Chapter 09

1835 Words

HER POV Napatingin ako sa condo na binigay ni Madam Olivia sa akin. Hindi siya ganun kalakihan at hindi rin ganon kaliitan. Sakto lang siya para maging isang bahay at kasya para sa aming tatlo. Matagal na walang nakatira sa condo niya kaya naglinis muna ako para maayos ko ang mga gamit ko. Gabi na rin ako ng matapos, napaupo na lang ako upang magpahinga galing sa pagod na naramdaman ko. Sakto naman ay may nag-doorbell kaya binuksan ko iyon. “Coleen,” wika ko. “Kanina pa kita tinatawagan, hindi ka man lang sumasagot,” wika niya sa akin. Napahinga na lang ako nang malalim at sinenyasan siyang pumasok sa loob. “Paano ako makakasagot ng tawag kung ganito kagulo yung condo?” tanong ko sa kaniya. “Kumain ka muna, may jet lag pa tayo, pero iyan agad ang inaasikaso mo,” wika niya sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD