HER POV
Ilang araw ang lumipas after sabihin ng mga magulang namin ang tungkol sa kasalan. Hindi ko pa rin nakakausap si Dylan after what happen that night. Akala ko magbabago na ang isip ng mga magulang niya pero gusto pa rin nilang ituloy. Maybe gawa rin ng kagustuhan ni dad.
Napapikit ako habang nakaupoo sa gazebo namin, sinusubukang pakalmahin ang sarili sa mga nangyayari.
“Malalim ang iniisip mo?” napitingin naman ako sa lalaking nagsalita at doon ko nakita si Dexter ang kapatid ni Dylan. Hindi ko na rin namalayan na nakalapit na pala siya.
“Sorry, marami lang akong iniisip. Kanina ka pa? Wala naman si dad dito ngayon nasa office siya, bakit ka nagpunta pala dito?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi naman si tito ang pinunta ko dito.” napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Ikaw talaga—besides may gustong ibigay si Dylan eh, hindi lang niya mabigay directly sa ‘yo.” napakunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka.
Binigay naman niya ang black box na may design na gems sa gilid nito at sa loob ay pinaghalong red and white roses. Napangiti naman ako at napatingin sa kaniya. “Talaga bang binigay ito ni Dylan?” tanong ko sa kaniya.
“Oo naman, alangan namang ako ang nagbigay niyan? May ibang tao na akong gusto.” Napailing-iling naman ako dahil sa sinabi niya.
“Defensive, hindi naman ikaw yung sinabi ko. Sasabihin ko lang naman kung inutusan ka nila tita at sabihin na kay Dylan galing para piece offering kuno.” Napatawa naman siya dahil sa sinabi ko.
“You get me there,” natatawang sabi niya. “Akala ko hindi mo malalaman.”
“Malamang ang laki ng galit ni Dylan sa akin.” Napaupo naman siya habang napatingin sa buong paligid ng backyard namin.
“Ang kailangan mo lang talaga ay intindihin si Dylan,” mahinahon niyang sabi. Napatingin naman ako sa kaniya, seryoso ang mukha niya. “He’s different from you expect, masyadong matigas kaya ganon.” Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, pero gusto niya bang sabihin na merong kabaitan si Dylan sa loob niya?
“Anyway, I need to go, merong dinner mamaya don’t be late. Sila tita and tito didiretso na doon.” tumayo siya sa pagkakaupo. “I’ll try na si Dylan ang magsundo sa ‘yo dito. Para naman kahit papaano makabawi siya sa ginawa niya last time,” ngiti niyang sabi bago umalis.
5:00 PM
Nag-ayos na ako ng sarili ko para makaalis na. Nang makalabas ako nang bahay namin napatingin ako sa itim na kotse na nakaparada sa harapan.
Nung merong nag-doorbell agad kong pinuntahan iyon umaasa na baka si Dylan iyon. Pero napatigil ako nang makita ko si Dexter na nakasuot ko ng black na long sleeves at white slacks.
“Sorry ako na yung sumundo sa ‘yo wala pa rin si Dylan eh,” napangiti naman ako sa kaniya at napatango-tango. “Let’s go? Ano’ng oras na rin, andoon na rin sila tito and tita.”
Tahimik lang ako sa buong biyahe namin, meron siyang kinukwento sa akin pero nag-a-agree na langa ko sa kaniya kahit na hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang wala ako sa focus sa mga oras na iyon. Nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan niya at pinagmamasdan ang tanawin patungo sa bahay nila.
“Hey, andito na tayo.” Nagising na lang ako sa ulirat ko at napatingin sa labas at tama nga siya nasa harapan na kami ng bahay nila. “Kanina ka pa tahimik,” nakangiti niyang sambit.
“Sorry, marami lang din akong inisiip,” wika ko sa kaniya.
“Tungkol ba iyan sa kasal ninyo ni Dylan?” tanong niya sa akin. Napakibit balikat na lang ako.
“Hindi ko rin alam eh.” hindi ko masagot ang tanong niya hindi dahil hindi ako sigurado. Pero dahil wala naman na talaga akong maibibigay na sagot sa kaniya. Sila dad na ang nag decide sa akin, kahit naman tumutol ako ay wala ring makikinig.
Kung meron man akong iniisip, siguro yung side ni Dylan. Dahil alam ko na malaking gulo ang mangyayari sa oras na tumutol na talaga siya.
Pumasok na kami sa loob. Bawat hakbang ko ay puno’ng puno ng kaba ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari buong oras na ito. Gusto ko ng umuwi at hindi na lang um-attend dito pero hindi ko naman magagawa iyon.
Pagpasok namin sa dining area, napatigil ako na nandoon na si Dylan. Nakasuot lang siya ng puting t-shirt at maong. Tahimik lang siyang nakaupo doon habang ang iba ay nag-uusap-usap.
“Buti andito na kayong dalawa. Sige na maupo na kayo para makakain na tayo,” ngiting sabi ni tita Victoria. “Rhianne tumabi ka kay Dylan para naman magkasundo kayong dalawa.” Napalunok naman ako at napatingin kay Dexter. Napangiti lang siya sa akin sabay sinenyasan ako na lumapit kay Dylan.
Napatingin naman ako sa bahagi ni Dylan na ngayon ay nakatingin na sa aming dalawa. Kita sa mga mata niya ang galit niya. Alam ko na dahil iyon sa suwestiyon ni tita Victoria.
Naglakad loob na lang akong maglakad papunta sa tabi ni Dylan at umupo sa tabi niya.
Ngayon ay nagsisimula na kaming kumain, silang lahat ay masaya habang kami ni Dylan ay tahimik lang na kumakain. Walang kibuan at pansinan. Parang merong mataaas na pader ang pumapagitna sa aming dalawa sa mga oras na iyon.
“About your wedding–”
“I have suggestion,” napatigil si tito Armando dahil sa biglang pagsasalita ni Dylan. “Pumapayag ako sa kasalan namin ni Rhianne, pero pwede ba kaming pumili kung saan kaming country ikasal?” mahinahon niyang sabi.
Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Tumingin siya sa akin sabay binigyan ako nang magandang ngiti. Dahan-dahan niya ring hinawakan ang kamay ko na nagpapahinga sa lamesa kung saan kita ng lahat.
“Gusto ko meron kaming control ni Rhianne sa kasal namin, I think that is the better idea para maging maganda ang samahan namin. Hindi po ba–mom?” tanong ni Dylan kay tita Victoria. Napatingin naman ako sa kaniya kung saan napatigil lang siya at tila nag-iisip.
“Yes–hon, I think it’s a great idea for them,” wika ni tita Victoria.
“Then it’s settled, it’s up to the both of you,” wika ni tito Armando. Napangiti naman si Dylan bago niya hinigpitan ang hawak sa kamay ko na para bang meron siyang gustong sabihin.
Matapos nang dinner naisipan ko na lumabas muna para magpahangin. Hindi ko inaasahan na maabutan ko doon si Dylan na naninigarilyo. Katulad pa rin siya nung kung paano ko siya nakita sa veranda nila.
Kung iisipin, nakakapagtaka yung pinapakita niya kaninang act. Bakit bigla na lang siyang pumayag sa gusto nila. Tapos maganda pa yung pinapakita niya sa akin kanina.
“Andito ka pala,” matapang kong tanong sa kaniya. Napatigil siya sa paninigarilyo at napatingin sa akin.
“Don’t expect na tinatanggap kita,” diin na sabi niya. “Yung kanina, it’s all an act.”
Ano pa nga bang aasahan ko. Hindi ko alam kung bakit ba siya galit na galit sa akin.
“Sa bansang may divorce,” wika niya sa akin. “Doon tayo magpakasal, para kapag naghiwalay tayo madali lang mapawalang bisa ang kasal nating dalawa.” napatigil ako dahil sa sinabi niya.
“Let’s follow what they want and entertain them, then after that pwede na tayong maghiwalay ganon kadali. Hindi natin kailangan pakisamahan ang isa’t isa o maging mabuti sa isa’t isa,” wika niya sa akin. “It is their business and we are their objects. Gagamitin kita para makapasok ako sa company and ikaw bahala ka kung ano’ng gusto mong gawin sa kasal natin. But don’t expect na magkakasundo tayong dalawa, dahil hindi mangyayari iyon.” iyon lamang ang sinabi niya sa akin at iniwan na niya ako doon.
Napapikit na lang ako at napahinga nang malalim. “Kakayanin ko ba talaga ito?” tanong ko sa sarili ko.
Lumipas ang ilang araw. Naging busy kami sa paghahanda sa wedding, yung mga damit, venue at kung sino ang mga invited. Nagawa na rin naming kumuha ng bahay na pag-stay-han naming dalawa. Tama lang ang laki ng bahay, merong dalawang kuwarto and as expected magkahiwalay kaming dalawa doon.
Madalas kaming magkasama ni Dylan dahil sa preparation pero wala naman kaming kibuan sa isa’t isa. Ginagawa niya ang sarili niyang trabaho at ginagawa ko rin ang akin. Hindi rin kami kumakain ng sabay, kapag katapos ng mga plano na pag-uusapan namin ay aalis na siya at iiwan na niya ako. Pero kahit ganon wala–gusto ko siya.
“Ikaw na naman ang mag-isa?” tanong ni Coleen sa akin. “Alam mo, hindi ko expected na ganon si Dylan. Bakit hindi mo sabihin kila tito?”
“Coleen, hindi naman sila makikinig, parang hindi mo naman kilala sila dad. Besides hindi naman nila alam na ganon ang pakikitungo sa akin ni Dylan, ang alam nilang lahat ayos kaming dalawa.” Napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.
“Ano?! Tapos okay lang sa ‘yo na ganito yung pakikutungo niya?” tanong niya sa akin.
“Wala eh, gusto ko talaga siya. Hindi ko alam kung bakit pero meron kakaiba sa kaniya, hindi ko alam kung ano,” wika ko sa kaniya. Napahinga na lang siya nang malalim sabay napakamot sa kaniyang ulo.
“Kung bakit kasi pinipiit ka pa nila tito at tita jan. Basta kung merong hindi magandang mangyari sabihan mo lang ako, okay?” sambit niya sa akin. Napangiti ako sa kaniya sabay napatango-tango.
Dumating na yung araw ng kasal naming dalawa, expected naging maganda ang event. Maganda rin yung pagkakalatag ng fake vows na kinopya lang naming dalawa sa isang movie at higit sa lahat ang fake kiss na kailangan pa niyang gamitin ang hinlalaki niya para lang hindi magkadikit ang labi naming dalawa.
Now na tapos na tapos na ang kasal at reception, yung act naming dalawa ay natapos na rin. Kasalukuyan ako ng kuwarto at inaayos ang sarili ko.
Nasa iisang kuwarto lang kaming dalawa ni Dylan dahil ito ang ibinigay sa amin nila tito Armando, honeymoon daw naming dalawa. But as expected hindi naman namin gagawin iyon dahil andoon siya sa baba at nagpakalasing.
Napatingin na lang ako sa salamin at tinignan ang sarili ko. Nakangiti ako, pero unti-unting nawala ang mga iyon. “Tama ba talaga ang pinasok ko?” tanong ko sa sarili ko.
Natigilan ako nang may narinig akong kalabog sa labas ng kuwarto. Dali-dali akong lumabas at hindi iniisip kung ano o sino ang may gawa ng kalabog na iyon.
Paglabas ko ay nakita ko si Dylan na nakahawak lang sa lamesa habang ang upuan ay nakatumba na. Mukhang lasing na lasing siya at hindi na kinaya ang sarili.
“Dy-dylan,” tawag ko sa kaniya, lumapit ako sa kaniya para tulungan siya pero laking gulat ko na lang ng bigla niyang hinawakan ang bewang ko at hinatak papalapit sa kaniya.
Napahawak na lang ako sa kaniyang balikat habang nakatingin sa kaniya. Yung matatalim niyang tingin sa akin na parang tatagos hanggang buto ko. Yung mabibigat niyang hininga lalo na ang higpit ng hawak niya sa bewang ko ang mas nagpapalala ng sitwasyon namin ngayong dalawa.
“La-lasing ka na Dylan.” May kaba akong nararamdaman, pero hindi ko pwedeng ipakita iyon sa kaniya. Pero wala siyang sinabi at patuloy lang ang pakikipagtitigan sa akin na para bang naglalaban kaming dalawa sa isang paligsahan ng titigan.
Doon ko nasilayan ang brown niyang mga mata na para bang nangungusap. Yung mahahaba niyang pilik mata, yung matangos niyang ilong at mapula niyang labi. Kakaiba ang kamandag niya, para niya akong hinahatak papalapit sa kaniya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa tenga ko at para bang may binulong. “Now that we are married, let’s use each other to fulfill our fantasies.”