HER POV “Okay ka lang ba iha?” tanong sa akin ni sir Gabriel. “Parang ang lalim ng iniisip mo.” Napatingin naman ako sa kaniya at napangiti. “I’m fine, sir…” napalunok naman ako sabay napatingin sa designs ko. “Ano na naman ang ginawa mo, Dylan? Nanakit ka na naman ng babae?” tanong ni sir Gabriel sa kaniya. “Lo? Ba’t ako agad?” defensive na sabi niya. “Wala nga akong ginagawa nadamay naman ako.” duda talaga sa ‘yo Dylan. Talaga bang wala kang ginawa sa akin? Gusto mo ba balikan natin kung ano ang mga nangyari dati? “Iyan sige lo, pagalitan mo ‘yang apo mo.” pag sulsol ni Justine sa Lolo niya. “Alam mo ‘yang apo mo na ‘yan kailangan din talaga magtino. Nagagaya sa tatay niya eh. Dapat minsan pagalitan mo rin.” “Isa ka pang bata ka, hindi porket nasa iyo ang Del Valle kung ano-an

