Chapter 4: Scattered Blood

1136 Words
"Ahhhh," nagtitili ako ng makita ang nagkalat na dugo sa paligid. Tumakbo at nadulas sa sahig. Akmang tatayo na ako ng biglang mahulog ang malaking vase sa akin. Nagimbal akong makitang nagkasugat ako sa aking balikat. Dumating bigla sina Lucas ngunit hindi nila ako hinawakan. "Bakit may nagkalat na dugo dito?" "Wala lamang iyan. Tumayo ka na," sagot ni Lucas. "Hindi niyo ba akong tutulungan," naiiyak kong sabi. "Pasensiya ka na hindi ka namin maaaring hawakan. Minerva!" Sagot nito at mabilis na tinawag si Minerva. Ngunit bago pa siya dumating si Will na ang bumuhat sa akin. Lagi na lang sumusulpot ang lalaking ito. Saan ba siya nanggagaling? Hiniga niya ako sa kama at nahawakan ang sugat sa aking balikat. "Huwag!" Sigaw ko. Kumunot ang kanyang noo at dahan dahan tinignan ang balikat ko. Naramdaman ko ang bigat ng hininga niya at mabilis siyang lumabas ng silid. "Master Will?" Tanong ni Lucas ngunit walang lingon itong lumabas. Tumingin ako kay Lucas pero nagkibit balikat lamang siya. Lumapit na lamang sa akin si Minerva at sumunod si Lucas kay Will. "Pinagawa mo lang bang ang marka mo sa iyong balikat?" Tanong ni Minerva. "Hindi, sabi ng lola ko pagkasilang ko pa lang may marka na ako mula balikat hanggang likod at mahigpit niyang binili na huwag ko daw itong ipapatanggal dahil nakadikit dito ang aking kapalaran," sagot ko sa kaniya. Tumayo siya kaagad at nagpaalam. "May kailangan lang akong gawin at nagamot ko na rin naman ang iyong sugat," saad ni Minerva at tuluyan ng lumabas ng silid. Nakita ko ang damit na nilagay sa gilid ng kama. Pinagmasdan ito at nagliwanag ang aking mga mata. Napakaganda naman ng puting dress na ito. Tumayo ako at isinuot ito. Humarap ako sa salamin at napatitig sa aking balikat. Para itong nagliliwanag. Lumapit pa ako lalo sa salamin at tinignan ang marka. Patuloy pa rin itong nagliliwanag at nang hawakan ko biglang nawalan ang kinang nito at nawalan ang malaking marka. Tinanggal ko ang damit at hinanap ang aking marka sa balikat mula likod. Paano ito nawala? Nakita ko ang panali mg buhok at ginamit ko ito. Tumalikod ako at nakitang ang marka ay naging maliit na lamang. Nasa mismong batok na ito. Pumikit ako at nagbakasaling namalikmata lamang ako. Minulat kong muli ang aking mata at tumingin sa salamin. Hindi pa rin ito nagbago. Naging maliit na linya na lamang ito. Isinuot ko na ang damit at humiga sa kama. Anong nangyayari sa akin? Kanina nakita ko ang nagkalat na dugo sa kabilang silid at nasugatan pa ang aking balikat. Ngayon naman ang marka ko biglang lumiit. Tinitigan ko na lamang ang pinto hanggang tuluyan na akong mapapapikit. "Cia, buhay ka!" Sigaw ni Will. Tumango ang babae at tumakbo palapit kay Will. Ang mga mata niya ay nakatuon lamang sa kanya at ito ay biglang nagliwanag na naging pula. "Will, kaytagal kitang hinintay," saad ng babae. Ito ay may napakagandang mahabang buhok at kulay perlas ang balat. Lumapit ako sa kanila at humarap ang babae. Napaatras ako ng makita kamukha ko siya. "Ahhhhhh," napabalikwas akong bangon at nahulog sa kama. "Ang sakit!" Hinawakan ko ang likod kong tumama sa sahig. "Anong ginagawa mo riyan?" Tanong ni Will. "Ano ba! Bakit lagi ka na lamang pasulot sulpot na parang kabote!" Singhal ko sa kanya. Umiling lamang siya at hinila ako gamit ang isa lamang niyang kamay. "Pwede ba akong magtanong sa iyo?" "Ano?" "May Cia na ba dati sa buhay mo?" Napatitig siya sa akin ng marinig ang sinabi ko. "Bakit mo tinanong ang bagay na iyan? Tandaan mo binili lamang kita!" Sagot niya. Sinampal ko siya at sinabing, " Kailanman walang salaping maitutumbas sa akin. Siguro nga binigay mo lahat ng pera mo sa magulang ko pero wala ka pa ring karapatan na tratuhin mo ako ng ganito. At isa pa bakit kailangan mo pang bumili ng babaeng papakasalan ka? Ano bang mali sa iyo at walang taong kaya kang mahalin!" Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng silid. Dinala niya ako sa kabilang kwarto na ngayon ay malinis na. Binuksan niyang ang refrigerator at kinuha ang bote ng wine. "Dugo lamang ang gusto ko sa iyo," Napaatras ako sa sinabi niya at napalunok. "Halimaw ka?" Tumawa lamang siya at nakita ko ang paghaba ng kanyang mga ngipin. "Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya pero lalo lamang niyang hinawakan ng mahigpit ang aking mga kamay. Hinila niya ako palapit sa akin at itinaas ang buhok. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking batok. "Kanino mo ito pinagawa?" Galit niyang sabi. "Wala akong alam sa sinasabi mo! Bitawan mo ko!" Pagpupumiglas ko ngunit mas inilapit niya ang kanyang mukha sa aking batok. Ang malamig niyang hininga ay nakakapangilabot. Buong pwersa ko siyang itinulak ngunit para siyang bakal na napakatigas. "Sabihin mo ako totoo!" Giit niya. "Walang ako alam sa sinasabi mo. Nagulat din ako kanina na ang napakalaking marka mula sa aking balikat hanggang likod ay biglang nawala. Pagkatapos biglang napunta ito sa aking batok," nanginginig kong sagot sa kanya. "Anong nangyari sayo bago nawalan ang marka mo sa likod?" Napalingon ako sa kanyang tanong. Naniniwala siya sa hiwagang nangyari sa akin kanina. Lumunok ako at sinabing "Nakita ko ang nagkalat na dugo sa kabilang silid pagkatapos nahulog ang vase sa akin at nasugatan ang aking balikat," "Ang vase na may mga puting rosas?" "Wala akong nakitang rosas," sagot ko. Bigla niya akong binitawan at lumabas siya ng silid. Ilang segundo lamang bumalik siya at hawak ang mga puting rosas na may dugo sa talutot nito. "Hindi mo ito nakita kanina?" Pagtatakang niyang tanong. Umiling ako. Parang nagliwanag ang kanyang mukha at niyakap ako. "Ikaw na nga Cia!" Masaya niyang sabi pero biglang kumirot ang aking puso. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan nanlumo ako na hindi ako ang dahilan ng pagkatuwa niya. Sino nga ba si Cia sa buhay ni Will? Isa lamang ba akong instrumentong ginamit upang bumalik ang kanyang iniibig? Ang mga pangitain ng aking lola noon ay tama. May kapalaran ngang naghihintay sa akin. Ang panaginip ko kanina ay isa lamang sa magiging simula ng nakakatakot kong tadhana. Halimaw na nasa harap ko ngayon at ang Cia niya na nasa loob ko. Ako ba ang ginamit upang maibalik ang kanyang iniibig? Nananaginip pa ba ako? O ito na talaga ang tunay na kapalaran ko. Hindi ako mabubuhay sa katauhan ng iba. "Hindi ako si Cia!" Sigaw ko kay Will at biglang nagdilim ang kanyang paningin. Umatras ako at patuloy pa rin ang paglapit niya sa akin. Patuloy lamang akong umatras hanggang pader na ang nasa likuran ko. "Ma-awa k-ka sa akin," nauutal kong sinabi. Ngunit patuloy pa rin siya sa paglapit. "Tumingin ka sa aking mga mata. Lahat ng ito ay panaginip lamang," Saad ni Will at bigla akong nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD