Chapter 01

1910 Words
HER POV  Pitong taon ang lumipas at maraming nagbago sa buhay ko. Pitong taon simula nang maghiwalay kami ni Dylan, pitong taon simula nang mawala sa pangalan ko ang Villareal. Madaming pinagbago, madaming akong sinakripisyo, at madami akong napagdaanang sakit at pagsubok sa loob ng pitong taon. Pero– hindi ko akalain na makakaya ko, na kaya ko pala na makawala sa nakaraan, na makawala sa sakit at multo ng kahapon. I guess that’s the effect of the pain that he caused me. The suffering that I experience throughout the year that we’ve been together. But now I’m free, I’m free from the pain and begging for love. This time ako naman, ako naman muna. Kailangan kong maging matatag, kasama ng dalawang dahilan kung bakit ako matatag, ang mga kambal ko. Ang dahilan kung bakit ako bumabangon sa pang-araw-araw. Lumaki silang mabuti, masipag, at mapagmahal malayo sa ugali ni Dylan. Pero kung titignan halatang anak sila ng isang Villareal, yung mga mata at labi nila na kahawig nung kay Dylan. Mabuti na lamang at kahit papaano ay nakuha ang tangos ng ilong sa akin. Pero mas gumagaan ang kalooban ko dahil kahit papaano ay hindi nila hinahanap si Dylan sa akin. Ngunit kung sakaling dumating ang araw na magtanong sila, hindi ko alam kung kaya kong sabihin ang katotohanan. Na ang lalaking ama nila, ang lalaking minahal ko ngayon–ang siyang mismong umayaw sa amin. Napahinga na lang ako nang malalim at napa-scroll sa laptop ko. Lunch time namin, pero hindi ko magawang kumain, ang daming tumatakbo sa isip ko lalo na ang pinaplano kong business. “Ganyan ba talaga kapag Pinoy? Filipino time na nga, hindi pa marunong tumingin ng oras? Look it’s already lunch time, magpahinga ka naman,” sambit ni Beatrice. “Kaya nga, nasa ibang bansa ka na, nasa Singapore ka, pero yung hataw mo parang nasa Manila ka,” pang-aasar ni Coleen. Napatawa na lang ako at napailing-iling. “I need too, alam mo naman na mahirap ang buhay ngayon. Kahit na malaki ang sahod natin, malaki din naman ang gastusin. Besides, nag-aaral na ang mga anak ko so I need to really work hard for them.” “Bakit naman kasi hindi ka na lang maghanap ng matandang lalaki na mayaman, yung mag-aangat sa ‘yo sa kahirapan?” wika ni Bea. “Talagang matanda, para ano para mabilis ang kitaan? Ewan ko sa ‘yo Bea.” wika ni Coleen. “Suggestion ko lang, kasi tatlong taon na tayong magkakasama dito, pero ni minsan hindi ko nakitang magpahinga ‘yan si Ysa. Mukhang ikaw na ata ang papalit sa boss natin, kaya ang mga taga Singapore dito galit na galit, akala mo naman may panlaban ang designs nila,” wika ni Bea. Napahinga na lang ako at napailing-iling. “Don’t seek a fight, mas mabuti na tayo lang ang maging humble pero matapang pa rin,” wika ko sa kanila. Lumabas na si Bea ng office habang ako naman ay tumayo na sa aking kinauupuan para sumunod sa kanila, pero agad naman akong hinarapangan ni Coleen. “So ano, wala ka bang sasabihin sa akin?” tanong niya sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. “Ano namang sasabihin ko sa ‘yo?” tanong ko. Kinuha naman niya ang phone niya sabay hinarap sa akin, nakita ko agad ang headline ng news. Dylan Alexander Villareal – my ex-husband – ready to get married again? “Sa tingin mo ready talaga siyang magpakasal ulit?” tanong niya sa akin. Napatingin lang ako sa kaniya at napahinga lang nang malalim. “Bakit mo naman sa akin tinatanong iyan?” wika ko sa kaniya. Napakibit balikat na lang siya. “Ewan, kasi ikaw yung dating asawa niya, tapos after seven years luabas yung ganitong news about sa kaniya.” “Well nasa kanya naman iyon if that’s what he wants,” wika ko. “Wala na rin akong pakialam sa buhay niya ngayon. Ang priority ko ang mga anak ko.” Napahinga naman siya nang malalim sabay napatango-tango. “Ang unfair niya ‘no? Dati ayaw niya magpakasal dahil hindi siya ready, then suddenly bigla na lang ganito. Nung nawala ka tsaka na siya naging handa?.” Napatigil ako dahil sa sinabi niya. She’s right, iyon ang buhay na gusto ko at iyon ang buhay na hindi niya binigay sa akin. “Hindi naman ako ang priority niya, Coleen we all know that. If magiging handa siya, for sure doon iyon sa babaeng hinahanap niya noon pa, at hindi ako iyon.” After all, ako ang pumilit, ako yung lumaban para sa aming dalawa. But I never experience the love that I deserve… 8 years ago… “A marriage?!” tanong ni Coleen sa akin. Literal na gulat na gulat dahil sa balita. “Seryoso ka ba talaga na magpapakasal ka sa lalaking hindi mo kilala?” napangiti na lang ako at napatingala sa langit. “Wala naman akong magagawa, gusto ng parents ko eh.” “Pero twenty-five ka na, hindi ba dapat meron ka ng sariling decision.” Sariling decision? Napangiti na lamang ako. If only life were that fair. Napatingin na lang ako sa kaniya habang nakangiti. “I like him din naman,” wika ko. “si Dylan. Yung senior natin before. Yung magaling sa basketball,” wika ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sinabi ko. “Really– THE Dylan Alexander Villareal? Yung family nila na kilalang tycoon?! The Villareals?!” napangiti ako at napatango-tango. “Kaya, mukhang ang lakas ng connection ng mga Monteverde sa mga Villareal, to think na talagang napagkasundo pa kayong dalawa?” Napahinga lang naman ako nang malalim habang nakatingin sa alapaap. “My dad and his dad are best friends way back then, kaya siguro talagang nagkaroon si dad ng connection sa kanila.” “Jackpot ka na jan, isipin mo THE Dylan Villareal, a role model, smart, with no scandal. For sure ang ganda ng lahi ninyo!” tuwang sambit niya na may kasama pang paghampas. “Teh! Kalma, hindi pa pumapasok sa isip ko iyon,” wika ko sa kaniya. “Sus, doon na rin naman papunta iyon. Kaya I think blessing in disguise rin siguro ang nangyayari sa buhay mo ngayon. Look, mapapangasawa mo na yung taong gusto mo,” wika niya. Hindi ko matago ang saya ko dahil totoo naman, gusto ko si Dylan, even before pa nung senior ko pa lang siya nung college. Alam ko na wala siyang naging girlfriend dahil goal oriented siya, hindi rin babaero and walang naging issue being a f–ck boy. Kaya alam ko na siya na ang lalaki para sa akin. But… maybe hindi ko pa talaga siya ganon kakilala. “I don’t want this marriage!” sigaw niya, kasabay ng paghampas niya sa lamesa. “Nababaliw na kayo, bakit ninyo kami ikakasal na hindi naman namin ganon kakilala ang isa’t isa and hindi rin naman namin mahal ang isa’t isa!” “Dylan, pwede ba, huwag kang magwala sa harapan ng pagkain!” diin na sabi ng dad niya. “Dad sinasabi ko lang ang totoo at hindi ninyo rin ba kami muna tinanong? Paano kung meron kaming gustong ibang tao? Hindi ninyo man lang inisip iyon?” wika niya sa aming lahat. Nagulat naman ako nang bigla niya akong tinignan ng sobrang talim. “Rhianne, I’m right, tutol ka rin sa desisyon nila? Hindi ba?” Bigla akong na-corner sa mga oras na iyon, may point siya na hindi naman dapat kami pinipilit na magpakasal, kahit na gusto ko siya iisipin ko pa rin ang kagustuhan niya. Pero hindi iyon ang sinasabi ng mga tingin nila mom at dad sa akin. Kitang-kita sa mga tingin nila na malalagot ako sa kanila sa oras na meron akong maling sinabi. Napalunok na lang ako at napatingin pabalik kay Dylan. “Pero… hindi ba dapat sumunod na lang tayo sa kanila?” mahina kong sabi, may takot na namumutawi sa aking loob. Kita sa mukha niya ang dissapointment dahil sa sinabi ko, “I knew it, iyon din ang gusto mo,” galit na bulong niya. Padabog siyang tumayo sa kaniyang kinauupuan at lumabas ng dining area. Napayuko na lang ako at napahawak sa aking kamay. Nakaramdam ako ng hiya at guilt dahil sa nangyari. I should have known better, pero wala akong lakas. “Hindi talaga mapagsabihan ng maayos ang batang iyan. Pagpasensyahan mo na ija,” wika sa akin ng mom ni Dylan. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napangiti. Napahinga ako nang malalim, kumukuha nang lakas nang loob na magsalita. “Pero… seryoso na po talaga kayo sa balak ninyo?” mahinahon kong tanong sa kanila. “Ano ba namang tanong iyan, Rhianne. Huwag mong sabihin na pati ikaw tututol ka?!” pagalit na sabi ni mom sa akin. Napalunok naman ako sabay napailing-iling. “Hindi po,” takot na sabi ko. “Pero kasi, hindi naman gusto ni Dylan, hindi ba dapat alamin din natin yung nararamdaman niya, yung gusto niya,” wika ko sa kanila. “Walang gusto si Dylan. Hayaan mo siya ang dapat marunong siyang sumunod sa utos sa kaniya. Kayo ang susunod na magmamana ng business ng pamilya kaya bakit hindi ninyo kami sundin na lang?” pagalit na sabi ng dad ni Dylan. “Pero tito hindi naman po sa ganon–” “Rhianne!” tawag sa akin ni dad. “Huwag ka ng sumagot. Puntahan mo na lang si Dylan at kumbinsihin mo dahil buo na ang pasya namin ni Armando,” diretsong sabi ni dad. Napatango na lang ako at dahan-dahan na tumayo sa aking kinauupuan. Wala na rin naman akong lakas pa na makipaglaban sa kanila dahil hindi naman nila rin ako papakinggan. Kaya kahit na ayaw kong sundan si Dylan, dahil alam kong gusto niya munang mapag-isa ay sinunod ko ang utos nilang lahat dahil alam ko na iyon ang makakabuti. Talaga nga bang makakabuti para sa aming dalawa? Hinanap ko siya, napatigil ako nang makita ko siya sa veranda. Naninigarilyo, puno’ng puno ng galit – malayo sa lalaking iniidolo ko noon. “I knew it,” sambit niya nang malakalapit ako. “susundan mo ako dito,” napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin, sobrang seryoso, habang ang stick ng sigarilyo ay nakalagay sa kaniyang bibig. He slowly walked towards me and then blew the smoke straight to my face. “Ganiyan ka ba talaga? Talagang sunud-sunuran ka? Wala ka bang sariling desisyon sa buhay?” diin na sabi niya. Napalunok na lang ako habang diretsong nakatingin sa kaniya. He’s right, wala akong sariling desisyon at talagang hindi na ako magkakaroon pa. He smirked bitterly. “It’s you right?” seryosong tanong niya sa akin. “Yung laging nakasunod sa akin nung college at pinapanood ako sa training ko. Kaya ba pumayag ka sa kasalan na ito?” matalim niyang tanong. “H-hindi–” “Tell me,” bulalas niya. “Gusto mong makipag s*x? ‘Yan ba ang gusto mo? Sabihin mo na para matapos na ito at makaalis ka na sa buhay ko!” My world stopped. All of my expectations started to crumble and fall down. The guy that I thought was nice, role model, the reason I started to fall for. Ang lalaking akala ko siya na… ay ang siyang lalaking hindi gugustuhin ang halik, yakap at pagmamahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD