Pagibig, ito'y kay sarap madama
Ika'y matutuwa at hindi mangangamba.
Lumilipad sa himpapawid
Para bang walang balakid.
Mga bituin kaysarap pagmasdan
Abot tainga ang kagalakan.
Ulap na parang kay lapit
Kay sarap kumapit.
Nagising ako sa musika na napakaluma at hindi ko maintindihan ang tunog. Ngunit tagos sa aking puso. Umupo ako at hinanap ang tunog na ito. Habang sinusundan ko ang musika nabunggo ako sa isang malaking pader.
"Gising ka na!" Napaangat ako ng aking mukha ng marinig ang boses ni Jeon.
"Ano pang ginagawa mo dito? Hindi ba umalis na kayo kahapon?"
"Hindi mo ba gustong nandito kami? Dapat magpasalamat ka sa amin dahil kung umalis na kami kahapon ---" Biglang naputol ang kanyang sasabihin ng lagyan ni Will ng tinapay ang kanyang bibig.
"Gutom lang yan, Jeon. Umalis ka na dito!" singhal ni Will.
"Ganyan ka ba talaga sa mga kapatid mo?" Masungit kong tanong.
Sumimangot lamang siya at iniwan akong tulala. Napakasama talaga ng lalaking ito! Madapa ka sana. Laking gulat ko nang bigla siya matisod sa sintas ng kanyang sapatos. Pigil akong tumawa.
Lumingon siya at patay malisya akong tumingin sa aking palad. "Mukhang kailangan ko nang kumain," bulong ko at naglakad pababa ng hagdan.
Tumawa ako pagkababa ko at nagmasid sa paligid. Teka san ba akong pupunta?
"May kailangan po ba kayo, Cia?" Tanong ng lalaking nakaitim.
"Nasaan si Minerva?" Tanong ko.
"Ihahatid ko po kayo sa kanya," sagot nito.
Tumango ako at sumunod sa kanya. Idinala niya ako sa isang malawak na silid. At bawat sulok may mga damit, alahas, sapatos at bag. Mukhang mamahalin lahat ng narito.
"Maiwan ko na po kayo," saad ng lalaki.
Ilang sandali lamang lumabas na si Minerva at bigla siyang pumalakpak.
"Bakit ka pumalakpak?" Pagusisa ko. Ngunit bago pa niya sagutin ang aking tanong. Nagsilabasan ang mga magagandang babae na pare-pareho na nakasuot ng dress na kulay rosas.
Pinagmasdan ko lamang sila ngunit ng mapansin kong palapit sila sa akin napatakbo ako. Nahawakan na nila ako bago pa ako makalabas ng silid.
"Ayusin niyo siya at gawing kagalang-galang na babae," Sinabi ni Minerva habang hawak ang pamaypay sa kanyang kanang kamay.
Akmang magproprotesta ako ng maglaho siya. Kumurap kurap ako at nawalan talaga siya sa aking harapan. "Nananaginip na naman ba ako?"
"Hindi Cia," sagot ng babaeng nag-aayos sa aking buhok. "Manuod ka," dagdag pa nito.
Ipinakita niya sa akin ang kanyang pangil at nangilabot ako sa takot.
"Era! Hindi mo dapat pinakita sa kanya. Malalagot ka kay Master Will," sabat ng isang babae.
"Bakit pa itatago sa kanya? Kukunin din naman ni Master Will ang dugo niya kapag hindi siya nakapasa." Sagot ni Era.
"Dugo? Anong kailangan kong ipasa?" Sabat ko sa kanila habang nakakunot ang aking noo.
"Hindi pa ba pinaliwanag sa iyo? Dito sa mundo ng Renera. Hindi ka mabubuhay kong walang kang abilidad ng hinahanap nila." Paliwanag ni Era.
"Anong abilidad? At saan lugar itong Renera?" Ang weird naman ng pangalan ng lugar.
"Abilidad na maari mong matagalan ang pagkagat sayo at pagsisip ng dugo. Kumbaga sa iyong mundo hindi ka magiging anemic," simple niyang sinabi pero ang kalamnan ko ay nanginig at ang buong katawan ko ay para bang nanigas.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tumawa ako ng pilit upang maitago ang kaba sa aking dibdib.
"Mukha wala ka pang alam tungkol dito. Sasabihin ko sa iyo. Kaming lahat ay isang ----"
"Era, bumalik ka sa iyong silid!" Sigaw na sabi ni Minerva.
"Opo," sagot nito at nagmadaling lumabas ng malawak na silid.
Magmula ng umalis si Era. Wala nang nagtangkang makipag-usap sa akin. Pati ang mga tanong ko hindi nila sinasagot.
"Karapatan ko naman sigurong malaman ang totoo hindi ba?" Tinanong ko pa rin sila ngunit hindi sila sumagot.
Matapos nila ako ayusin ng kulay pulang rosas na damit humarap ako sa salamin. Hindi ko makilala ang aking sarili. Para bang ibang tao ako.
"Napakaganda mo! Bumagay ang regalo kong damit sa iyo." Wika ng isang lalaki na nakangiti ang kanyang mga mata.
"Sino ka?" Pagtatakang tanong ko.
"Nakalimutan mo na ako agad? Ako si Jp ang isa sa mga kuya ni Will." Sagot niya at nilapitan ako.
"Ah oo nga pala. Pasensiya ka na. Mukha napasobra ang tulog ko kahapon kaya hindi ko masyadong matandaan ang nangyari," nahihiya kong sabi.
"Tinitigan mo ba ang mga mata ni Will?" Biglang tanong niya sa akin.
"Oo, bakit?" Takang pagtatanong ko. Umiling lamang siya at tumalikod. Napansin kong kinausap niya si Minerva.
"Tayo na po sa labas, Cia," sabi ni Minerva habang may kinuha sa kamay ni Jp.
"Anong gagawin natin sa labas?" Tanong ko.
"Gustong makita ng mga nilalang dito ang iyong mukha. Tayo na!" Giit nito.
Wala akong nagawa at sumunod sa kanya. Nagulat ako nang pagbukas ng pinto walang araw sa lugar na ito. Maliwanag ang paligid ngunit mapapansin na parang walang buhay ang paligid.
"Nasaan ako?" Nasambit ko.
"Cia! Maligayang pagbabalik!"
"Maganda pa rin ang kutis ng iyong balat!"
"Kay tagal kang hinintay ni Master Will!"
Sigaw ng mga tao pero hindi ko maintindihan. Bakit pilit nila akong tinatawag na Cia. Pumayag lamang akong tawagin sa ganoong ngalan ngunit hindi ko alam na may Cia pa lang taga rito.
Umiling ako sa mga tao habang patuloy nilang sinisigaw ang pangalan ko hanggang huminto sila.
"Narito tayo ngayon upang tunghayan ang pagiisang dibdib ni Master Will at Cia. Isang libong taon nating hinintay ang kanyang pagkabuhay." Inanunsiyo ng lalaki sa itaas ng veranda ang mga salita ito na nagpagimbal sa akin.
"Hindi!" Sigaw ko at akmang tatakbo ako ng biglang may yumakap sa akin.
"Hindi ngayon ang kasal. Ipinakita lamang namin sa inyo na hindi siya si Cia. Ipapabalik na namin siya sa Mortal World." Sinabi ng lalaki at ramdam ko ang lamig ng kanyang katawan.
Iniangat ko ang aking mukha at nagtama ang aming mga mata.
Mga mata niyang nagliliwanag
At nababalot ng pighati
Nakakawalan ng pangamba at panginginig
Ng katawang lupang kaylamig.
Hindi mo mawawari kung siya na nga ba
Dahil mga mata niya ay kakaiba
Maamo na nakakatakot sa loob
Sariling mga mata hindi makikita ang panloob.
Naitulak ko siya ng marahas ng biglang narinig ang mga katagang iyon. Saan nangagaling ang boses na kay lamig?