Sumakit ng sobrang ang ulo ko at pagmulat ko. Nakasakay pa rin ako sa kotse at nasa passenger seat si Minerva. Umiling ako at kinurot ang sarili. Hindi na panaginip ito! Akmang magsasalita ako ng biglang huminto ang sasakyan. Napanganga ako sa matataas na mga building na may mga nakaukit na salita. “Renera Academy,” Totoong may paaralan na ganito ang pangalan. Luminga ako sa paligid at nangilabot. Bakit puro matataas na puno at mga malalaking biyak na bato ang nakapaligid rito? Hindi ito natural na paaralan na nakikita sa amin. “Bumaba ka na, Cia.” Napakunot ang noo ko sa winika ni Minerva. “Nancy ang ngalan ko.” Sagot ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay at inayos ang kanyang salamin. “Sumunod ka!” Bulyaw niya na ikinatarata ko. Binuksan ko ang sasakyan at pagbaba ko nakatingin lahat n

