Hindi ako makagalaw sa harap ni Will habang mabilis ang t***k ng puso ko na para bang may dagang naghahabulan sakin dibdib. Sino ba talaga ang Cia sinasabi nila?
"Pumasok ka na sa loob." Ang malamig na boses niya ang nagpagising sakin sa reyalidad.
"Tayo na po." Iginiya ako ni Minerva at pinapasok sa loob ng bahay ni Will. Isang itong malaking palasyo na puno ng hiwaga na hindi ko maipaliwanag kong totoo ba o hindi. Kung sa una hindi ko gaanong napagmasdan ito ngayon kakaibang bagay ang nakita ko at nagmistulang isang paraiso na kahit sino ay gustong makarating rito. Sa bawat paglingon ko may mga paru-paro ang lumilipad na kulay bughaw. Maglalaho ang mga ito at biglang may mga talulot na kulay rosas ang biglang mahuhulog sa sahig. Napanganga ako sa mga nakikita ko hanggang may humarang sa daraanan namin.
"Kung hindi siya si Cia, bakit kailangan pa niyang manatili rito?" Pinagmasdan ko ang babaeng may pulang buhok at nang magtama ang mga mata namin nangilabot ang buong katawan ko. "What is that reaction all about? Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?" Singhal nito sabay flip ng buhok niya na tumama pa sa mukha ko.
"Huwag mo na lang siyang pansinin." Awat agad ni Minerva bago ako makahakba para sundan siya. Tumango na lang ako. Kailan pa ako natutong lumaban? Namutla ako habang nakasunod ang tingin sa kanya. "May problema ba?" Umiling ako at pinagmasdan ang kamay ko. Bakit sobrang lamig ng kamay ko? Mabilis na hinawakan ni Minerva ang kamay ko at hinatid ako sa silid.
"Pumikit ka!" sigaw niya na may gumuhit ng pag-aalala sa mga mata niya.
"Ano bang---" Naputol ang sasabihin ko ng biglang bumukas ng malakas ang pinto. Walang sabi na lumapit samin si Will at nilagay ang kamay niya sa mukha ko. Awtomatikong akong napapikit at biglang naramdam ang kagat sakin kamay. Akala ko mapapatili na ako sa sakit pero bakit wala akong sakit na naramdaman bagkus para may kuryenteng dumaloy sa sistema ko. Para akong lumilipad sa mga ulap at kaysarap sa pakiramdam.
"Bantayan mo siyang mabuti, Minerva. Huwag na huwag mong siyang iiwan sa silid! Kakausapin ko lang si Clarissa!" Napasinghap ako ng biglang marinig ang galit na boses ni Will at tuluyan naglaho ang kilig.
Minulat ko ang mga mata ko at nakitang lumabas na siya ng silid. Talaga bang naisip ko ang salitang 'kilig' sa lalaking yun? Hindi maganda ito para may mali. Habang tumatagal ako dito lalong lumalakas ang kuryusidad ko kung ano nga bang silang klaseng tao o tao nga ba talaga sila? At sinong ang Clarissa sinasabi niya?
"Okay ka na ba?" Biglang tanong sakin ni Minerva. Tumango ako at bakas pa rin sa mukha niya ang pag-alala.
Sinunod niya ang habilin ni Will na hindi ako iiwanan. Sa buong maghapon nasa loob lang kaming ng kwarto at may mga dumarating na kasambahay upang bigyan kami ng makakain. Ramdam ko rin ang biglang pagbabago niya. Hindi na siya ang supladang Minerva na nakasama ko sa nagdaang araw.
"Pwede ba akong magtanong?" Napalingon siya sa gawi ko at naglakad palapit sa kama. Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako. "Sino ba talaga ang Cia na sinasabi ng lahat?" Huminga siya ng malalim at lumingon sa bintana. Napasunod naman ako at namutla sa nakita. Nag-aagawan ang dilim at pulang buwan sa paligid. Sa isang iglap may mga imahe akong nakita.
Isang babaeng may mahabang buhok at porcelanang balat ang tumatakbo sa lalaking nakahandusay. Malabo ang mga mukha nila pero maliwanag ang mga eksenang nakita ko. May lalaking na ka kapang itim ang nagsalita ng hindi ko maipaliwanag na lenggwahe pagkatapos mabilis ang mga kilos niyang lumapit sa lalaki upang itong tarakan ng isang punyal na may simbolong pulang buwan.
Nagimbal ako sa nakita at pumikit pero nakikita ko pa rin sila.
Sa ilang segundo mabilis na nakarating ang babae sa harap ng lalaking may hawak na punyal at siya ang natarak nito. Malakas na sigaw na nakakabingi ang pinakawalan ng lalaking nakahandusay at lumuha ang babae habang unti-unti siyang nagiging alikabok at may katagang iniwan. "Babalikan kita aking mahal."
Sumigaw ako sa sobrang sakit na nakita kong pangitain at humagulgol.
"Nancy!" Umiling ako at tumingin sa mga mata ni Minerva. Nahuli ko ang pagpula ng mga mata niya at humaba ang mga ngipin. Ilang sandali lang bumalik rin ito sa normal. Lumunok ako at hinawakan ko siya sa braso.
"Papatayin niyo ba ko?!" Namilog ang mga mata niya ngunit hindi sumagot. "Ano ba talagang kailangan niyo sakin? Anong klaseng nilalang kayo?!!" Tumayo ako at patuloy ang pagsigaw sa kanya.
"Huminahon ka muna, Cia." Mababa tinig niyang sinabi. Kinuyom ko ang kamay ko. Hindi na ako maaaring maging mahina. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ginagawa ko rito?
"Sabihin mo sakin ang totoo? Sino ba talaga ang Cia na iyon? At anong kailangan niyo sakin?" Naghihisterikal kong sagot.
Itinaas niya ang kamay niya at akmang hahawakan ako ng biglang may humila sakin palabas.
"Cia!" Napatakip ako ng tenga at napapikit sa sobrang lakas ng sigaw niya. Ngunit hindi alitana sakin na nakahawak na sa braso ko ang malamig na kamay at mabilis siyang tumakbo. Lumakas ang t***k mg puso ko sa pagkalito at takot.
Naglakas ako ng loob na dumilat at nakitang nakapalibot samin ang mga kapatid ni Will.
"Bitawan mo siya, Clarissa!"
"Hindi! Akin na siya! Hindi naman siya ang kailangan niyo para bumalik ang kapangyarihan ni Will!"
"Nahihibang ka na! Mahal siya ni Will!"
Napakurap ako sa sigaw ni Jeon. Ako mahal ni Will? Hindi niya pa nga ako kilala. Huminto sa pagkilos si Clarissa at binitawan ako, dahilan upang mapaupo ako sa sahig. Tumawa siya ng malakas at umiling sa harap ni Jeon.
"Hindi siya si Cia! At kahit kailan hindi na maibabalik ni Will si Cia!" Ramdam ko ang pighati sa boses ni Clarissa. "Bakit patuloy pa rin siyang umaaasa? Nilulugmok niya lang ang sarili sa sakit ng kahapon. It is already in the past. He needs to accept it and move forward. Dapat mas alam niyo ang makakabuti sa kanya." Tumulo ang mga luha ni Clarissa sa kanyang pisngi. May kung anong pighati akong naramdam sakin dibdib. Tumayo ako at lumapit sa kanya. May kung anong enerhiya ang tumatangay sakin at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Yssa, huwag ka nang umiyak." Naitulak ako ni Clarissa at namutla. Hindi ako makakilos dahil hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi.
"Paano mo nalaman ang palayaw ko?" Naguguluhan niyang tanong. Umiling ako at pilit binalikan ang lahat. Mabilis na lumapit sakin ang mga kapatid ni Will at hinihintay ang sagot ko.
"Hindi ko alam." mahina kong sabi at tumalikod sa kanila. Tumakbo ako pero bago pa akong makalayo may kamay na humila sakin. Paglingon ko nagtama ang mga mata namin ni Will at naramdam ko ang sinasabi ni Clarissa. Ito ba ang sinasabi niyang pighati ng kahapon?