HER POV Nagising ako dahil sa alarm ko, gusto ko pang ibawi ng tulog ang lahat ng ito pero wala akong magaw dahil ngayon na magsisimula ang trabaho namin. Napabangon na lang ako at napatingin sa orasan ko. Hindi na nga ako makatulog kagabi tapos kailangan ko pang magpagod sa buong umaga? “Bakit ba kasi atat na atat ‘yang Dylan na iyan?” inis na sabi ko. Tumayo na ako sa higaan ko at nag-ayos ng sarili. “Pwede naman kasing sa isang araw na lang yung umpisa, kailangan talaga ngayon simulan? Hindi pa pwedeng makapaghintay iyan? Like wala pa naman kasing gagawin, magpaplano pa lang. Pwede naman gawin iyon online, like technology na yung panahon ngayon?” reklamo ko pero patuloy pa rin ako sa pag-aayos ng sarili ko. “Kung pwede lang mag-resign at magpalipat agad, pero sasabihin ni Madam na

