mg maayos!" Sigaw ko. "It is none of your business, Cia," sagot ni Will. Sabagay sino ba naman ako para pigilin sila at mukhang nagtitigan lamang sila ngunit nanlilisik ang kanilang mga mata. Lumabas na lamang ako ng silid at napasigaw. "Ahhhh," mabilis na lumabas ang dalawa. Tumawa ng malakas si Jeon at sinabing, " hahahaha, pasensiya ka na Cia hindi ko nasabi sa iyo. Hindi lang ako ang kuya ni Will pati silang lima." Napatitig ako sa lima at may kanya kanya silang kagwapo na maipagmamalaki. Ang ganda naman ng lahi nila. Bigla lumapit sa akin ang lalaking my dimples at yumuko sa akin. "Ako si Min ang pangalawa sa bunso sa amin. Kinagagalak kita makilala," saad niya at biglang kumindat sa akin. Ang kulay ng kanyang buhok ay kakaiba. Puti ang kulay nito pero hindi pangit tignan. Bumagay pa ito sa maamo niyang mukha. Sumunod naman lumapit ang lalaking hindi nakangiti pero kita sa kanyang mukha na masiyahin siya, " Ako si John Paul pero tawagin mo na lang akong Jp. Para everybody happy," Ngumiti ako sa kanya nakakahawa ang liwanag ng kanyang mukha. Parang walang poot na naranasan. "Ako naman si Ralph pero tawagin mo na lang akong Rr. Ako ang pinakamatalino sa aming lahat. Kaya kung may gusto kang malaman itanong mo lang sa akin. Lahat ay kaya kung sagutin," saad nito at akmang hahawakan ang aking kamay ng biglang humarang si Will. "Hindi kayo dito nakatira. Nakuha niyo na ang gusto niyong malaman makakaalis na kayo," sagot ni Will. Hindi siya pinansin ng mga ito at nagpakilala pa ang isa sa akin. "Ako si Vince," sabi nito kumaway. Ngumiti ako at tumitig sa katabi nito. Nakatitig lamang siya sa akin at walang sinabi. Hindi ba siya magpapakilala sa akin? "Huwag niyong painit ang ulo ang bunso nating kapatid. He will learn on his own. Let's go home now," sinabi niya sa lima nilang kapatid at sumunod naman ang mga ito. "Steve salamat," sagot ni Will. Nagulat ako na iba ang pakikitungo ni Will kay Steve. "Pumasok ka na sa loob ng iyong silid dahil kailangan mong mghanda mamayang gabi." Biglang sabi sa akin ni Will. Ano naman ang paghahanda ko mamayang gabi? Namilog ang aking mga mata at napayakap sa aking sarili. Hindi! Tumingin sa akin si Will mula ulo hanggang baba. "Tssskk," umismid siya at naglakad palayo. Anong klaseng reaksiyon yun? Hmmmpp. Umakyat na ako sa itaas at napasilip sa bukas na pinto ng kabilang silid. Sumilip ako dito at nagimbal sa aking nakita. "Ahhhhh,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD