Prologue
This marriage of ours changed my life. I loved him, yet he can’t see me as someone who’s deserving to be loved.
I tried my best, yet it’s not enough for him to stay. He loved someone, I waited, yet he was also waiting for that woman to come into his life.
Kung kaya ko lang ituro sa kaniya ang pagmamahal na alam ko, baka nagawa ko na, pero hindi pa rin sapat kahit na lumuhod at magmakaawa ako sa kaniya.
“What did I tell you? Huwag ka nang magluto ng marami, hindi ba?” wika niya sa akin. Napangiti naman ako sa kaniya habang pinupunasan ko ang kamay ko.
“Sorry, nasanay lang ako… pero nasabi din kasi sa akin ni Marvin na marami raw kayong ginawa sa office, kaya sinubukan kong magluto para makakain ka–”
“Tapos na akong kumain,,” malamig niyang sabi.
Napatango-tango naman ako, “mukhang nabusog ka na nga,” ngiting sabi ko sa kaniya.
Napahawak naman siya sa kaniyang noo at napahinga nang malalim. “I already told you na huwag ka nang magluluto, sino ang kakain niyan ngayon?” medjo tumaas ang boses niya dahilan para magulat ako.
“Sorry… wala rin naman kasi akong ginagawa sa bahay, hindi naman ako makalabas kasi malapit lang din yung lugar natin kila Mom, baka mamaya bigla niya akong tanungin–”
“Kasalanan ko pa ba ngayon na wala kang ginagawa sa bahay?!” mataas na tono niyang tanong sa akin. Napalunok na lang ako sabay napailing-iling. “Hindi sana tayo nahihirapan ngayon sa sitwasyon na ito if you didn’t agree into this mess!”
Hindi ako pwedeng magalit o sumigaw, hindi ako pwedeng magreklamo sa kaniya dahil ang isasagot lang niya sa akin. Ikaw ang may gusto na ikasal tayo, tumutol ako pero sunod-sunuran ka sa mga magulang mo.
Nagulat naman ako nang malakas niyang binagsak ang envelop sa center table. “Dumating na rin yung divorce papers.” Napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya. Lagi niyang bini-bring up ang divorce papers, gawa ng sa ibang bansa naman kami ikinasal na ang divorce ay legal kaya madali lang para sa kaniya na gawin ang bagay na iyon.
“Akala ko male-late pang darating,” wika ko sa kaniya. Yet, I didn’t hear any response.
“Mag-iisip muna ako ng rason kung ano ang sasabihin natin sa kanila, bago natin pirmahan ito.” Napahinga na lang ako nang malalim sabay napayuko.
“Seryoso ka na talaga?” mahinahon kong tanong sa kaniya.
“Gusto ko nang makalaya.” Hindi iyon ang tanong ko, pero iyon ang sinagot niya. Pinigilan ko ang sarili ko na hindi mag-react o kahit na umiyak. Tumingin na lang ako sa kaniya.
“Pwede humingi ng favor?” tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin. Malamig, hindi galit at hindi rin masaya. “Pwedeng magsabay naman tayo kumain, for the last time, isang beses pa lang kasi natin nagagawa iyon and gusto kong ma-experience ulit. I just want to treasure that moment, para maging maganda naman yung end, hindi ba?” mahinahon kong sabi. Napatayo naman siya sa kinauupuan niya at tumalikod sa akin.
“This Saturday, by next week baka aalis ako, pupunta ako ng ibang bansa. Then kapag uwi ko doon na natin pag-usapan ang tungkol sa divorce.” Malamig niyang sabi. Naglakad na siya papasok sa kuwarto niya at iniwan akong mag-isa.
Napangiti na lang ako at hindi ko namalayan na doon na bumuhos ang luha ko. Alam ko sa sarili ko na tanga ako, I gave him all, kahit yung puri ko, matanggap lang niya ako yet kulang pa rin.
“Malalampasan mo rin ito,” bulong ko sa sarili ko sabay tapik sa balikat ko.
Niligpit ko an ang mga pagkain na niluto ko at nilagay ko sa refrigerator bago ako pumasok sa kuwarto ko. Nahiga na lang ako habang nakatingin sa kisame. Napapikit habang yakap-yakap ang sarili ko, tila dinadama ang haplos ng kamay ni Dylan sa tuwing kinakailangan niya ako para sa pansarili niyang pangangailangan.
It was hot, caring, yet wild. Akala ko nung una iyon ng yung time na matatanggap niya ako, but after what happened that night, kinabukasan bumalik ulit ang malamig niyang pakikitungo sa akin.
Parang merong dalawang pagkatao si Dylan kapag kasama ako. Pero hindi ko naman kayang magmakaawa na iharap sa akin ang lalaking kaya akong mahalin dahil masakit na salita lang ang matatanggap ko sa kaniya.
“Hanggang kaya kitang mahalin, Dylan, gagawin ko…”
Kinabukasan, sinubukan kong gumising nang maaga pero nabigo ako, sinubukan ko na abutan si Dylan pero wala na siya doon, at hindi rin niya ginalaw ang mga pagkain sa loob ng ref. “Mukhang sa labas na naman siya kakain.”
Napahawak ako sa leeg ko at napainat, hindi ko alam para akong nanghihina kahit na buo ang tulog ko.
Narinig ko naman na bumukas ang pintuan, umaasa na si Dylan iyon pero nawala ang pag-asa ko ng makita ko ang kapatid kong si Alyssa.
“Ate Rhianne okay ka lang ba?” tanong niya sa akin sabay sapo sa akin. “Mainit ka, may ginawa ba sa ‘yo si Kuya Dylan?” tanong niya sa akin. Napailing-iling lang ako at inayos ang pagtayo ko.
“Wala naman, don’t worry about me, medjo napagod lang din ako kahapon ang dami ko rin kasing niluto. Pero okay–” naramdaman ko na lang na parang bumaliktad ang tiyan ko dahilan upang mapatakbo ako sa faucet at doon sumuka.
“Talagang ayos ka lang ba talaga? Alam mo pumunta na tayo kila Tito Doc, para ma-check ka na,” wika niya sa akin. Hindi na rin ako nakipaglaban pa kay Aly at sumama sa kaniya para sa check up.
Kaba ang nararadaman ko dahil hindi ko naman alam kung meron akong sakit. “Huwag kang kabahan Ate, magiging ayos din ang lahat,” wika niya sa akin.
Napatayo kaming dalawa ni Aly ng makita namin si Tito Doc na pumasok sa loob ng office niya at nakangiting nakatingin sa amin. Napahanga ako nang malalim dahil kahit papaano ay mukhang maganda ang sasabihin niya sa akin.
“Kumusta si Ate, Tito?” tanong ni Aly sa kaniya.
“You don’t have to worry, your sister is normal, kailangan lang niya talagang magpahinga lalo na ngayon ay kailangan na kailangan nang katawan niya ng mataas na nutrition.” Napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Biglang kumabog nang mabilis ang dibdib ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.
“Congratulations, you’re 8 weeks pregnant, mukhang matutuwa si Dylan about this.” Nang marinig ko iyon, para akong binuhusan nang malamig na tubig. I forgot to drink my pills that day, akala ko nainom ko ng maayos yung pills ko.
Hinawakan naman ako nang mahigpit ni Aly, napatingin ako sa kaniya at kita ko ang pagwo-worry niya.
Kasalukuyan na kami ngayon na nasa loob ng saskayan. Nakayuko pa rin ako habang pinapakalma ang sarili ko. “Sasabihin mo ba kay Kuya Dylan?” tanong niya sa akin.
“Ayaw ni Dylan nito, hindi pwede ito, his planning a divorce kaya hindi pwede na meron kaming anak.” Napatigil naman siya dahil sa sinabi ko.
“Ano itutuloy na niya talaga?” tanong niya sa akin. Napapikit na lamang ako at napasandal sa upuan.
“Hndi ko alam ang gagawin ko Alyssa,” wika ko sa kaniya. Walang solusyon na tumatakbo sa utak ko ngayon. Naghahanap ako nang paraan pero wala akong maisip na ibang paraan.
“Bakit hindi mo sabihin kay Kuya Dylan?” suggestion niya.
“Alam mong magkakaroon ng problema kapag sinabi ko sa kaniya yung pagbubuntis ko, ayaw niya nito,” naiiyak kong sabi. Hinawakan naman niya ako sa balikat ko at pinakalma ako.
“Easy, Ate. Ganito, sabihin mo sa kaniya, kung tinanggap niya yung bata edi okay, malay mo magbago siya. Pero kapag hindi, umalis ka na at pirmahan mo na yung divorce papers, magpakalayo-layo ka na,” wika niya sa akin. Napatigil naman ako at napalunok, hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, pero sinunod ko ang sinabi niya.
Ngayon ay nandito na ako sa harapan ng office niya, napahinga ako nang malalim at kumukuha nang lakas ng loob na harapin siya. Kakatok na dapat ako pero bigla akong napatigil nang marinig ko ang usapan nila ni Marvin sa loob.
“Seryoso ka ba Dylan? Talagang tinuloy mo ang pagbibigay ng divorce papers sa kaniya?” wika ni Marvin.
“I had to, iyon na lang ang solusyon ko, Miguel. Isa pa lilipad ako papuntang California next week, my intel said na nandoon siya. I need to see her.” napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya, iyon yung babae from his past.
“Pupuntahan mo yung babaeng hindi mo naman lubos na kilala at iiwan yung asawa mo dito sa Pilipinas?” tanong niya kay Dylan.
“Mag-asawa lang kami sa papel, and for sure after namin mapirmahan ang divorce papers, mawawala na siya sa buhay ko.”
“Paano kung nabuntis mo?” walang sinagot si Dylan, para bang natahimik siya, habang ako naman ay nakatayo lang sa likod ng pintuan at hinihintay ang sagot niya.
“Hindi mangyayari iyon at kung mangyari iyon hindi ko tatanggapin ang batang iyon.” At doon ko mas lalong napagtanto na wala talaga ako sa buhay niya, na hindi talaga niya sinubukan na mahalin ako.
Dahan-dahan akong naglakad paalis, hindi ko na sinubukan pang kumatok at kausapin siya. May sagot na akong nakuha at gaya ng sinabi ni Aly kung hindi niya tatanggapin ang anak naming dalawa mas mabuti na umalis ako at lumayo. Hindi ko na kailangan pa na magmakaawa, dahil kahit ano’ng gagawin kong pagmamakaawa sa harapan niya ay hindi niya ako tatanggapin sa buhay niya.
Nang makauwi ako, inayos ko na ang mga gamit ko. Lahat ay nilagay ko sa maleta. Matapos no’n ay naglakad ako papalapit sa divorce papers. Alam ko na maaapektuhan ang business ng pamilya namin sa gagawin ko, but I think this for the best.
“Ibibigay ko na sa ‘yo Dylan ang gusto mong kalayaan,” mahina kong sabi. Kasabay nang luhang dumadaloy palabas ng aking mata ay siyang paglalagda ko sa papel na nasa harapan ko.
After a year of pain, I think this is the real time to let go and move forward.