HER POV Napayukom ang aking kamao dahil sa mga narinig ko. Bakit niya kailangan sabihin sa akin ang mga bagay na ito? Para lang masabi niya na inisip niya ako nung nawala ako? Para maramdaman ko na mahalaga ako sa kaniya at doon mapapalambot niya ako at babalik ako sa kaniya? Napalunok na lang ako at napahinga nang malalim upang pakalmahin ko ang sarili ko. I need to become professional and with this project alam ko na magiging maganda ang buhay ko. It’s the Del Valles after all, maganda ang naging reputation nila dito sa bansa at kilala sila sa larangan ng business and different crafts. “Sabihin mo lang sa akin kung ano ang gagawin natin,” mahinahon kong sabi. Pinawalang sa bahala ang sinasabi niya kanina. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa kaniya. Lahat ng ginagawa niya ngayon ay pag

