HER POV Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila sa stage, paano ba naman tagalang ganon ang mga suot nila? Napapikit na lang ako nang bigla kong marinig ang kantang Mr. Sauve, at nagsimula na silang gumiling. “Woah!!” sigawan ng mga tao. Ako naman ay hindi makatingin ng diretso sa kanila lalo na kay Dylan dahil never in my life makikita ko si Dylan na mag-sexy dance. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang Dylan Villareal ay gigiling sa harapan ng maraming tao at puno’ng puno pa ng oil ang katawan. “Grabe ang ha hot nila!” sigaw ni Coleen sa tabi ko. Hindi naman ako tumitingin pero pinipilit niya ako na tumingin. Nagulat ako ng biglang bumaba si Atticus sa stage at naghiyawan ang mga tao. Napasunod naman kami ng tingin sa kaniya at nakita namin na huminto siya sa harapan ng i

