CHAPTER 20

1368 Words
Naging napakabilis ng pangyayari sa buhay ni Pris. Naniniwala sya na ito na ang oras para sa kanya, sabi nga nila 'in God's perfect time '. Baka ito na yon, nahihiya nyang inabot ang kanyang mga gamit sa driver na pinadala ng kanyang amo. "Besh ah, tawagan mo ako everyday ah. Nako, talaga wag ka nang magpapakita sa akin pag pumalya ka. Sinasabi ko sayong babae ka.", pabirong banta ni Belle pero hindi naman nya maitago ang lungkot sa mga mata. "Oo naman, wala naman akong makakausap don sa titirahan ko. Mag isa lang ako.", "Teka, saan ba yun? Apartment ba o bed space?", malakas ang boses nyang tanong. "Actually, hindi ko talaga alam. Pero kahit saan pa yan, ang importante..", nagkatinginan silang magkaibigan "Libre!!!", sabay nilang sigaw. Malungkot man ay maayos silang naghiwalay ni Belle. Dahil madami dami ang gamit nya, nagsabi ang driver na Iwan na lamang daw nya ang iba. Nung una ay parang ayaw nya, pero nahiya nadin sya kasi napakagara ng sasakyan na gamit nila sa mga oras na ito, baka madumihan kapag pinagsiksikan nya ang mga iyon. Mahina siyang tumikhim upang magtanong sa driver nang mag umpisa na silang bumyahe. "Uhm, Sir. Saan po tayo pupunta?", malumanay na tanong ni Pris. "Ma'am, wala pa pong instruction sa akin. Pwede po bang pakitawagan si Mister Zandevough?" napalabi sya, ganon? baka mamaya nito wala palang paglalakagakan sa kanya, baka sa kalsada din sya damputin. Sinunod nya ang kasama at tinawagan si Ed, nakalimang ring muna bago nito sagutin. "Yes, honey?", nagulat si Pris sa binungad na iyon ni Edward. "Ed. Ako to, si Pris.", pag-iimporma nya. "Yeah, I know.", nakangiting sagot ni Ed. He is with his f***r friend Dame. "Uhm, pinapatanong kasi si kuya driver. Saan daw ako dadalhin?", nahihiyang tanong ni nya na sya namang ikinangiti ni Ed sa kabilang linya. Naiimagine nyang namumula na si Pris sa hiya. "Oh, I'm sorry I forgot to mention. Honey you'll be living in my condo. Tell Aris, na dun ka dalhin. And wait for me, okay?", litong lito ako sa sinabi nya. "Ed, si Pris to.", ulit ng dalaga. Anong honey ang pinagsasabi nito? at bakit sa condo nito sya dadalhin? "Of course I know, Princess!", bulalas ni Ed. Gulong gulo si Pris s nangyayari. Maang din na nakatingin ang driver sa kanya sa rear view mirror. "Gusto mong kausapin nalang sI Kuya driver?", tanong ni Pris, dahil hindi talaga naiintindihan kung bakit ganon ng amo. "Okay, Princess.", nakangiting sagot ni Edward, in his peripheral view ay kita nya ang pagsulyap ni Dame sa tuwing mababanggit nya ang Princess. Ibinigay ni Pris ang cellphone s driver at maingay nito iyong inabot habang nakatutok ang mga mata sa daan. "In my condo near ZGC Aris. That way it'll be easy for her to go to work.", paliwanag ni Ed sa driver. "Copy Mr. Zandevough.", iyon lang at ibinalik na ni Aris ang telepono ni Pris. "Hello?", muling bati nya nang makitang nasa kabilang linya pa ang amo. "Feel at home when you get there Princess. See you tomorrow.", malambing na wika ni Ed. Til naman hinaplos ang puso ng dalaga sa sinabiing iyon ng kanyang boss. "Thank you Ed.", kimi nyang pasasalamat. "Anything for you.", iyon lang at narinig na ni Edward ang pagkawala ni Pris sa kabilang linya. But he manage to play more, hindi nya inalis sa tainga ang telepono. At sa pagkakataong ito ay sinigurado nyang maririnig ni Dame ang kanyang mga sasabihin. "You know I am always here. I'll protect you in every way. You're always safe with me my Princess.", aniya at sumulyap kay Dame, napangiwi pa ito s huli nyang sinabi ngunit nang mabanggit na naman nya ang salitang 'Princess' ay tila nag-aanyo itong halimaw. Natatawa syang kunyari'y pinatay ang tawag at bumalik sa upuan. Narito sila ngayon sa isang mamahaling restaurant kung saan pinag-uusapan nila ang mga gagawing hakbang laban sa kasamahan nilang nagdidispalko ng pera. "Asshole!", singhal nito kay Ed na syang ikinangiti lang ng huli. Ipinagpatuloy lamang nila ang kanilang naiwang usapan. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala si Pris sa kanyang nakikita. Naihatid na sya ni Aris sa loob ng unit ni Edward at naipasok na din maging ang kanyang mga gamit. Narito pa rin sya malapit sa pinto at tila hindi kayang ihakbang ang mga paa. Napakaganda, napakalaki at napakalinis ng lugar. Ang mga kagamitan ay nakakatakot hawakan, hinaplos pa ni Pris ang sofa na kitang kita namang mamahalin. Napailing sya, mukhang sobra sobra na ito, parang hindi sya nababagay dito. Bigla syang nakaramdam ng takot, condo unit ito ni Ed, ibig sabihin may extra itong susi doon o kahit ano pa man na maaari syang makapasok nang malaya. Nahintakutan sya sa kanyang naisip, ang kaba nya ay dumoble. Halos lumabas naman ang kanyang puso sa lagayan nito nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Edward is calling, isang malalim na buntong hininga ang kanyang ginawa bago ito sagutin. "So, what can you say?", masiglang bungad nito. "Ed. Sorry, pero parang hindi ko yata matatanggap itong offer mo sakin.", pagtatapat nya. " What? Why? What's wrong?", litong tanong ni Ed. "Masyadong malaki ang lugar na ito. Masyadong mahal, hindi ako bagay sa ganitong lugar. Tsaka isa pa,..", nahihiya syang sabihin ang tunay na dahilan. "Isa pa ano Pris?", nagawa nang banggitin ni Ed ang kanyang palayaw dahil hindi na sila magkasama ni Dame. Nakauwi na sya sa isa pa nyang condo sa Taguig. "H-hindi kasi magandang tingnan na...tsaka pwede kang makapa.." alangan syang nagsalita, hindi nya maisatinig nang maayos ang nais sabihin dahil baka kung anong isipin ng amo. Baka isipin nito ay masyado naman syang feeling. "Are you thinking na baka isipin ng iba na ibinabahay na kita?", natatawang saad ni Ed. Napakaover thinker naman pala ng babaeng ito ni Dame. "Then, let them." tuya nya. "Sir Ed!", bulalas ni Pris. Malakas na napatawa ni Edward. "Now you're into Sir again.", patawa tawa nyang sagot sa dalaga. "First of all, nkapangalan sa kompanya ko ang condo unit na iyan. Ikaw man o hindi ang secretary ko, as long as kailangan nyang maging accessible anytime, I will be glad to offer that flat.", mahabang paliwanag ni Ed. "And lastly, if you're thinking na pwede kitang pasukin dyan. Pwede Oo!", nakangising saad ni Ed. Namutla si Pris sa narinig at nag-umpisang mangatal ang katawan. "Ang tanong, gusto ko ba?", anito saka tumawa nang malakas. "Stop over thinking Pris, I would never do that. Gusto ko pang mabuhay nang matagal at magkapamilya no!", patawa tawa nitong sabi. Ilang minuto ding hindi makapagsalita si Pris, oo nga naman. Sino nga ba sya kumpara sa estado ng boss nya. Kung gusto non ng babae, madali lang yun para dito at hindi gagawa ng bagay na ikakasira ng pangalan nya. Unti unting humupa ang kabang naramdaman ni Pris. Muling nagsalita ang amo at mataman nya lamang itong pinakinggan. "Come on Pris, wag ka nang mag-isip ng kung anu ano, kasama yan sa mga benefits ng pagiging empleyado ko. Gaya ng sabi ko, hard work lang ang gusto kong kapalit. Magpahinga ka na at maaga pa tayo bukas. Inemail na sayo ni Mae lahat ng schedule ko for the week. Take time to review it, merong laptop dyan. Use it to see the files. Good night Princess Symphony, see you tomorrow.", iyon lang at pailing iling na tinapos ni Ed ang tawag. He sipped his vodka at isinandal ang likod sa malambot na headboard ng kanyang kama. "I know he loves you so much. Patayin mo ulit ang nabuhay na halimaw Pris. It's only you who can do that, I'm sure. He's so into you, and I believe you're destined for each other. If not?, then ipilit natin.", he smiled on this thought. Hindi nya hahayaang tuluyang lamunin ng galit at paghihiganti ang kanyang kaibigan. Maging sya ay nangulila dito nang magpasya itong pumasok sa mundo ni Pris. Nawalan sya ito ng oras sa kanya na naging una nitong kaibigan bago pa si Pris. At ayaw nyang masayang ang lahat ng iyon dahil lamang sa alam niyang, hindi pagkakaintindihan. And JR, that little bud should not suffer sa bangayan ng mga magulang na alam na alam naman nilang nagmamahalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD