Chapter 7: A Dream?

1165 Words
Ang tagal ng titigan namin ni Will hanggang may mga malalabong imahe ang lumitaw sa aking isipan na unti-unting lumilinaw. Nanlaki ang mga mata ko at tinulak ko siya. "Ikaw ang lalaking yun!" sigaw ko at umatras palayo sa kanya. "Anong sinasabi mo?" tanong niya at biglang tumingin sa paligid. "Ikaw ang niligtas ng babaeng---" naputol ang sasabihin ko nang biglang may humawak sa kamay ko hanggang nawalan ako ng malay. "I don't care about that Damien's brothers!" umaalingawngaw ang tinig ng isang dalaga sa loob ng mansyon. Luminga ako sa paligid puro mga kulay asul na bulaklak ang nasa hardin at may mga lalaking nakabantay sa paligid ng palasyo. Mga nakaitim at nakasalamin. "Asan ako?" nasambit ko habang patuloy lumalapit sa entrada ng palasyo. Nalula ako sa taas nito na may gothic style. Nasa langit na ba ako? "Pumasok ka," isang maliit na tinig ang naghikayat sa akin upang pumasok pero napahinto ako sa tapat ng mga lalaki nasa pintuan. Handa na ako magsalita nang bigla silang nag-usap. "Kamangha mangha talaga si Prinsesa Cialina, hindi naaakit sa gwapong mukha ng William Damien na iyon." sabi ng matangkad na lalaki na may himig na hinanakit ng banggitin ang pangalan na William. "Huwag kang maingay, matalas ang pandinig ng mga bampira," bulong ng isa. Napasinghap ako at naestatwa sa kinatatayuan. Unti unting bumalik ang mga nangyari ng makarating ako sa Renera. Napasigaw ako sa takot. "Halimaw!" tumili ako hanggang may humaplos sa aking mukha. "Nancy," isang malambing na boses ang bumulong sa akin hanggang magmulat ako. "Panaginip lang ba ang lahat?" nasambit ko habang nakatingin sa maliit na silid na puro mga sirang gamit ang nasa sulok at lumang salamin. Hindi ako mapakali. Tumayo ako at tumakbo pababa ng hagdan. "Aba ngayon ka lang nagising ala syete na ng umaga! Kinando mo pa talaga ang kwarto mo para hindi ka namin magising!" Bungad na sigaw sakin ng nanay ko. Napailing ako. Imposible! Nasa...... Isang malakas na hila sa buhok ko ang nagpahinto sa aking iniisip. "Ano pang ginagawa mo? Magluto ka na at maglinis!" Napaluha ako at tumango. Malamang isang maganda panaginip lamang iyon. Binitawan na ni ina ang buhok ko at tumahak na ako sa kusina. Habang nagluluto iniisip ko ang mga nangyari. Dapat marami pera ang pamilya ko ngayon. Tama! Sigurado itinago lang nila iyon. Gaya ng lagi nilang ginagawa umaalis na sila ng 9 ng umaga pagkatapos mag-almusal. Malamang sa mga bisyo na naman sila pupunta. Sa mga sugalan at sabungan. Napabuntong hininga ako at pagkarinig ko ng malakas na bagsak ng pinto pumanhik na ako upang silipin ang kanilang silid. Nakita ko roon ang malaking maleta. Iyon ang binigay sa kanila ni... Napakamot ako sa aking ulo. Ano na nga bang pangalan nun? Nakabalik na ko sa kusina pero hindi ko pa rin maalala kung sino at ano ang mga iniisip ko kanina. Nilibang ko na lang ang aking sarili sa paglinis ng bawat sulok ng bahay hanggang mapansin ko na may isang bulto ng matangkad na lalaki sa may pinto. "Sino ka?" sigaw ko. Hindi ito kumibo hanggang tuluyan maglaho. Napapikit ako at nagdasal. Anong nangyayari sakin? Sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko at sunod-sunod na butil nang pawis sa noo ko. Binuksan ko ang lahat ng ilaw sa bahay. "Aba't! Bakit sobrang liwanag sa loob?!" sigaw ni ate Daphney. Aakyat na sana ako sa hagdan ng biglang hinila niya ang damit ko. "Ikaw ba ang nagbabayad ng kuryente?!" nanggagalaiti niyang tanong. Umiling ako. Tinulak niya ko sa sahig at handa na siyang sabunutan ako ng biglang may mga yabag kaming narinig sa labas ng bahay at tunog ng sasakyan. "Magandang umaga," tumapat sa bukas na pintuan ang babae mas mataas ng konti kay ate Daphney at may malalaking salamin sa kanyang mga mata at mahabang itim na buhok. Parang pamilyar siya. "Narito kami para iparating sa inyong pamilya na nakapasa si Nancy Wayne, bilang----" Tumawa ng malakas si ate Daphney at lumapit sa babae. "At ano naman ang maipapasa ng mangmang kong kapatid? Ni hindi nga siya nakatungtong sa kolehiyo. Baka nagkakamali ka! Sigurado Daphney ang first name ng hinahanap. Nakatapos ako bilang isang---" "Office Clerk ang trabaho mo, ngunit hindi natapos sa pang apat na taon sa iyong kurso dahil hindi mo napasa ito." Napalunok si ate Daphney at pulang-pula ang pisngi. "Hindi ikaw ang pinunta namin rito. Si Nancy Wayne ay kumuha ng pagsusulat kahapon sa Renera Academy. Ito ay isang elite school para sa mga espesyal na dalaga na may kakaibang angkin galing sa maraming bagay." Napakunot ang noo ko. Kailan ako kumuha ng pagsusulit? Taimtim kong inisip hanggang napatingin ako sa mga mata ng ginang. Isang malabong imahe ng isang silid na may mga dalaga sa loob na nakaupo habang may hawak na papel. Umiling ako. "Hindi---" "Mahigpit namin sinabi bago ang pagsusulit na kapag nakapasa hindi maaaring tumanggi." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at napailing ng natuon siya sa punit kong damit dahil sa paghila ni ate Daphney kanina. "Pero kailangan ko magpaalam sa magulang ko." sagot ko. May iniabot siyang papel. Nanlaki ang mata ko sa nabasa consent form ito na may lagda ng magulang ko. "Nasa edad ka na pero dahil malayo ang Renera Academy at hindi ka makakauwi ng ilang taon hangga't hindi ka nakakatapos nagbigay na kami ng consent form agad naman nilagdaan ng magulang mo. Kaya tayo na." "Kukunin ko muna ang mga g-gamit ko." nauutal kong sabi. Nanginig ang mga kamay ko habang hawak pa rin ang papel. Bakit hindi ko matandaan na kumuha ako ng pagsusulit? "Hindi na kailangan. Ibibgay namin lahat ng pangangailangan mo dahil may full scholarship ka." Mabilis niyang sagot at pumalakpak. Mabilis na pumasok ang mga lalaki na may itim na salamin at hinawakan ang aking kamay. "Sandali lang--" "Mahalaga ang bawat oras namin, Nancy Wayne." sagot niya na may matalim na titig. "Ako na lang ang isama niyo!" Pagprisinta ni ate Daphney na nakataas pa ang kanang kamay. Umiling ang babae. "Hindi ko kayo maalala at hindi sapat na katibayan ito na nagsasabi kayo ng totoo!" Matapang kong sagot at yumuko. Ngumiti siya at napatitig ako muli sa mga mata niya. "Ako si Minerva," Natulala ako pagkasabi niya ng salitang iyon. Nakita ko na lamang ang sarili na nasa back seat nang puting kotse. Umiling ako. "Hindi ko matatanggap ito." mahina kong bulong. "Paano niya na labanan ang hipnotismo mo?" may mababang tinig na bumulong sa tabi ko. "Dahil espesyal siya, kaya nararapat siyang bigyan nang pagkakataon patunayan ang sarili." sagot ni Minerva. "Pero hindi ba si Master Will na ang nag-utos na huwag na siyang ibalik." Will? Tumingin ako sa paligid. "Nancy," Lumingon ako sa harapan. "Kailangan mo nang matulog, hindi mo maaaring makita ang daan sa Renera." Nahilo ako at napahiga sa upuan. Sigurado akong nangyari na ito. Anong naghihintay sa akin sa Renera Academy? Malamang isa lamang itong panaginip at paggising ko nasa silid lamang ako. Sambit ko sa sarili at tuluyan nang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD