HER POV Nagising na lang ako sa ulirat nang marinig ko ang snapped sa kamay ni Coleen. “Are you alright? Kanina ka pa nakatulala. Meron ka talagang hindi sinasabi,” wika niya sa akin. Napapikit na lang ako sabay napahawak sa akin ulo. Kung hindi naman kasi pinaalala ng isang ito yung mga nangyari dati, hindi ko naman maalala iyon. It’s in the past already, kaya pinipilit kong hindi alalahanin. “Kung ano-ano kasing sinasabi mo kanina. Pwede naman na kasing manahimik, ang dami mo pang sinasabi,” sambit ko sa kaniya. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko at pilit kinakalimutan kung ano ang nangyari sa amin sa past ni Dylan. “Ano na naman ang pinag-uusapan ninyong dalawa? Hindi na ako maka-relate ah,” bigla namang pasok sa eksena ni Beatrice. “Hindi na’t para malaman mo lahat, kumain k

