HER POV Ayaw niya ako mawala, para saan para masaktan ulit ako? Para magdusa sa ako sa pagiging cold niya sa akin? Mahal ko siya pero masakit din yung manatili sa ganong sitwasyon. “Nakakatawa ka rin ‘no.” tinignan ko siya ng seryoso. “Hindi ko alam kung ano’ng point mo na ayaw mo akong mawala, pero sinaktan mo ako? Ano ‘yon?” natatawa kong sabi sabay napainom. Napahinga ako nang malalim at pinapakalma ang sarili ko sa mga mangyayari. “Kaya nga gusto kong ulitin, kasi gusto kong itama kasi alam kong mali lahat,” mahinahon niyang sabi. Hindi naman ako nakapagsalita. Ano’ng gusto niyang gawin, magmakaawa ulit ako sa kaniya na bumalik siya sa akin? Na ulitin namin iyon, meron na siyang Krystal hindi ba? Gusto niya akong gawing kabit ngayon. Napatayo ako sa aking kinauupuan. “I need to

