HER POV Nanatili lang kaming nakatingin sa isa’t isa. Yung mga tingin niyang sobrang lalim at animo’y tatagos hanggang buto mo. Yung mga titig niyang nakakapang-akit, yung dating mga titig na iniibig ko. Napaiwas naman ako nang tingin at dahan-dahan na pinakawalan ang kwelyo niya sa pagkakahawak ko. “Kakausapin ko si Madam Olivia about this. Siya ang magde-decide kung ano ang gagawin ko. Kapag hindi siya pumayag, pasensyahan tayo,” diin na sabi ko. Napangiti naman siya sabay kinuha ang cellphone niya at may tinawagan. Pinapanood ko lang ang mga ginagawa niya habang siya naman ay nakikipaglaro ng titigan sa akin. “Hello, tita Olivia, this is Dylan,” sambit niya. “Yes tita, Rhianne, right? Rhianne Monteverde… Yes andito po siya nasa harapan ko… yes tita but can I ask a favor? I want her

